”Bakit? Ano bang nangyari Lake? Sabihin mo saakin” nanghihina kong sigaw sakaniya pero tiningnan niya lang ako na para bang wala siyang interes sa mga sinasabi ko.
“May ginawa ba ako? Sabihin mo saakin please. Baka pwede ko pang ayusin. Dahil ba lagi kitang inaaway? Dahil ba lagi akong galit kay Gianna? Bakit mo siya hinahalikan? Huwag mo akong iiwan please” umiiyak nang sabi ko
“Serenity, hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Sawa na ako at ayoko na. Nakakapagod ka.”walang emosyon niyang sabi
Umiling ako nang umiling pero tulo rin nang tulo ang luha ko.
“Alam kong hindi yan totoo. Mahal mo ako at nangako kang hindi mo ako iiwan diba? Nangako ka Lake.” umiiyak pa ring sabi ko.
”Lahat na lang ba para sayo ay hindi totoo? Kailan ka maniniwala saakin ha? Alam mo ba yung kasabihan na Promises are meant to be broken?” tanong niya.
Tumango ako
“naniniwala ka ba doon?”tanong niya ulit.
Umiling ako nang umiling at mas lalong sumasakit ang dibdib ko dahil mukhang alam ko na ang patutunguhan nang sinasabi niya.
”Puwes ngayon, maniwala ka na dahil ang mga pangakong binitawan ko sayo ay hindi ko na gagawin.” seryosong sabi niya.
Napatigil ako sa sinabi niya at hindi nakapag salita.
Hinihintay kong sabihin niyang prank lang yun. Hinihintay kong tingnan niya ako sa mga mata tulad nang dati pero hindi niya ginawa. Ni tumingin sa mga mata ko ay parang hindi niya magawa.
Naupo ako at niyakap ang tuhod ko at doon umiyak nang umiyak.
Napatingala ako nang maramdamdamang may humahagod sa likod ko, umaasang si Lake iyon pero hindi.
Si Rush ang nakita ko at si Lake. Nakatayo lang siya sa harap ko at mas tumulo ang luha ko nang makitang parang wala lang ako sakaniya.
Napatingin ako kay Gianna. Agad siyang yumuko nang makita ang mga tingin ko.
“You said I’m your Moon right? What happened? Sinabi mong dadalhin mo ako sa Buwan, paano yun? Sabi mo hindi mo ako iiwan, bakit mo ginagawa to? Sabi mo mananatili ka sa tabi ko pero bakit aalis ka ngayon?” nanghihina kong sabi.
Hindi ko alam kung naintindihan niya ang sinabi ko dahil hindi na ito malinaw dahil sa mga hikbi ko pero sana oo. Sana naintindihan niya para manatili siya sa tabi ko dahil hindi ko kaya. Hindi ko kayang isipin na magiging alaala na lang siya.
”You’re still my moon but…."
napatigil sya sa sasabihin niya at napatingin sa Buwan.“But what?” kinakabahan kong tanong
“You’re still my Moon but not the special one anymore.” sabi niya na sa taas pa din ang tingin.
Tuluyan akong napa upo sa lupa dahil sa sinabi niya. Hindi ma proseso nang utak ko at hindi matnggap nang puso ko ang sinabi niya.
YOU ARE READING
Selenophile (ON-GOING)
Short StoryIt is about a girl who is Selenophile- means 'person who loves moon' . Let's see what love story can be made beacuse of moon.