"Masaya ako dahil sinabi mo yan. Masaya ako dahil kasama ko na ulit ang dating Lake na boyfriend ko. Kahit kunwari lang"
Niyakap niya rin ako pabalik.
"EK tayo?" tanong niya saka umalis sa pagkakayakap ko.
Ngumiti ako saka tumango.
Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami.
Pinag buksan niya ako nang pinto sa kotse.
"Kumain ka na ba?" tanong niya habang nasa byahe kami
"Oo. Ikaw ba?" tanong ko
"Hindi pa. Nagugutom na nga ako eh" sagot niya
"Bakit kasi hindi ka pa kumain?" tanong ko
"Excited akong pumunta sa park eh. Magkikita tayo eh" napatingin ako sa sinabi niya
Ngumiti lang siya saka tumingin sa daan.
"Diba dapat sasabihin mo na ang corny ko?" tanong niya
Tumawa ako
"Psh, ang corny Zyair ha?" sabi ko
Hindi na siya nag salita pa at nang makarating kami sa EK ay dumiretso sa kainan dahil nagugutom na daw talaga siya
Nag order siya nang pizza, Donut at cookies. Nag order din siya nang Mango Shake.
Yun ang kadalasan namin noon i order tuwing magkasama kaming kumakain.
Tahimik lang kaming kumakain habang pinapanood ang mga taong sumasakay sa rides.
Hindi ko alam, gusto kong siyang makasama na parang tulad nang dati pero wala akong masabi. Hindi ko alam kung anong pag uusapan namin dahil kahit ginagawa namin to ngayon, alam ko na nagbago na.
"Saan mo gustong unang sumakay?" tanong niya nang matapos kaming kumain
"Saan ba maganda?" nahihiya kong sabi
Muli akong nagulat nang hinawakan niya ang kamay ko.
"Seren, kung gusto mong magpanggap tayo na parang tayo uli, makisama ka." seryosong bulong niya
Pagpapanggap. Nasaktan agad ako sa word na ginamit niya. Parang pinapamulha niya saakin na nagpapanggap lang kami kahit yun naman talaga ang totoo.
"Huh?" yan lang ang isinagot ko
"Dapat ang sagot mo saakin, doon tayo sa pinaka nakakatakot na rides. Yun ang lagi mong sinasabi dati." sabi niya ulit
"Ahh, sige. Doon tayo sumakay sa pinaka nakakatakot na rides."
Tumango siya. Sa huli ay sa Anchors Away kami sumakay pero bago kami pumunta doon ay tumigil kami sa bilihan nang headbands at pumili nang bibilihin.
Ang napili ko ay pang anghel samantalang siya ay pang demon.
"Bakit naman pang demon ang bibilihin mo?" tanong ko
"Anghel sayo, di pair tayo." sagot niya na talagang nagpakilig saakin pero pinigilan kong ngumiti dahil alam kong parte lang to nang pagpapanggap.
YOU ARE READING
Selenophile (ON-GOING)
Short StoryIt is about a girl who is Selenophile- means 'person who loves moon' . Let's see what love story can be made beacuse of moon.