Serenity's POV
Nakatayo lang ako at umiiyak sa lugar kung saan sinabi ni Lake na hindi niya ako gusto nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Kinuha ko ito sa bulsa ko at nakitang tumatawag si Rush.
Sinagot ko ito
'Hello Seren? Nasaan ka na? Kanina ka pa namin hinahanap ni El. Sayaw tayo' sigaw nito saakin dahil malakas ang tugtog doon eh
Hindi ako makasagot dahil baka mapansin niya na umiiyak ako kaya tahimik lang ako doon
'Hello Seren? Seren' tanong pa nito pero humikbi lang ako dahil hindi ko pa kayang magsalita.
'Nasaan ka? Hahanapin kita. Ano ba nangyari sayo? Seren hintayin mo ako' Naputol na ang linya nang sabihin niya iyon
Umupo ako at umiyak nang umiyak doon. Tinitigan ko ang buwan
"I want to be your Moon Lake but how can I do it if you don't like me?" nang sabihin ko yun ay tumulo nang tumulo ang luha ko
Pinunasan ko ang luha ko pero hindi ito tumitigil.
Masakit pala talaga mag mahal nang taong hindi naman tayo kayang mahalin pabalik.
"Ano ka ba Serenity. Kung maiyak ka naman para namang pinaasa ka niya. Totoo namang hindi niya sinabi na gusto ka rin niya eh. Sige assume pa" galit kong sabi sa sarili ko habang umiiyak pa rin.
Sinabunutan ko ang sarili ko pero nagulat ako nang bigla iyon hinila ni Rush.
"Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" nag aalalang tanong nito
Inagaw ko ang kamay ko at tumalikod para punasan ang luha ko. Nang wala na ay ngumiti ako at humarap sakaniya
"Wala. Tinititigan ko kasi ang Buwan. Naiiyak ako sa sobrang ganda" sagot ko na nakangiti
Kumunot naman ang noo niya
"Tingin mo maniniwala ako sa lintik na rason mo? Matagal ka nang tumitingin sa Buwan ngayon ka lang umiyak? Sabihin mo saakin ang totoo. Anong nangyari sayo?" inis na tanong nito
"Wala nga Rush. Ang OA mo naman. Wala lang to" nakangiti pa rin pagtanggi ko
"Si Lake ba?" tanong niya na ikinagulat ko
Umiling ako nang umiling
"Si Lake? Ano namang kinalaman ni Lake dito. Hindi." umiiling na tanggi ko
Tahimik lang siya pero masama ang tingin saakin kaya napabuntong hininga ako.
Umiling ako nang umiling
"Hindi niya ako gusto Rush. He rejected me and he said that he will never like me. Ang sakit Rush. Ang sakit sakit sobra" nang sabihin ko yun ay tumulo nanaman ang mga luha ko
"Ano ba to? Hindi nauubos ang luha ko. Kanina pa to eh" nagpupunas nang luha habang tumatawa kong sabi
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin
"Nandito naman kasi ako Seren. Hindi kita sasaktan. Bakit siya pa ang minahal mo eh hindi niya naman kayang suklian yang nararamdaman mo?" sambit niya habang nakayakap saakin
"Rush...." mahinang sabi ko habang nakayakap rin sakaniya
"Ako nalang Seren. Tingnan mo naman ako. Diba sabi ko aagawin kita kapag sinaktan ka niya?" narinig kong sabi niya
"Hindi Rush. Ayokong saktan ka. Kahit nasasaktan ako, si Lake lang talaga eh. I am sorry. I'm really sorry Rush. Kung ganon lang kadali magmahal nang iba, gagawin ko kaso hindi..Mahirap eh. Sobrang hirap" umiiyak kong sagot sakaniya
YOU ARE READING
Selenophile (ON-GOING)
Short StoryIt is about a girl who is Selenophile- means 'person who loves moon' . Let's see what love story can be made beacuse of moon.