The Forsaken Child

4 0 0
                                    

** patuloy na umaatras ang pwersa ng Cresentium mula sa dating pader, nagkakagulo na ang hanay nila dahil kabilaan ang pagputok at pag papasabog na galing sa Empirial Forces, nahihirapan naman sila sa close combat dahil may dalang laser sword ang mga Empirial Soldiers at walang binatbat ang mga patalim na bitbit nila kumpara dito. Marami na ang nawawala sa Cresentium Army, gayon pa man ay lamang parin sila sa bilang kumpara sa Empirial Forces na limitado lamang. Dumating naman ang Arkship "Solace of the Hated" ng Imperyo at bumukas ang unahan nito, mula duon ay may nabubuong liwanag na para bang nagchacharge ito ng main weapon, isa pala itong laser Cannon at ng marealize nila Lancolm ito agad niyang inorder na umiwas sa dadaanan ng laser ang mga tao nya. Biglang nag fire na ang laser at isang malaking guhit ang ginawa nito sa battlefield, biglang nasunog ang lahat ng nasa daanan nito, unfortunately di naka ilag ang ilang mga sundalo. Nagpatuloy ang labanan sa pagitan ng dalawang pwersa. Si John naman ay sumali nadin sa bakbakan matapos mahimasmasan, kung ang mga kasama nya ay paatras sya naman ay pasugod sa labanan, tinalunan nya ang isa sa mga Empirial Soldier at inagaw ang baril nito saka sya nakipag barilan. Samantala, si Lancolm naman ay pinatawag na ang replacement ng lahat ng mga armamento nila into standard type ng weaponry para makalaban na sila ng tapatan. Umabot na ng isang araw ang labanan ngunit wala pading sumusuko. Sobrang pagod na si John at sobra nadin ang natatanggap niyang bala mula sa kalaban. Beyond na sa Quick healing abilities niya, sa sobrang pagod niya napa luhod na sya, pakiramdam nya wala ng katapusan ang digmaang ito. "Kelan ba matututo ang tao na sa gyera walang panalo". Muntik na syang matamaan ng laser sword ng kalaban ng biglang may bumaril dito, si Lancolm. "oh anong niluluhod luhod mo dyan, mukhang pagod kana, hayaan mo na ang tropa ko na ang bahala dito" ani niya. "Dumating na ang replacement weapons natin and for safekeeping we did not dispose the EMPs. Sinakay na si John sa stretcher at itinakbo sa medical area. Samantala pasugod naman ang pwersang Cresentium at dahil mas madami sila at well armed na, they gained the upper hand. For the first time since sumiklab ang labanan umatras ang Empirial Forces, mukhang may pag asa silang matalo ang Imperyo unti unti ng nauubos ang bilang ng Empirial forces dahil limitado lamang sila at dahil sa banta ng EMP ay hindi din makapasok ang Advance weaponry nila. Tanaw na ang araw na sumisikat at ganon na din ang pag asa para sa Cresentium ngunit kasabay nito ay may gumuhit mula sa langit, may bumabagsak at habang papalapit ito sa lupa ay mas lumilinaw ang itsura nito, isa itong sleeping pod. Dumagundong ang lupa ng bumagsak ang pod, napalibutan ito ng usok. Unti unting bumukas ang glass cover nito, sabay sabay namang lumuhod ang mga Empirial soldiers at humalik sa lupa bilang respeto dahil ang pod na ito ay may simbolo ng pinakamataas na coat of arms sa Empire of the Iron Butterfly. Isa itong commando class tier. Dahan dahan lumabas mula dito ang isang lalaki, may sumbrero na mataas na may gintong paro paro na disenyo sa gitna. Puti ang buhok niya, naka maskara na itim na parang masquerade, naka dark blue na winter coat, may vest na black sa luob, may sash na puti, may gintong medalya sa dibdib. Naka shorts na itim at sobrang ikli at naka boots. Kitang kita ang napakagandang kutis niya mula sa binti. Sabay sabay sumambit ang mga Empirial Warrior ng "Oh Psion, ipagtanggol mo kaming mga naaapi mula sa mga taong mapanghusga". Kasabay nito ay sumugod na ang Cresentium Forces ngunit di gumalaw ang mga Empirial Warriors, nabalot ng usok ang lugar at ang sumunod na nangyari ay nakapangingilabot. Tanging sigaw ng pagmakaka awa, takot, sakit, bakal na nababali, eroplanong bumabagsak,pagsabog at pagkamatay ang maririnig mula sa makapal na usok na bumalot. Nang humupa ang usok, ga-bundok ng mga katawan ang tumambad sa kanila. Maging si Lancolm ay napatakip ng bibig sa horror na nasaksihan, mga katawang nagkalasug lasog ang makikita, mga tangke na nayupi, mga eroplanong nawalan ng pakpak. Naka nuluhod padin ang mga Empirial soldiers at nakahalik sa lupa, maging sila ay nanginginig sa takot. Nakatalikod na si Psion at nakatingin sa papasikat na araw, iniihip ng hangin ang damit niya. Nahulog sa kinauupuan nya si Lancolm sa sobrang takot, papaanong ang isang tao na gaya nito ay nabubuhay. Sobrang galit naman ang naramdaman ni John kaya kumawala sya sa pagkakahiga sa stretcher at lumusob papunta kay Psion tumalon sya ng napakalakas at handang ibato ang isang napakalakas na suntok pero ng malapit na sya biglang lumingon si Psion sa kanya. Napahinto ang suntok niya saktong malapit lang sa mukha ni Psion,umihip ang malakas na hangin tanda ng tindi ng bwelo ng suntok sana ni John. Nakatingin lang si Psion sa kanya at nanigas ang katawan ni John sa Ere, di sya makakilos, nakalutang lang sya na parang manikang kinokontrol ni Psion. Humawak si Psion sa gilid ng ulo niya at sinabing**

Psion: gustong iparating ni Eva na sinadya niyang ang maging improvement mo sa katawan ay purong physical lang dahil alam niyang isang araw magtutuos tayo. (binitawan na ni Psion ang paghawak sa gilid ng ulo nya at hinaplos sa pisngi si John) Tell me, isa ka din ba sa gustong manakit sakin?

*End of Chapter 21*

IMPERIUMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon