To kill a Mockingbird

6 1 0
                                    

**mula sa palace hall makikita ang grandiosong disenyo ng Celestium Regime, nakakabit sa paligid ang iba't ibang larawan ng mga dating namuno sa Celestium, sa kisame naman ay nakakabit ang iba't ibang palamuti na sumisimbolo sa yaman ng Rehimeng ito. Sa gilid naman ay nagkukubli si John at dahan dahang pumasok sa isang pinto, meron itong mahabang corridor at saktong may palabas mula sa isa sa mga pinto, agad na nagtago si John, sa may likod ng isang estatwa, ng lumagpas ang naninilbihan ay agad niya itong hinablot at tinakpan ang bibig "shhhh tumahimik ka lang kung ayaw mong masaktan" di naman nanlaban ang naninilbihan na dalaga, ng hinarap niya ito sa kanya ay napansin niyang napaka amo ng mukha nito, napaka inosente, ngunit bago pa sya madistract ng tuluyan dito ay tinali na niya ito at binusalan "pasensya ka na, wala naman akong balak na saktan ka pero kailangan ko kasing gawin to para sa nakakarami" at hinubaran nya ang dilag ginamit niya ang damit nito upang magbalat kayo na servant sa palasyo, sakto namang may piging na inihahanda ang Altark dahil sa nalalapit na tagumpay ng Celestium laban sa Sanctum, magagamit na pagkakataon ito ni John para makalapit sa Altark, lumabas na siya sa silid kung san niya itinago ang dalaga at nakayukong naglakad sa pasilyo ng may tumawag sa likod nya "Hoy Veronica anong tinatanga tanga mo dyan?! Tumulong ka sa paglilinis ng kalat sa Dining Hall! Nakakahiya naman at namamasyal ka lang sa palasyo! Isa itong malaking celebration kaya dapat maging perpekto ang lahat para sa Altark!" O-opo sagot ni John na niliitan ang boses. Saka ito pumunit ng isang bahagi ng damit nya at itinakip sa mukha "oh ano yan?"  Ahh may ubo po kasi ako kaya tinakpan ko ang mukha ko nakakahiya naman pong humarap sa Altark na ganito ang situation ko sagot ng nagbabalat kayong John sa harap ng matandang babae, pakiramdam niya ito ay mayordoma ng palasyo. "oh sya sige eto yung mop at basahan, maglinis ka sa dining hall at may natapon daw na inumin ang isa sa mga ministro"
O-opo sagot ni John. At nagtungo na nga si John papunta sa Dining Hall, papasok na sana siya ng hinarang siya ng sundalo at sinabing "masyado ka namang tense Veronica, may problema ka ba parang kakaiba ang itsura mo ngayon" Wa-wala sagot ni John. "oh pumasok ka na duon at kailangan malinisan na yung natapon". Papasok na si John ng pinalo ng sundalo ang pwet nya dahilan para mainis sya dito, ngunit kailangan niyang tiisin ang inis kundi ay mabubuking sya. Pagpasok nya sa luob. Mula sa dulo ng mahabang hapag ay nanduon nakaupo ang taong nag umpisa ng lahat ng gulong ito, ang taong tinatawag nilang Altark, nakikipag tawanan, nakikipag iinom na para bang wala lang. Mas lalong nag iinit ang dugo ni John dahil mukhang wala lang sa lalaking ito ang maraming buhay na nawala, dahan dahan siyang lumapit papunta sa dulo ng hapag nanginginig sa galit habang bitbit ang pang linis nya. Malapit na sya sa kinauupuan nito ng matigil sya dahil nagsalita ito tungkol sa Sanctum**

Altark: Mga War ministers, nais ko kayong batiin in advance para sa matagumpay na pagsupil sa pwersa ng mga taga Sanctum! (nagsigawan sa saya ang mga ministro)  sasalubungin na natin ang araw bukas ng may nagkakaisang mundo! Sa totoo lang ay nais kong hindi na sana tayo umabot pa sa madaming buhay na nawala dahil lahat ng buhay ay importante. Ngunit, dahil nagmamatigas ang Sanctum na tanggapin ang proposal natin kaya tayo nauwi sa ganito. Napaka hirap pag isahin ng mundo lalo na at magkakaiba ang kultura natin, ngunit kung tayo ay mapapag isa naniniwala akong lahat ng pagkakaiba natin ay mawawala na at matatapos na ang gulo na dala ng pagkaka iba iba! Tonight we celebrate the Victory of Celestium! Also my dear ministers, I am very honored to have a guest! (sabay tingin kay John at pinindot ang isang switch sa gilid ng upuan nya)

**bumagsak ang isang glass cage kay John at naglabas ng Sleeping Gas ang tube sa may itaas nito, nanlambot si John at dahan dahang napaluhod napatingin sya sa nakatayo na ngayong Altark**

Altark: Don't you think I was not prepared for you? I've been watching you the very moment you step foot on my palace. Guards, dalhin na to sa torture chamber.

**nagising si John ng buhusan sya ng tubig, nakagapos na ang kamay niya ngayon at nakatayo sa harap niya ang Altark ng Celestium**

Altark: Wakey wakey! Bilib din ako sa tapang mo at napapayag ka nilang ipadala dito, tell me what is the reason you are here? Is it to kill me? To discuss the matter of your State's surrender? what? Tell me!

John: Ikaw ang dahilan kung bakit nagkakagulo sa mundo. Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang best friend ko!

Altark: I'm sorry for your friend. I take full responsibility, however I beg to disagree on some things you just mentioned. Kami ang nag uumpisa ng gulo? Guess what? We are not! Your Fascist State is no different than us. We just wanted to unite the world in one single banner, our administration!

John: You are never tolerant of other's difference! You have no respect for diversity!

Altark: Bago mo kami paratangan niyan, tanungin mo muna ang Holiest mo kung siya ba mismo ay may respeto sa pagkakaiba iba ng tao!!!! Ay oo nga pala, ofcourse your people never considered it as a sin regardless of how inhumane you treat someone because you are just following your ancient teachings! Anyway time to end this now, I want to prepare for the dawn of a new age. An age of celestium reign!!!!

John: Haha! You think I am not expecting this aswell???
Walang Celestium reign na magaganap!!!!

**biglang nakawala si John dahil sa superhuman strenght niya kasabay nito ay dinambahan nya ang Altark, dinukot niya ang mga mata nito sa galit saka nya binalian ng leeg, saktong bumukas ang pinto at pinagbabaril sya ng mga sundalo ngunit pinangharang niya ang katawan ng Altark, sinugod niya ang mga ito at nakapang agaw siya ng baril**

*End of Chapter 12*

IMPERIUMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon