Chapter 14

21 5 0
                                    

Serenity's POV



"Alam mo? Hanggang ngayon hindi pa rin ako naniniwala na wala talagang gusto yan si Lake sayo eh." naiinis na sabi ni Eliana matapos kong ikwento ang nangyari saamin ni Lake kanina doon sa tambayan.

"Huwag ka nang mag salita tungkol diyan El. Baka umasa nanaman ako sa wala" sagot ko nalang

"Hindi Seren. Malakas ang pakiramdam ko na gusto ka rin niya" sagot niya

"Oh kung gusto niya nga ako bakit niya pinapatigil ang nararamdaman ko?" tanong ko kaya napatigil siya

Hindi na siya nag salita pa at iba nalang ang pinag-usapan.

Nang oras na nang klase ko ay agad  na kaming naghiwalay at pumunta sa kaniya-kaniyang Room.

Agad kong nadatnan si Lake na nakaupo doon. Nang makita niya ako ay agad niyang isinalpak ang earphone sa tenga at nagbasa.

Lumapit ako doon at pumunta sa upuan ko para kunin ang mga gamit ko. Tiningnan ko ang librong binabasa niya.

"Zyair? That's my book. Can I get that?" tanong ko dito dahil saakin naman talaga yun.

Gulat naman siyang tiningnan iyon at nakita ang pangalan kong nakadikit doon.

"Ahh sorry" nahihiyang sabi niya at agad na iniabot saakin yun

Kinuha ko naman yun at ngumiti sakaniya pero nakatulala lang siya.

Tumalikod na ako at napangiti.

'Anong binabasa niya? Math book yun. Mga numbers? Pftt'

Kahit pa naiinis at nasasaktan ako sakaniya hindi ko pa rin maiwasan na kiligin sakaniya.

"Joana pwede bang palit muna tayo nang seats?" tanong ko dito.

Mas mabuti na rin na lumayo muna  ako kay Lake para mapadali ang pag limot ko

Hindi na rin naman nag lelesson eh kaya ayos lang naman na lumipat nang upuan.

Nag alangan naman siya pero pumayag pa rin.

Siya ang nilapitan ko dahil close rin naman sila at alam ko na may gusto rin siya dito.

Nang makaalis siya ay umupo na ako. Hindi ko napigilan at napalingon ako sa likod kung saan nandon sila.

Nagsasalita si Joana pero si Lake ay nakatingin saakin.

Iniisip ko pa rin talaga kung bakit  ganon siya. Hindi ko maiwasang umasa dahil sa mga actions niya.

'Serenity wala siyang gusto sayo. Huwag kang assuming'

Napailing ako sa naisip ko at ibinalik ang atensyon ko sa unahan.

Nakatulala lang ako doon at nag iisip nang biglang pumasok ang teacher namin sa MAPEH na si Sir Alex Paulo.

"Class listen up. I have an important announcement. Your project in PE is Hip hop. Your section will create your own choreography. The music is up to  you. I want all of you to choose your two leaders." sabi niya kaya agad na na excite ang mga kaklase namin but not me. I am not good at dancing for Pete's sake. I hate this.

Napatingin naman ako kay Lake pero kausap niya si Joana at tuwang tuwa naman si Joana habang nagsasalita.

Kahit pa alam ko na walang gusto si Lake sakaniya ay masakit pa rin kasi dapat ako yun.

Selenophile (ON-GOING)Where stories live. Discover now