07

832 120 7
                                    




We all have our dark and light side in ourselves, But what matter is the part that we choose to act on.

Clyde is an uptight man, mahirap siyang basahin. Kung susuruin mo siya, kasamaan lang ng ugali ang makikita mo.

And that's his barrier, nagtayo siya ng mataas na bakod ng kasamaan para hindi nila makita ang tunay na siya.

I don't know if it's just me but Clyde is a really soft guy. He's strong but he also cry, He shows frown face but deep inside He's smiling and He may cursed but I saw and heard him pray.

and that's weird.

Sa apat na buwan naming magkasama, wala kaming ibang ginawa kung hindi ang mag-away. Lagi siyang nakasibangot at nakakunot ang noo, katarayan at kasungitan niya lang ang ipinapakita niya.

It's been 4 months since we're together, naging issue na kami sa university na magkasintahan.

One time nga, sinugod ako ng mga fan girls niya, but Clyde stopped them. And since that day, wala namg lumalapit sa'kin.

Even Xavier, nahihirapan na siyang kausapin ako.

Palapit palang siya pinapatay na siya ng tingin ni Clyde papunta saakin. Kaya Sabi ko, Hindi muna kami makakapag usap dahil kailangan kong samahan si Clyde.

Clyde also stopped sa pangbubully dahil lagi na kaming magkasama. May mga times na umiinit ang ulo niya at gustong manakit, pero sinasapak ko siya at nilulunod ko sa malulutong kong mura kaya natatahimik siya.

Ako rin ang may hawak ng susi ng sasakyan niya at card kapag magkasama kami, at ginagawa kong panakot para sumunod siya.

He also improved in academics kung dati puro singko ang grades niya, ngayon mayroon na siyang tres and even dos sa report card.

I'm just so proud of myself, napatino ko lang naman ang isang Clyde Lucas na ang middle name ay demonyo.

He also act strange, noong nagkalagnat ako pinuntahan niya ako sa mansyon at inalagaan. Kung dati nauuna siyang sumakay sa sasakyan. Ngayon, pinagbubuksan na niya ako ng pinto.

"This is so weird Clyde, what the hell." Sabi ko habang takang taka parin sa ikinikilos niya.

Pero hindi siya nagsalita, tiningnan ko nalang siya habang nagdadrive at sinusuri ang mukha niya.

"Stop staring," He said habang nakakunot ang noo at diretso ang tingin sa daanan.

"You demon need to stop doing this,"

"Stop what?" He asked habang abala parin sa pagdadrive.

"You. Being weird." I heard him chuckled

What's wrong with you Clyde Lucas?!

I just rolled my eyes at hinayaan ko nalang siyang magdrive. Inabala ko nalang ang sarili ko sa bintana at hindi na siya pinansin.

Hindi naman traffic kaya madali kaming nakapunta sa school. Nag park na siya at mabilis naman akong lumabas dahil baka pagbuksan niya pa ako ng pinto. Kinikilabutan talaga ako.

"Amber..." I heard him but I ignored him.

Wala akong panahon para makipaglaro sayo, Clyde.

"Wait," hinawakan niya ang kamay ko at pinaharap sa kaniya.

"Amber.." He said, hindi na ako nagsalita at hinintay ko nalang siyang magpatuloy.

Across The Great BarrierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon