This chapter is dedicated to mmmaauui Thank you for reading!♥️
Serenity's POV
"STUDENTS OF RISE PRESTON HIGH. WELCOME TO FOUNDATION DAY"
Nagpalakpakan ang lahat matapos I welcome nang principal ang lahat para sa Foundation Day.
Nandito kami ngayon sa back stage at maya-maya lang ay sasalang na ang grupo namin para sa presentation.
Kinakabahan man ay gusto kong manalo kami dahil sa ipinakikitang tiwala at suporta nang mga kaklase saamin. May pa banner at picture pa namin.
Nandoon na din sa labas si Eliana kasama ang mga pinilit niyang ibang kaklase na kami ang suportahan. Nandoon din si Rush kasama ang mga pinsan niya. Hindi pa rin nakakapag usap mula nung huli.
Ang suot ko ngayon ay High waist Ripped Jeans and Crop top. Naka boots din ako at naka lugay ang buhok.
Ganon din ang suot nina Lake pero T-shirt at hindi Crop top. Hindi rin High waist ang pantalon nila.
Nang matapos mag present ang iba ay kami na ang tinawag kaya confident naman kaming lumabas.
Narinig naman agad ang sigawan nang mga sumusuporta saamin. Mas marami nga lang ang sumisigaw kay Lake pero deadma lang siya.
Habang inaayos ang instruments namin ay tiningnan ko ang kinaroroonan nina Rush. Nakangiti saaking kumaway ang mga pinsan nito maliban kay Kaylee.
Naalala ko na nireject nga pala siya ni Lake pero okay lang kasi kahit ganon, pumunta pa rin siya at sumuporta.
Nang maayos na ang lahat ay nag go sign si Mirko saakin.
Kinuha ko na rin ang Microphone at sumigaw.
"ARE YOU READY RISE PRESTON HIGH!" malakas na sigaw ko
Mas lalo namang lumakas ang sigawan nang magsimulang tumugtog ang tatlo.
Una kong kakantahin ay ang tagalog.
"So sino ang mga sawi dito?" sigaw ko.
Marami naman ang nagsigawan at nag sitaas nang mga kamay.
Natigilan ako nang sabay na nagtaas nang kamay si Kaylee, Eliana at Rush pero hindi ako doon nagpaapekto.
"Ang kantang ito ay para sa mga taong wala pang ibang mahal pero sigurado siyang hindi na ang taong iyon ang muli niyang mamahalin."
Nagsigawan ang lahat nang sabihin ko iyon.
"Ang title nang kanta ay 'Walang Iba pero Di na Ikaw'
Nag simula nang tumugtog si Lake at Josh. Hindi tumutugtog si Mirko dahil wala pa naman drum sa kanta.
'Lumipas ang ilang taon ngunit bakit nagkaganon
Mga masasayang taon pinagkait nang nang kahapon
Hindi naman ito pinagsinadya, nagkataon lang na biglang nawala'
Nakapikit ako pagkanta ko sa simula. Tahimik na rin ang mga tao at dinadamdam ang kanta.
Hindi man ako maka relate pero ayokong maranasan ko ang bagay na iyan.
YOU ARE READING
Selenophile (ON-GOING)
Historia CortaIt is about a girl who is Selenophile- means 'person who loves moon' . Let's see what love story can be made beacuse of moon.