13

729 89 26
                                    




His small gesture means a lot to me, kahit tumingin lang siya sa'kin ay kinikilig na ako. Pero hindi ko pinapakita dahil baka bigla nalang niya akong sugurin ng halik, delikado na.

Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa lumang bench sa tabi ng fountain, walang umiimik saamin mula pa kanina. Ang awkward lang kasi, hindi ako sanay na tahimik siya, mas sanay parin ako sa kademonyohan niya.

Napatingin ako sa fountain at naalala ko ang nakita kong Silver pendant dito.

Lumapit ako sa fountain at tiningnan kung andoon pa ang pendant, kinuha ko ito at pinagmasdan. Mukhang mamahalin ito, kahit na napaglipasan na ng panahon ay lumalabas parin ang ganda.

I removed all the dirt in the pendant, siguro couple ang may ari nito. The J&J initials are saying na para bang mahal nila ang isa't isa, I bet mabigat na mabigat ang naging rason ng pagtapon nito dito. pero bakit nila iiwan 'to dito?

I don't know but the moment I saw the J&J initials, bumilis ang tibok ng puso ko...

It's weird...

"What's that?" Clyde asked, I handed it to him at Kumunot ang noo niya.

"Why is it still here?" He whispered but I heard him na nakapagpakunot ng noo ko.

"Alam mo 'to?" I asked him and He looked at me, mabilis lang siyang nagkibit balikat.

"I think I just saw this a long time ago.." Napa-ohh nalang ako, siguro nga matagal nang nandito itong pendant na 'to. At walang kumukuha dahil na rin siguro sa katandaan.

Binalik ko sa kamay ng estatwa ang pendant at humarap kay Clyde.

"Let's go, malelate na tayo sa class natin." I smiled at nauna ng naglakad sa kaniya. Hindi ko pa kayang makipaglandian sa kaniya pagkatapos ng sinabi niya, yes nakakakilig pero ang awkward kaya!

"Hey!" Narinig kong tawa niya pero tinawanan ko lang siya. Malandi ka ah, magdusa ka diyan!

"Love!" Napatigil naman ako saglit sa sinabi niya at bahagyang lumingon sa kaniya, tinawanan ko siya dahil mukha siyang basang sisiw kakatakbo.

"Love mo mukha mo!" Pang aasar ko at tsaka tumakbo ulit, nakarating na kami sa open field at tuloy tuloy parin sa paglalakad. Nilingon ko siya na pagod na pagod na sa kakatakbo at nakasimangot na, napangiti naman ako sa itsura niya.

My baby's so cute!

Umupo ako sa Bench na malapit saakin at nagpahinga, dumating naman si Clyde na pawis na pawis at naghahabol ng hininga.

Napatawa ako ng mahina at kinapa ko ang panyo sa bulsa ko. inabot ko 'to sa kaniya na ikinakunot ng noo niya.

"Pawis ka." Sabi ko at inilagay sa kamay niya ang panyo. I raised my eyebrow when I saw him starring at the handkerchief.

"Huwag mong sabihin na ako pa ang magpupunas sa'yo." Inirapan ko naman siya kaagad ng hindi siya sumagot pero mabuti nalang kinuha na niya. Nag iwas ako ng tingin dahil ayoko ng maasar ulit.

Natigilan ako ng maramdaman kong may nakalapat na tela sa mukha ko, nilingon ko si Clyde at nakita ko siyang seryosong nagpupunas ng pawis ko.

"You're so selfless, you're also sweating." He said that made me smile. Damn this guy! Napatawa naman ako ng ngumuso siya, what the hell?!

"Clyde..."

"Hmm.."

"Ang pangit mo." Seryoso kong sabi at napahalakhak naman ako sa reaksiyon niya.

Across The Great BarrierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon