BACK STORY A

49 12 1
                                    

Zyair's POV

"Zyair baby? Wake up. Malelate tayo sa misa. Your Dad is waiting  downstairs."

Napamulat ako nang marinig ang boses ni Mommy.

"Mom. It's still early. I don't want to attend the mass today. Maybe next time? Please Mom, I'm sleepy" sagot ko at pumikit muli

"Baby, you know that it's our tradition right? One more thing, It's our wedding anniversary. I want  our family complete today." sagot muli nito

"Mom, please. You can attend mass without me." sagot ko naman habang nakapikit pa rin.

Naramdaman kong umayos nang tayo si Mom.

"Kapag hindi ka pa tumayo diyan ako ang magbibihis sayo"

Napatayo ako sa huling sinabi niya.

"I'm seven na Mom. Ano ba yan?" reklamo ko dito

"Kaya nga, seven ka na. Gugustuhin mo na ako pa ang magbibihis sayo. Bilisan mo diyan, hihintayin ka namin sa baba."

Matapos niyang sabihin iyon ay bumaba na siya.

Tinatamad man ay nag ayos na ako nang sarili at nang matapos ay bumaba na ako. Nakita ko sa baba ang parents and ang Ate ko.

Sumakay na kami sa sasakyan at nawala ang antok ko dahil sa hangin  mula sa labas.

Nakikipag asaran lang ako sa kapatid ko habang ang parents ko ay naglalambingan. Pagbigyan na natin, Anniversary naman nila.

Nang nakarating kami sa Simbahan ay naupo na kami. Nandoon na rin ang kinakapatid kong si Rush kasama  ang mga pinsan niya.

"Hi Lake. Ang gwapo mo" inasar ako nina Kaydin nang sabihin yan ni Kaylee. Pinsan ni Rush at kaibigan ko.

Tumawa lang ako at dinilaan. Ganon lagi ang ginagawa ko tuwing pinupuri niya ako. Tinarayan niya naman ako kaya inakbayan ko siya. Magkababata kaming lahat eh.

Nang matapos ang misa ay dumiretso na kami sa bahay para mag celebrate. May kaunting handaan doon.

Nang matapos kaming kumain ay dumiretso kaming mga bata sa kwarto ko. Sila Mom ay nasa baba at nagkekwentuhan.

"Ang ganda talaga nang kwarto mo Lake. Very manly, parang ikaw" papuri nanaman ni Kaylee kaya pinitik siya sa noo ni Brennon.

"Lagi mong pinupuri si Lake. Lalaki ang tenga niyan" pang-aasar saakin ni Audrey

Tumawa nalang ako.

"Ilang taon na ang parents mo Lake?" maya-maya ay tanong ni Kaydin.

Ngumiti ako at kinuha ang photo album nang pamilya namin.

Naiinis naman na tiningnan nang iba si Kaydin dahil nagtanong pa ito eh paulit-ulit naman lang ang kwento ko at lagi lang naman pagyayabang sa pamilya ko.

"Sabi ni Mom, nang hindi pa sila kasal. Ayaw niya daw nang araw, buwan  o taon kasama si Dad. She wants lifetime." pagyayabang ko pa dito.

Para kasi saakin, The best ang pamilya ko. Lagi lang kasi kaming masaya, kung mag away man ay minsan lang at naaayos rin naman agad. Normal naman yun sa pamilya. Para saakin perpekto ang pamilya ko.

"Wala namang Forever Lake eh" sabat ni Savannah habang nagkekwento ako

"Meron Sav. Parents natin ang patunay non.. If you just believe in Forever then it will happen. Always remember that"

Selenophile (ON-GOING)Where stories live. Discover now