**A Young John's POV**
Uy! Sali nyo ako sa laro nyo!
Kids: Ayaw nga namen! Mukha ka namang lalampa! Lampa!
Grabe naman kayo sakin! Ang sama ng ugali nyo! Hu Hu Mamaaaaa!
Random kid: Ako laro tayo
"Ayaw ko sayo pangit ka!"
**at tumakbo ang batang John pauwi sa kanila**
Mama: Oh anak, bakit ka umiiyak? May sugat ka ba? May masakit ba? Anong problema sabihin mo kay mama
"Ma kasi po ayaw makipag laro sakin nung mga bata sa labas"
Mama: Hayaan mo na sila anak, bakit di ka makipag laro dun sa anak ng kapitbahay natin si Andrew mukha namang mabait na bata yun
"Ayaw ko dun ma, mukha namang uhugin yun"
Mama: Ha Ha Ha natawa ako sa'yo anak pero di tama yung ganon ha, diba gusto mong makipaglaro sa mga bata sa labas? Pero tinutukso ka nila. Ngayon naman, inaasar mo si Andrew at ayaw mo makipaglaro sa kanya, anong pinagkaiba mo sa ibang bata nyan anak?
"Bad boy din po ba ako?" (humikbi na)
Mama: Halika nga (niyakap ang anak, hinaplos ito sa braso at tinitigan sa mata) John, minsan nagagawa natin sa ibang tao ang mga maling nagagawa nila satin, pero tandaan mo sa tuwing nay gumagawa sayo ng mali isipin mo yung susunod na tao, ilagay mo ang sarili mo sa kanya diba hindi maganda ang pakiramdam? Kaya sayo palang dapat maitama na ang maling gawain at huwag mo gagawin yun sa iba. Naiintindihan mo ba?
"Opo ma, salamat po I love you"
Mama: I love you din anak, oh tama na ang iyak, di ka na pogi nyan, labas ka na dun makipag laro ka na, puntahan mo si Andrew
**at lumabas na nga ang batang John para pumunta sa bahay ng batang Andrew**
"Tao po? Aling Tess? Andyan po ba si Andrew?"
Tess: Ay John! Iho, oo andito sya pasok ka puntahan mo sya dun sa kwarto
"Andrew? Andrew? Okay lang ba laro tayo?"
Andrew: Wow gusto mo na makipag laro saken?! Nice! Simula ngayon ikaw na best friend ko ha!
**at naglaro na nga ang dalawang bata, nagtawanan, nagkulitan, dyan nag umpisa ang pagkakaibigan nila, nataon ding magkaklase sila sa School kaya nagtabi sila, pati lunchbreak magkasama na ang dalawa, di mo mapag hihiwalay aakalain mong magkapatid ang dalawa**
*binatang John*
"Andrew! Anong problema? Parang di madrawing yung mukha mo ha?"
Andrew: Dyahe naman kasi, yung perang pang project ko inagaw nung bully sa campus, pano na ko nito
"sinong nang agaw ng pang project mo?!"
Andrew: si Billy! nakakabwisit nanlaban naman ako pero mas malaki sakin yun eh!
"ah ganon ha"
*kinabukasan*
"oh ito na, pang project mo"
Andrew: Uy! Salamat Pre ha! Pero pano mo nakuha to? Tsaka bakit may pasa ka? Huwag mo sabihing?
"Oo nakipag bardagulan ako dun kay Billy para sa pang project mo naawa ako sayo eh mukhang iiyak ka na Ha Ha Ha"
Andrew: sana sinabi mo para nasamahan kita! Masyado ka namang pabida eh! Mapapahamak ka niyan pag sinosolo mo yung gulo!
"Wow ha! You're welcome"
Andrew: Ha Ha Ha, nag aalala lang naman ako sayo, tara nga gamutin natin yang pasa at sugat mo
*sa bahay*
"Aray! Aray! Aray!"
Andrew: bibida bida ka kasi ayan, saglit lang may konti pa sa labi mo, mejo masakit to
"Kung di ako nakipag bunuan dun kay Billy, edi iiyak iyak ka ngayon sa project mo"
Andrew: Oo na salamat masyado ka naman, ikaw na hero of my life thank you for saving my day (sinabi nya ito in a mocking way)
"Alam mo kung naging babae ka lang liligawan na kita eh"
**nagkatitigan ang dalawa**
"ARRRAAYYY"
(diniin ni Andrew ang bulak sa labi ni John)Andrew: Oh gago, kung ano ano kasi pinagsasabi mo eh Ha Ha Ha Ha! Pero di nga seryoso, pag ako kinasal gusto ko ikaw ang best man ha!
"Ulul! Asa ka namang may papatol sayo, sa itsura mong yan Ha Ha Ha!"
Andrew: Ha Ha Ha Ha! Gago! Siya nga pala, anong balak mo after graduation san ka mag aapply?
"mag aarmy ako, maganda kasi ang benefits pag nanilbihan kasa Sanctum Vanguard"
Andrew: Diba delikado yun? Tsaka bali balita ko di na gumaganda ang relasyon ng Sanctum sa Cresentium
"Bahala na, minsan kailangan natin magsakripisyo para sa pamilya natin,matitiis ko ang hirap pero di ko matitiis na ang pamilya ko ang maghirap, ikaw ba anong gusto mo?"
Andrew: Hmmm wala naman sa totoo lang, hinahayaan ko lang ang tadhana ang magdikta saken ng mangyayare sa buhay ko, siguro Army na lang din para magkasama tayo
"Hmmm hinahayaan mo na kapalaran ang magdikta sayo ng kinabukasan mo? Diba may choice ka naman kung anong gusto mo maging?"
Andrew: Oo tama ka naman may choice tayo kung anong gusto natin maging, pero at the end of the day, minsan kahit anong effort natin kung hindi talaga yun yung para satin walang nangyayare kasi iba ang nakatadhana para satin
"Bakit nga ba kita kinaibigan Ha Ha Ha Ha!"
Andrew: Sus! Kunyare ka pa eh pupungas pungas ka ngang pumunta samen nuon gusto mo maglaro Ha Ha Ha Ha
"Tanga wala lang akong choice nuon Ha Ha Ha"
**at nag fist bump ang dalawa**
*End of Chapter 07
BINABASA MO ANG
IMPERIUM
General FictionAng kwentong ito ay tungkol sa hinaharap natin 100 taon ang lumipas kung saan ang mundo ay pinapatakbo na ng dalawang sekular na administrasyon. Ang mundo ay nahati na base sa paniniwala, tag gutom at pag hihirap ang namamayapag sa karamihang lugar...