Tulala akong naglalakad pabalik sa bahay nina Gianna nang bigla akong hilahin ni Lake.
"Nasaan si Rush? Bakit hindi mo siya kasama?" tanong niya
Binawi ko ang kamay ko sakaniya
"Umuwi na siya. Ayaw niya na daw maging kaibigan tayo." sagot ko
"Bakit daw? Anong nangyari?" tanong niya
"Ayun, nasaktan ko nanaman siya dahil sinabi kong ikaw ang mahal ko at hindi siya samantalang ikaw may kayakap na iba." sabi ko at hindi ko naitago ang hinanakit sa boses.
Natigilan siya at agad na kinuha ang kamay ko. Hinila niya ako palapit sakaniya at niyakap.
"I'm sorry. Nakikiusap si Gianna na bumalik siya saakin pero sabi ko ay ikaw ang mahal ko kaya niyakp niya ako pero tinulak ko agad siya. Promise" paliwanag niya
Napahinga ako nang malalim.
"Nagtitiwala ako sayo. Nalulungkot lang ako sa sinabi ni Rush. Ayokong mawala siya. Magkaibigan tayo" emosyonal kong sabi
Hinaplos niya ang ulo ko
"Magiging okay din ang lahat Seren." sabi niya
Pumasok na kami at agad na hinanap ni Eliana si Rush. Kwinento ko sakaniya ang nangyari at obviously nasaktan nanaman siya pero okay lang daw dahil sanay naman na siya.
Hindi ako makatulog nang gabing iyon kaya lumabas ako sa balcony nang kwarto at tumitig sa buwan.
Sinulat ko ang pangalan ni Rush sa hangin. Nanggilid ang luha ko
"Sana, maging maayos na ang lahat. Sana wala nang masaktan." umiiyak kong sabi
Nanatili pa ako doon nang ilang minuto at nang antukin ako ay natulog na ako.
Kinaumagahan ay maaga akong ginising ni Eliana dahil papasok pa daw kami sa klase. Biyernes na at birthday ko na bukas. Sana maging okay na kami ni Rush. Gusto kong nandoon siya sa Party ko.
Hindi maayos ang klase namin dahil binigyan kami nang oras nang mga teachers para itinda ang produkto namin.
Magkasama kami ni Lake na nagtitinda. Magkasama naman si Gianna at Kyla. Mag isa naman si Bradlee.
Nilibot namin ang campus hanggang sa maubos ang paninda namin.
Papunta kami sa cafeteria para bumili nang tubig nang makasalubong namin si Rush.
Nilapitan ko siya at hinawakan ko amg kamay niya pero malakas niyang tinapon sa ere ang kamay ko kaya natumba ako.
Agad akong pinatayo ni Lake at kwinelyuhan si Rush
"Ano bang nangyayari sayo? Si Serenity yan!" sigaw ni Lake
Tumawa nang sarkastiko si Rush
YOU ARE READING
Selenophile (ON-GOING)
Short StoryIt is about a girl who is Selenophile- means 'person who loves moon' . Let's see what love story can be made beacuse of moon.