Chapter 3

56 32 2
                                    

Serenity's POV

"Seren! Eliana! Bakasyon tayo sa resort namin. Papakilala ko kayo sa mga pinsan ko"

Patuloy na pangungulit ni Rush. Hindi ko kasi makita ang sarili ko na pupunta bukas sa isang resort para mag bakasyon nang tatlong araw.

Tiningnan ko si Eliana para tanungin siya kung sasama ba siya.

Tiningnan niya naman ako at agad siyang tumango.

"Sasama ka Eliana?" tanong ko

"Oo. Sumama ka na rin kasi Seren. Enjoy yun. Makikilala pa natin ang mga pinsan ni Rush." paliwanag niya

"Oo nga Seren. Sumama ka na. Magbabakasyon na rin naman. Pag pasukan sa susunod na buwan ay madalang na lang tayong magkakasama kasi iba-iba nang strand ang kukunin natin" dagdag pa ni Rush.

Napaisip naman ako. Next week ay Completion Rights na namin. Siguro I should give myself a break.

Nalungkot ako sa katotohanan sa sinabi ni Rush. Tama siya, madalang na lang kaming magkakasama pag Senior High namin.

"Sige na nga. Sasama na ako bukas. Bonding na rin nating tatlo" nakangiti kong saad

Tumalon talon naman si Eliana. Si Rush naman ay agad akong niyakap.

"Yes! Kumpleto na tayo bukas. Akala ko di na talaga magbabago isip mo Seren eh. Last week pa kita kinukumbinsi." masayang sabi niya

Tumawa naman ako ata agad siyang itinulak.

"Ang dami mong sinasabi Rush. Baka magbago isip ni Seren" mapang-asar na sabi ni Eliana

"Hoy, may isang salita naman ako. HAHAHAHA pag sinabi kong oo, oo" paliwanag ko

Hinaplos naman ni Rush ang ulo ko.

"Kaya yan ang gusto ko sayo Seren eh. May isang salita ka" seryosong  saad ni Rush

Napatingin naman ako sakaniya

"Ikaw Rush ha? Nasasanay ka niyang pahaplos haplos sa ulo ko. Ang seryoso mo, hindi bagay sayo" sabi ko

"HAHAHAHA, loko loko ka kasi Rush. Hindi bagay sayo mag seryoso" pang aasar pa ni Eliana.

Nag kwentuhan lang kami buong araw.

Nang nagdilim na ay nagpaalam na rin ang dalawa. Mag aayos pa kasi sila nang gamit.

"Mom, Dad. Sasama po ako bukas sa Resort nina Rush." pagpalaalam ko sa mga magulang ko habang kumakain kami nang hapunan

Tiningnan naman agad ako ni Dad at nagsalita.

"Ilang araw ba yan?" tanong nito

Selenophile (ON-GOING)Where stories live. Discover now