Memories of the past

22 1 0
                                    

ALRIGHT BOYS! TIME TO GET OUT OF BED AND BE A RESPONSIBLE CITIZEN OF THE STATE!

"Arrgh! ang aga aga! ito na naman si Platoon Leader Mallari, wala pa ngang araw nanggugulat na para manggising, ang sarap sarap ng tulog ko eh nananaginip pako ng mga chiks tapos nung saktong makakausap ko na yung magandang babae sa panaginip ko tsaka naman mang iistorbo itong si Mallari"

CADETTE JOHN ESPINOSA! ANO PANG TINATANGA TANGA MO DYAN BAKIT DI KA PA GUMAGALAW! GIVE ME 100 PUSH UPS NOW!

"Sir yes sir!"
at nag umpisa nako mag push up (-_-)
Ako nga pala si John Espinosa 23 years old, cadette soldier para sa Vanguard Division ng armed forces ng Sanctum, bakit nga ba ako napunta dito? Haaay! Kung mas malaki kasi ang ambag mo sa estado mas magiging magaan ang buhay mo at ng pamilya nyo, di ko tuloy mapigilan maisip yung mga kwento nila papa saken nuong bata pa ako. Sabi nila, madami pa raw bansa nuon, iba iba pa ang mga gobyerno, malaya pa ang mga tao, maganda ang kapaligiran, sabi ni papa nung bata pa sila Pilipinas daw ang tawag dito sa bansang ito, napakaganda daw ng mga tanawin! Kaya lang lahat ng yun nagbago, nagkaruon ng epidemya marami ang nagkasakit at namatay, nagpaunahan ang mga bansa na makadiskubre ng gamot at ng may naka hanap na ng solusyon pinagdamot nila ito sa ibang bansa, kaya ayun nagkainitan sila na nahantong din sa digmaan, nagkampihan ang mga bansa at madaming buhay ang nawala. Swerte nila mama at papa nakaligtas sila nuon mula sa kaliwa't kanang  bombahan, gumamit ng pwersang nuclear ang mga mayamang bansa at ang kinahantungan ayan nasira ang mundo. Tanging mga religious institution lang ang natira at dahil dyan sila na ang nangasiwa sa pagpapatakbo ng sibilisasyon at muling pagbangon ng sangkatauhan. Nahati ang mundo sa dalawang administrasyon o gobyerno, ang Sanctum kung saan ako ay isang citizen ngayon at ang Cresentium sa kabilang panig ng daigdig. Nahahati na ang mundo ng isang malaking pader sa pagitan ng eastern at western hemisphere, sa Sanctum ang eastern at sa Cresentium ang western. Ngayon, nagkakainitan ang dalawang administrasyon dahil nais na nilang pag isahin ang dalawang gobyerno ngunit di sila magkasundo kung aling paniniwala ang syang mamamalakad kaya bilang paghahanda ay mas pina igting ang recruitment ng mga sundalo para sa Sanctum, haay di na ba matatapos ang gulo ng mga tao? kelan ba nila marerealize na kakabit ng kapangyarihan ang inggit at puot?

98,99,100! Alright Espinosa! Get up on your feet and head to the Staging area for your morning drills!

"Sir yes sir!"
(after a few rounds of drills and practice)

Alright Boys! The state secretary will be addressing us in behalf of his Holiest! I want you all to head at the auditorium before dining at the mess hall is that understood?

"Sir! Yes! Sir!

**at nagtungo ang mga sundalo sa auditorium**

"John! Espren! napag initan ka na naman ni Mallari! Ha Ha Ha! ano ba kasing pumasok sa isip mo at tutunga tunganga ka pa kanina?"

JOHN: Wala yun Andrew! naalimpungatan lang talaga ako kaya ako natulala Haha! Ito naman! oh di ka ba naeexcite at makikita mo sa big screen si State Secretary Eva? aba eh napakaganda at sexy nung chika babe na yun!

ANDREW: oo naman! sino bang di magagandahan dun sa babaeng yun? maiksi ang buhok maputi matangos ang ilong, manipis ang labi,makinis, balingkinitan at higit sa lahat malaki ang hinaharap Ha Ha Ha! (nabatukan) ARAY!

JOHN: oh umiral na naman ang kamanyakan mo! kaya di ka nagkaka girlfriend dahil ang tingin nila sayo puro kabastusan lang alam mo eh ha ha ha!

ANDREW: Sobra ka naman! di lang nila kaya tapatan ang kagwapuhan ko kaya nahihiya sila hahahah oh sya upo tayo dun! Para malapit sa BIG screen hahahaha

JOHN: luko luko ka talaga hahaha

STATE SECRATRY EVA: Greetings! Brave soldiers of our forefront! I am Eva Conway, your state secretary. In behalf of His Holiest! He wishes to thank all of you for your valiant act in volunteering to protect our state, our religion and the people. We can never thank you enough for your unfading courage to be the vanguard of our faith and belief, because of this, he would like to give you a gift of appreciation. As an act of grace, His Holiest has decided to increase the rations distributed to you and your families, he knows that this is not enough but he hopes that in this simple act of recognition may he be able to keep the fire of faith and belief in our state burning within you.
For the State, the faith and the belief! Sanctum will reign forever!

ALL SOLDIERS: Sanctum! Sanctum! Sanctum!

ANDREW: ang saya! madadagdagan ang rasyon ng mga pamilya natin! oh bakit parang di madrawing ang mukha mo?

JOHN: Naisip ko lang kasi, san kaya manggagaling ang mga idadagdag na rasyon satin? Tsaka madami din ang naghihirap sa panahong to, hindi ba mas maganda kung lahat tayo magbebenefit? Lahat naman tayo citizen of the state, bakit pili lang tayong magbebenefit sa, mga ganitong bagay?

ANDREW: ano ka ba? nagrereklamo ka pa, pasalamat nga tayo oh binigyan tayo ng Holiest ng dagdag na benepisyo. Tsaka isipin mo mas malaki ang ambag natin sa lipunan lalo na sa panahong to, kaya dapat lang na mas madami tayong mga benefits. Isa pa kung lahat tayo mabibigyan ng mga pantay na rasyon edi hindi na ako magvovolunteer dito, aba pareha lang naman pala ang makukuha ko sa ordinaryong citizen eh, tsaka limitado lang ang supply kaya di rin tayo lahat mabibigyan ng mga ganitong bagay. Haay! kung ano anong iniisip mong bagay Espren! Tara na nga sa mess hall baka maubusan pa tayo ng oras mag agahan!

*End of Chapter 01*

IMPERIUMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon