33

540 20 5
                                    


Gulong gulo parin ako simula nang pag-uusap namin kanina ni Mang Jun.

So, that statue was based on Mama and Mommy's characteristics at malamang dahil sa pagkagusto ni Papa kay Mama, hindi na inalagaan ang estatwa.

The pendant, kaya iba ang feeling ko doon dahil pag aari siya ni Mommy. I remember that day when She saw the pendant on my things and parang nagbago 'yung mood niya.

I sighed and I walked closed to the statue, I reach pendant at tinitigan ito. The J & J initials was still clear enough to see.

'Janine and Jude'

Everyone can do everything for love talaga 'no? Even something that will hurt their loved ones. She's really in love with someone, to the point that She did everything just to make things worked. But sadly, It didn't worked. She may have Papa that time but his heart was still on Mama.

And that shit hurts.

Loving someone who loves someone else...

I put the pendant on my pocket at mabilis na bumalik ng classroom and I saw Adrian and Clyde infront of the laptop at seryosong nagtitipa dito. Napanguso ako ng makita ko ang oras, ten minutes na pala akong late. Kinuha ko ang bakanteng upuan sa 'di layuan at hinila papunta sa gitna nilang dalawa. Napatingin sila sa akin at nginitian ko sila ng tipid.

"I'm sorry, something came up.." I explained, tumango lang si Adrian at ngumiti sa'kin. Akala ko naintindihan na nila kaya humarap na rin ako sa isang laptop, seryoso akong binubuksan ang laptop nang biglang magsalita si Clyde.

"More important than our thesis?" Malamig niyang tanong, Napalingon ako sa sinabi niya at nakita ko siyang abala parin sa pagtitipa at nakakunot ang noong nakatingin sa laptop.

I raised my eyebrow to him, parang noong nakaraang araw lang napaka-amo nitong lalaking 'to. And then now, ganiyan na siya umasta? What the hell is his problem?

"It's okay, Clyde." Adrian said, nilingon ko siya at ngumiti sa'kin. Sinenyasan niya akong tumingin nalang sa laptop at tumango naman ako.

Mabuti nalang at mabait si Adrian.

Binalik ko na ang tingin sa laptop at mabilis na binuksan ito, Napangiti naman ako nang makita kong litrato namin ni Xavier ang bumungad sa'kin.

Ito 'yung picture namin noong 21st birthday ko, dinala niya ako sa enchanted kingdom at sumakay kami ng ekstreme tower. Bago kami umakyat noon ay kinuhaan kami ng litrato nung photographer, magkahawak ang kamay namin at kapwa nakangiti sa camera.

I just miss the old us, wala kaming pinoproblema kung hindi ang mga fans niya lang. Pero ngayon madami na, katulad nalang ng mga fans niya, pamilya niya, mundong ginagalawan, si Clyde na papansin, at ang feelings niya na hindi pwede.

Napabuntong hininga nalang ako, natigilan ako nang padabog na tumayo si Clyde at pagalit na umalis palabas. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrnag gulat at Napakunot noo naman sa inasta niya. Ano bang problema niya?

Kung meron man, sana hindi na niya dinadala sa school. Madami pa kaming kailangan tapusin at bigla bigla nalang siyang umalis. Parang kanina lang galit siya dahil ang late ako tapos ngayon siya naman ang nagsasayang ng oras.

Nakakapikon ah.

Natigilan ako sa pag iisip nang magsalita si Adrian.

"Amber, Can you search about our possible competitors. If ever sana 'yung big companies." He said at tinanguan ko nalang siya. Binuksan ko ang chrome ng laptop at nagtipa ng mga kailangan naming impormasyon.

Across The Great BarrierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon