Serenity's POV
"Anak! Serenity! Bumangon ka na diyan. Papasok ka na ngayon!" narinig kong sigaw ni Mommy mula sa baba.
Hindi ako tumayo dahil tinatamad ako, ayoko pang pumasok.
Natulog na ako ulit nang biglang may tumapik nang medyo malakas sa aking pwet.
"Hoy, Serenity. Grade 2 ka na Anak. Bumangon ka diyan at papaliguan na kita" sabi niya.
Tumayo naman agad ako at dumiretso sa banyo. Nakita kong sumunod si Mommy pero agad kong isinara ang pintuan nang banyo ko.
"Hoy, papasukin mo ko Seren! Papaliguan kita" sigaw niya habang kumakatok
"Ano ba Mom! Malaki na po ako. Ako na magpapaligo sa sarili ko." sigaw ko naman pabalik at agad na binuksan ang shower
"Aba, ayusin mo ang pag ligo mo ha? Mag sabon ka nang maayos. Aayusin ko na ang uniform mo. Pagkabihis mo ay bumaba ka na para kumain." narinig ko pang sabi ni Mom pero hindi na ako sumagot.
Nang makarating ako sa school ay agad akong nilapitan ni Rush at Eliana. Ang mga bestfriends ko.
Si Rush Bradford Carpina ay ang boy bestfriend ko. Nagkakilala kami kasi amiga ni Mommy ang Mommy niya. Kami ang unang naging mag bestfriend nang kinder ako.
Si Eliana Mia Buensalida naman ay ang girl bestfriend ko. Nagkakilala kami nang Grade 1 kami. Naging seatmate ko siya kaya pinakilala ko siya kay Rush kaya naging bestfriends kaming tatlo.
Nandito na kami ngayon sa loob nang room namin. Magkakatabi kaming tatlo. Nagdadaldalan kami nang biglang dumating ang teacher na may dala.
"Class, I am Ms. Glaiza Guevarra and I am your adviser." sabi niya.
"Good morning Teacher Glaiza" sabay sabay naming sigaw.
Ngumiti naman siya at agad na kinuha ang dala dala niya kanina.
"Sino sainyo ang alam kung ano ito?" tanong niya habang hawak ito.
Tumaas naman ako nang kamay
"Teacher, ako po alam ko yan" sabi ko
"Ano ito Serenity?" tanong niya
"Moon po." proud kong sagot
"Very good Serenity. Moon ang tawag dito class. Paano mo nalaman Serenity?" tanong niya
"Teacher pwede pong Seren nalang po ang tawag niyo sakin? Ang haba po kasi nang Serenity. By the way, nalaman ko po yan kay Mommy. Lagi niya po iyan itinuturo saakin. Pinag lihi po kasi ako sa Moon" sabi ko
Tumawa naman si Teacher.
"Okay Seren. Mas better nga iyon. Pinag lihi ka pala sa Moon. Kaya pala maganda ka din tulad nito" sabi niya
"Ayy thank you po Teacher" pag kasabi ko nun ay naupo na ako.
"Class, alam niyo ba ang Selenophile?" tanong ni Teacher.
"Hindi po" sabay sabay naming sagot..
"Ang Selenophile ay ang mga taong mahilig sa Moon. Tulad ni Seren. Mahilig siya sa Moon. Selenophile ang tawag sakanila" paliwanag nito
Marami pang sinabi si Teacher pero sa Selenophile lang nakatutok ang atensyon ko.
Nang mag uwian na ay nag paalam na ako kina Rush at Eliana dahil nandun na agad ang sundo ko.
Masaya akong pumasok sa bahay namin at agad na hinanap si Mommy.
"Mom, ang sabi nang teacher ko, Selenophile daw ang tawag sa nga taong mahilig sa Moon." nakangiti kong sabi.
Ngumiti naman siya.
"Mom, Selenophile ako because I really love Moon." sabi ko ulit
"Oo anak. Selenophile ka. Selenophile tayo" sabi niya
Lumipas ang ilang mga taon at Grade 9 na ako. High School na ako.
"Tara na sa kwarto ko Rush, Eliana" yaya ko sa mga kaibigan ko
Sumunod naman agad sila. Nang makarating kami doon ay agad kaming nahiga sa kama ko.
"Alam mo Seren? Hanggang ngayon naiinggit pa rin ako sa kwarto mo. Ang ganda ganda. Para akong nasa kalawakan" sabi ni Eliana
"Edi magpa gawa ka rin nang ganiyan. Lagay mo sa kwarto mo" agad namang sagot ni Rush
"Hanggang ngayon, mahal na mahal mo pa rin ang Moon no Seren?" tanong ni Eliana
"Oo naman at hindi iyon magbabago" sabi ko habang tinitingnan ang kisame ko
"Sana all hindi magbabago!" sigaw ni Rush kaya agad namin siyang kiniliti ni Eliana. Marami kasing kiliti si Rush sa katawan.
Dahil sa pagkahilig ko sa Moon. Ang design nang kwarto ko ay parang kalawakan. Ang kisame ko ay may wallpaper na universe at siyempre sa gitna ay Moon.
Mula noong bata pa ako ay hilig na hilig ko na talaga ang Buwan.
Lagi kaming pumupunta ni Mommy sa mga exhibit tungkol sa Moon.
Bumibili rin ako nang mga damit na ang design ay Moon.
May mga collections din ako nang mga Moon structures and paintings.
Favorite spot ko din sa bahay namin ang garden dahil lagi ako doong tumatambay tuwing gabi para titigan ang ganda nang Buwan.
Mula pa bata ay ganoon na ako hanggang sa tumuntong ako nang Grade 10.
Ilang buwan nalang ay Senior High School na ako.
Alam nang lahat na nakakakilala saakin na hilig ko ang Moon.
Hindi ko alam dahil simula pa lang ay gustong gusto ko na talaga ito.
Mayroon din akong pinangako sa sarili ko.
Mahahanap ko ang true love ko sa ilalim nang Buwan.
Sa mismong lugar na ang tanging nagbibigay liwanag ay mula sa Buwan.
Hindi ko alam kung saan, kung paano basta yun ang totoo.
Makikita ko ang lalaking mamahalin ko habang buhay sa pamamagitan nang Moon.
Ako si Serenity Riley Buena Agua at ito ang kwento ko.
To be continued........
Please support and don't forget to vote.
All rights reserved
©2020
YOU ARE READING
Selenophile (ON-GOING)
Short StoryIt is about a girl who is Selenophile- means 'person who loves moon' . Let's see what love story can be made beacuse of moon.