Chapter 15

21 6 0
                                    

Serenity's POV

"Goodluck Guys! Fighting!" malakas na sigaw ni Margaux at Joana.

Ngayon na ang performance namin sa Hip-Hop. Maya-maya lang ay magsisimula na kami pero wala pa rin si Lake.

Hinahanap ko siya pero hindi ako makatanong kung nasaan siya dahil  nahihiya ako.

"Hindi daw sure kung makakasali si Zyair" napatingin ako nang sabihin iyon ni Joana.

Nang makita niya na nakatingin  ako sakaniya ay tinaasan niya ako nang kilay at nag make up ulit siya.

"Huh? Bakit daw?" tanong ni  Margaux

"Wala daw kasi siyang susuutin." sagot nito.

"Diba matagal na nating pinag usapan ang costume, hindi siya nag ready? Ano bang nangyari kay Lake?" nagtatakang sabi nito at tumingin saakin pero nag iwas ako nang tingin.

"Seren, hindi ka pa rin tapos?" naiinis na tanong saakin ni Joana

"Teka lang, hindi ako marunong mag tirintas" natatarantang sagot ko

Nasa labas na kasi ang lahat. Kami nalang dalawa ni Joana sa Room dahil siya ang magsasara nang pinto.

Nilapitan niya ako at kinuha ang suklay ko.

Natigilan ako nang kinuha niya ang buhok ko at nagsimula nang mag tirintas.

"Ang swerte mo kay Zyair pero bakit ba hindi kayo nagpapansinan?" maya-mayang tanong nito kaya natigilan ako

"Hindi mo alam?" tanong ko kasi diba sinabi niya noong nag-sagutan kami na kaya inayawan daw ako ni Lake. Akala ko alam niya.

"Ang alin?" tanong niya pero umiling ako. Pinagalitan niya ako dahil magtatabingi daw ang tirintas ko.

Nang matapos ay inayos niya ang make-up ko.

Nang matapos ay lumabas na ako. Hihintayin ko sana siya kaso nahihiya ako.

Maglalakad na sana ako paalis nang bigla siyang magsalita.

"Huwag mo nang pakawalan si Zyair ha? Umamin ako sakaniya na gusto ko siya pero sabi niya may mahal na daw siyang iba. Kahit hindi niya sabihin alam ko na ikaw yun Seren. Sa mga panahon na magkasama kami. Ako ang kasama niya pero ikaw ang bukambibig niya"

Nang sabihin niya yun ay nauna na  siyang naglakad. 

Nang maka recover ako ay sumunod na rin.

Tumatakbo ako papalapit sa grupo namin nang makita ko si Lake na nasa  Cafeteria. Nakatingin siya saakin at ngumiti pero tinalikuran ko lang siya at pumwesto na.

Maya-maya pa ay dumating na siya at tumabi saakin. Doon na kasi ang pwesto niya.

"Goodluck" mahinang sabi niya kaya tiningnan ko siya at agad na umiwas  nang nakatingin siya saakin.

Selenophile (ON-GOING)Where stories live. Discover now