Chapter 9

49 15 1
                                    

Zyair's POV

"Lake, pwede ba kitang makausap?" 

Narinig kong sigaw ni Kaylee mula sa likod ko. Tiningnan ko lang siya at naglakad na ulit ako papalayo.

Dumiretso ako sa Cafeteria at bumili  nang pagkain. Kanina pa ako nagugutom eh.

Habang kumakain ako ay biglang naupo si Kaylee sa tabi ko. Kumain lang ako at hinintay ang sasabihin niya.

Narinig ko ang malalim na pag buntong hininga niya na tila kinakabahan ito kaya tumigil akong kumain at tiningnan siya. Napatingin naman siya saakin.

"Spill it" seryosong sabi ko sakaniya  kaya napamaang siya at mas lalong kinabahan ang mukha.

Alam kong rude yung ginawa ko kay Serenity pero hindi ko rin  maintindihan ang sarili ko eh. Gusto ko siyang iwasan na parang hindi. Ewan, kaibigan ko kasi siya pero hindi ko rin nagugustuhan ang nararamdaman niya saakin.

"Uhm, Lake. Alam ko na matagal mo naman na alam to pero I still want to confess this to you" nahihiyang  sabi nito

"Confess what?" pagtatanong ko

Alam ko na rin naman ang aaminin niya pero ayokong mag assume or what. Gusto ko pa rin na manggaling sakaniya iyon kaya nagpanggap ako na parang walang ideya sa gusto niyang sabihin.

"My feelings for you. Bata pa lang tayo gusto na kita Lake. Alam mo yan" pag amin nito na nakatingin mismo sa mga mata ko.

Yumuko ako at tumingin sa pagkain ko. Nagiisip ako nang tamang salita na hindi makakasakit sakaniya. As much as possible ayokong makasakit.

Tumingin ulit ako  sakaniya at tinintigan siyang seryoso. Nilabanan niya naman ang mga titig ko pero  kita doon ang kabang nararamdaman niya.

"Feelings mo? Alam ko. Ano naman?"  sagot ko dito kaya halatang nagulat siya sa sagot ko

"Yan lang ba ang sasabihin mo?" tanong nito na nanggigilid na ang luha.

Mababaw talaga ang luha ni Kaylee. Bata pa lang kami ganiyan na siya. Napapikit nalang ako. Kailangan ko siyang diretsuhin para tumigil na siyang umasa sa wala.

"Bakit? Ano pa bang sasabihin ko?" cold kong sabi dito

Harsh ako pero kahit naman kasi mag isip ako nang maayos na salita, masasaktan at masasaktan pa rin siya pero gusto kong bawasan ang sakit  kaya nag iisip pa rin ako.

"Are you going to accept my feelings or you're just going to reject it?" nagatatapang tapangan na tanong nito

"Ano sa tingin mo?" tanong ko

"Just get straight to the point Lake. Are you going to accept me or reject me?"  napapaluha nang sigaw nito saakin.

Napatingin na rin ang ibang tao sa  tabi namin kaya no choice ako kundi sagutin siya.

"Kinakapatid ko ang pinsan mo na si Rush. Simula bata pa lang tayo magkaibigan na tayo at hanggang dun nalang yun. Hindi na lalagpas pa sa pagkakaibigan ang nararamdaman ko sayo. Friendship is the only thing I can offer to you.  I am sorry Kay." seryosong sabi ko dito

Napapikit ako nang makitang tumulo ang luha niya. Ayoko talagang nakakasakit pero sa buhay masasaktan talaga tayo and that is a  nature. Walang tao ang hindi masasaktan. Alam ko kasi na hindi  lahat nang gusto natin ay makukuha natin. Hindi mo pwedeng i required ang isang tao na mahalin ka pabalik.

"Why? Is it because  of Serenity? Sabi  ko na nga ba. Transferring you in another school with Seren is not a good idea." lumuluha pa rin pero may hinanakit na sabi nito

Selenophile (ON-GOING)Where stories live. Discover now