Bumalik ako sa Room at hindi nalang kumain. Naiinis ako kasi bakit kailangan niyang mag sinungaling saakin?
Tama ba talagang pagkatiwalaan ko si Lake?
Pinipigilan ko ang luha kong tumulo pero tingin ko ay mas magiging maayos ang pakiramdam ko kapag umiyak ako.
Yumuko ako at hinayaang tumulo ang luha. Hindi ko na naiintindihan kung bakit nangyayari ito saaming dalawa. Hindi niya naman ako iiwan diba? Hindi ko kakayanin yun.
Napatingala ako nang biglang may mag lapag nang pagkain sa table ko.
"Kumain ka. Huwag mong hayaang magutom ka dahil lang kay Lake." saad ni Rush
"Ayoko. Wala akong gana" sagot ko pero mukhang hindi ko kakampi ang tadhana ngayon dahip biglang tumunog ang tiyan ko.
Malakas na bumuntong hininga si Rush.
"Mag usap kayo ni Lake at huwag kang mag-isip nang kung ano-ano" sabi niya
"Bakit hindi niya man lang ako sinundan? Mas gusto niya makasama si Gianna kaya hinayaan niya lang akong umalis" hinanakit ko
"Ganiyan ba ang tingin mo kay Lake? Kasi ako hindi. Hindi ganiyan si Lake." sagot niya
Yumuko ako at hindi nag salita. Narinig ko ang malakas na pag buntong hininga niya
"Hindi siya sumunod sayo kasi galit ka pa at ayaw niya raw na sabayan ang galit mo. Pinaalis niya rin si Gianna kaya hindi sila magkasama ngayon. Kahit gusto kitang alagaan pero mas tamang sabihin ko ang totoo. Kainin mo daw yan dahil ayaw ni Lake na nagugutom ka kaya inutusan niya akong dalhin sayo yan." napatingala ako sa sinabi niya pero ngumiti lang siya saka umalis.
Napapikit ako sa inis sa sarili ko. Mali na pag isipan ko nang kung ano si Lake. Sigurado akong may rason kung bakit siya nag sinungaling saakin.
Kinuha ko ang pagkain at napangiti sa note ni Lake
'I am sorry. Please eat. I don't want you to be hungry. I love you'
Kinain ko yun at tamang pagkatiwalaan ko si Lake.
"Kindly wear your PE uniforms dahil pupunta tayo sa Gym para mag basket ball. Yung mga naka assign na cleaners ngayon. Kayo ang kukuha nang bola sa stock room at siyempre kayo din ang magbabalik. Move" sigaw ng PE teacher namin. Napapikit nalang ako nang maalalang cleaners pala ako ngayon.
Sabay kaming pumunta ni Lake sa kaniya-kaniyang lockers pero nag hiwalay din kami dahil pupunta pa ako sa Stock Room.
Pag pasok ko pra kunin ang bola ay nakita ko si Kristel, Margaux at Gianna sa loob.
YOU ARE READING
Selenophile (ON-GOING)
Short StoryIt is about a girl who is Selenophile- means 'person who loves moon' . Let's see what love story can be made beacuse of moon.