Chapter 1

82 33 12
                                    

"KEVON, MANGANGANAK NA AKO"

malakas kong sigaw sa asawa ko. Agad naman siyang tumakbo papasok sa  kwarto at agad na lumapit saakin.

"Ano? Manganganak ka na?" taranta niyang tanong

"Ano sa tingin mo? Nagbibiro ako? Diyos ko, Kevon. Dalhin mo na ako sa ospital" nag hihisterikal kong sigaw

Dali-dali niya akong binuhat at agad na isinakay sa aming kotse.

"Bilisan mo!!" sigaw ko nanaman

Tiningnan niya ako nang natataranta

"Ano ba yan? Gabi ka pa nanganak." sabi niya

"Anong gusto mo? Sige, hintayin ko muna mag umaga" sigaw ko nanaman

"Shh, tumigil kang sumigaw, nakakahiya sa mga kapitbahay natin" sabi niya habang nakalagay pa ang isang daliri sa bibig niya

Sisigaw pa sana ako nang makita ko ang buwan.

Panandalian nawala ang sakit buhat nang pagbubuntis ko nang masulyapan ko ang Moon.

"Anak, nakita mo yan buwan? Maliwanag diba? Sobrang ganda niyan. Gusto ko maging  tulad ka nang Buwan. Misteryoso, ngunit may angking kagandahan." sabi ko habang hinahaplos ang aking tiyan.

Nakita kong tiningan ako ni Kevon  na may ngiti sa labi.

Ngumiti rin ako.

Nawala ang ngiti ko nang naramdaman ko nanaman ang sakit.

"Kevon, bilisan mo! Lalabas na ang anak ko" sigaw ko nanaman

Natataranta nanaman siyang tumingin sa daan..

Makalipas ang ilang minuto pa ay nakarating na kami sa Beethoven Hospital.

Agad akong dinaluhan nang mga nurses at agad na pinahiga sa hospital bed.

Dinala ako sa Emergency Room. Agad namang pumasok ang Doktor.

Inilagay niya ang kumot saakin at agad akong pinaanak

"Misis, ire!" sigaw nang doktor

"Ahhhhh, Ahhhh" malakas kong ire

"Sige pa, palabas na ang ulo!" sigaw niya ulit

Unti-unti na akong nanghihina dahil sa kanina pang pag ire.

Hinawakan ni Kevon ang kamay ko at ngumiti siya.

Maya-maya pa ay narinig ko ang pag kanta niya.

'Sa ilalim nang puting ilaw'

'Sa dilaw na Buwan'

Pag kanta niya nang Buwan. Matapos ko marinig ang linyang iyon ay agad akong umire nang malakas.

"Ahhhh, ahhh, ahhhh, ahhh" sunod-sunod kong pag ire.

Maya- maya pa ay....

"Uwahhh, uwahhh"

Narinig ko na ang pag iyak nang anak ko.

Nang makita ko ito ay napangiti nalang ako at agad na napapikit dahil sa pagod na nararamdaman ko.

Nagising ako na hawak ni Kevon  ang aking kamay.

Nang nakita niyang gising na ako ay agad siyang tumayo at tumakbo para tawagin ang doktor.

Maya-maya pa ay dumating ang nurse na may kargang bata. Karga-karga niya ang anak ko.

"Misis, eto na po ang anak mo.  Babae po ang kaniyang kasarian" nakangiti nitong sabi

Agad niya itong inilagay sa braso ko.

Napaluha ako nang makita ko ang angking kagandahan nang anak ko.

Hindi ko pinagsisisihan na sa Buwan ko pinag lihi ang aking anak.

Sobrang ganda niya.

Nagliliwanag ang kaniyang mukha sa kagandahan.

Maya-maya pa ay dumating ang isang babae na may dalang mga papel.

"Misis, eto na po ang birth certificate nang anak niyo. Ano po ba ang ipapangalan niyo sa bata?"

Napatingin ako sa aking asawa. Ngumiti siya saakin na parang sinasabing ako na ang mag desisyon.

Hindi ko pinaghandaan ang pangalan nang anak ko. Gusto ko kasi kung anong una kong maisip ay iyon na ang ipapangalan ko.

Nag isip ako nang ilang segundo at agad na tumingin sa babae.

"Serenity Riley." mas lumawak ang ngiti ko sa sinabi ko

"Serenity Riley Buena Agua" pag ulit ni Kevon sa pangalan na sinabi ko at dinugtungan ito nang kaniyang apelyido.

Ngumiti naman ang babae.

"Napakagandang pangalan Misis. Bagay na bagay sa bata. Sige po, ibibigay na lamang po namin. Mag pahinga na po kayo" sabi niya at agad na umalis

Tinitigan ko pa ang anak ko at nang makaramdam ako nang sakit sa aking baba ay inilapag ko ang bata sa kaniyang kuna.

Labis- labis ang kasiyahan na naramdaman ko nang dumating si Serenity.

Dumaan ang ilang araw, lumabas na rin kami nang ospital dala si Serenity.

Habang lumalaki siya, ipinapakita ko sakaniya ang iba-ibang hugis nang buwan.

Itinuro ko sakaniya kung paano lumubog at lumabas ang Buwan.

Nagustuhan niya naman ito at agad ding nahilig sa Moon.

Nasa ikalawang baitang na si Serenity nang umuwi siya mula sa paaralan at masayang sumisigaw.

"Mom, sabi ng teacher ko ang tawag daw sa taong mahilig sa Moon ay Selenophile" nakangiting sabi niya

Napangiti ako sa sinabi niya

"Mom, Selenophile ako because I really love Moon." masaya pa rin  niyang saad

"Oo, anak. Selenophile ka. Selenophile tayo"

At doon nagsimula si Serenity na mahilig sa Moon.

Nasa ikalawang baitang siya nang mag self proclaimed siya that She is a Selenophile.


To be continued..........




Please support and don't forget to vote.

All rights reserved

©2020

Selenophile (ON-GOING)Where stories live. Discover now