Chapter 12

24 8 0
                                    

Serenity's POV

"Para kang tanga Seren. Ano ka ba? Bakit ka ba ngumingiti mag-isa diyan? You're creepy ha?"

Natawa nalang ako nang sabihin yan ni Eliana.

Masisisi niyo ba ako? Sino ang hindi  kikiligin kapag binigyan ka nang regalo nang taong gusto mo.

"Sabihin mo nga saakin Seren. Anong nangyari kahapon sayo?" masama ang tingin na tanong saakin ulit nito

Ngumiti ulit ako nang pagkalaki-laki kaya binatukan niya ako.

"Aray, ano ba El. Teka lang nga. Kinikilig pa ako" inis kong sabi pero matapos ang sabihin na kinikilig  ay ngumiti ulit ako kaya umiling siya nang umiling

"Kinikilig? Kwento mo na sakin bilis." curious na tanong nito

Humarap naman ako sakaniya.

"Ganito kasi ang nangyari El. Diba nang matapos iannounce na nanalo kami. Nang pauwi na ay nilapitan ko siya at nagpahatid ako sakaniya pauwi pero wala daw siyang sasakyan" pagsisimula ko sa kwento

"Oh? Wala pa lang sasakyan eh di  hindi ka niya hinatid tapos kilig na kilig ka pa. Isa pa, ikaw pa ang nagsabing ihatid ka niya. Dapat hinintay mong magkusa" inis na sagot nito saakin

Ngumiti ako ulit kaya akmang babatukan niya ulit ako kaya sinamaan ko siya nang tingin at sinangga ang kamay niya.

"Patapusin mo kasi ako. Oh diba wala siyang sasakyan? Akala ko aalis na siya pero alam mo ang sinabi niya?" tanong ko dito

"Malamang hindi. Nandoon ba ako para malaman ko? Kaya nga tinatanong ko diba? My gosh Serenity" tila stress na reklamo nito saakin

Sinamaan ko naman siya nang tingin pero ngumiti ulit ako. Hindi nito mawawala ang saya sa puso ko.

Ikwinento ko sakaniya nang detalyado ang nangyari kagabi as in  lahat.

"Aba, pakipot pa siya. Alam ko naman na ibibigay niya talaga yun sayo eh. Gusto ka talaga nun sis. I am sure na"

Dahil sa sinabi niya ay kilig na kilig  naman ako hanggang sa classroom namin ay tinitingnan ko si Lake nang nakangiti.

Kapag nahuhuli niya naman ako ay wala siyang ibang ginawa kundi mag 'tss'.

"Parang ahas eh binigyan mo nga  ako nang teddy bear kahapon eh" kinikilig kong parinig dito

Tumingin naman siya saakin na nakataas ang kilay.

"Do you think binigay ko talaga yun sayo purposely?" tanong nito

Selenophile (ON-GOING)Where stories live. Discover now