Serenity's POV
"Scuba diving tayo Guys?" pag aaya ko sa mga kasamahan ko.
Pumayag naman sila agad kaya pumunta na si Rush sa empleyado nila na namamahala sa Scuba Diving.
Hinawakan ko ang kamay ni Lake kaya napatingin siya saakin. Ngumiti ako sakaniya at ngumiti rin siya saakin.
Nang ayos na ang lahat ay isinuot na namin ang kaniya-kaniya naming mga Scuba Diving Equipments.
Excited na ako. First time ko makakapunta sa ilalim nang dagat.
Dala ko na rin ang camera kong water proof.
Nag salita pa ang empleyado nang kung anu-ano. Itinuro niya saamin ang mga signs na ok at marami pang iba.
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko at nang tingnan ko si Lake nakangiti rin siya. Ang cute niya sa suot namin. Kinuhanan ko siya nang picture at nang mapansin niya yun ay nag peace sign siya pero sa dagat pa rin ang tingin. Nag selfie naman ako kasama siya pero hindi siya tumitingin kaya sinapok ko siya kaya tinawanan niya ako.
Nang ayos na ang lahat ay isa-isa na kaming tinulungan para makababa.
Namangha agad ako nang makita ko ang mga maliliit na isda na dumadaan saamin.
Lumapit ako sa isang coral at nag picture doon.
Nag swimming pa ako, tiningnan ko sina Rush, kasama niya si El. Nagkakamabutihan na rin ata. Kasama naman ni Kaylee si Kaydin, si Savannah, Brennon at si Audrey naman ang magkasama. Magpipinsan sila kaya walang issue yan. HAHAHAHAHA
Hahanapin ko pa lang si Lake nang biglang may humawak sa kamay ko.
Ngumiti siya saakin at nag senyas na lumapit kami sa mga isda.
Nag okay sign naman ako kaya magkahawak kamay kaming lumangoy papalapit doon.
Kinuhanan ko siya nang picture, ganon din ang ginawa niya saakin. Nag picture din kami together.
Hindi namin pinalampas bawat oras na di kami nakakapag picture. Gusto ko maraming memories. Gusto ko i capture lahat nang panahon na magkasama kami.
Nang mapagod kami ay nag aya na kaming umahon. Bago kami umahon ay hinawakan ni Lake ang kamay ko at pinaharap sakaniya.
Hinawakan niya ang mukha ko at inilapit ang mukha niya saakin.
Habang papalapit ang mukha niya ay nagsisimula nang kumabog ang dibdib ko.
Napapikit ako nang isang dipa na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.
Hinihintay kong dumampi ang labi niya sa labi ko pero hindi iyon nangyari.
Hinalikan niya ang noo ko saka ako hinila para umahon sa dagat.
Nang makaakyat kami sa barko ay nag bihis na kami.
Umaandar ang barko pabalik sa dalampasigan.
Tinarayan ko si Lake nang tumabi siya saakin.
Hindi naman sa gusto ko na halikan niya ako pero nakakahiya ang nangyari. Parang ako pa ang gusto magpahalik. My gahd!
Tumawa naman ito saakin at niyakap ako mula sa likod.
"Naiinis ka ba kasi hindi kita hinalikan sa labi?" tanong niya
Agad naman namula at hinampas ang braso niya.
"Hindi no." tanggi ko dito
Tumawa naman siya saka nag seryoso.
YOU ARE READING
Selenophile (ON-GOING)
Cerita PendekIt is about a girl who is Selenophile- means 'person who loves moon' . Let's see what love story can be made beacuse of moon.