The Final Theatre Act

4 0 0
                                    

**nagulat sya sa dinatnan, patay na ang Empress, marahil ay nagpakamatay ito dahil nakahawak pa sa kutsilyo sa dibdib, sira sira na ang paligid ng maganda sanang silid, sa may kanang bahagi naman nung trono ay nakita nya ang sleeping pod mahimbing na nakahiga duon si Psion, naka sedate. Binalikan ni John ang katawan ng Empress, (naghihingalo) "Hi... hiii.. hiinnn...ddii nnnnyyooo" at tuluyan ng nawalan ng buhay ang Empress ng Imperyo. Sakto namang nag radio sa tenga ni John si Lancolm. "John! John! pa board na kami sa Spaceship hintayin mo kami!". At may sumabog na malakas, nanghina na si John dala ng sobrang pagod napaupo na lamang sya, bumukas na ang pinto at maya maya pa ay nagsipasok na ang pwersa ng Cresentium, dumating si Lancolm at niyakap si John. "Ayos ka lang ba?! Wag ka mag alala, nandito na kami, napwersa na naming pasukin itong spaceship ng Imperyo dahil sa mga EMP" sambit ni Lancolm habang dahan dahan nagdilim ang paningin  ni John.
Sumunod na pagdilat niya ay nasa hospital bed na sya, nakatayo sa gilid si Lancolm.**

Lancolm: Oh gising ka na pala! Dinalhan kita ng mga prutas, grabe alam mo bang isang buwan kang tulog!

John: haa?! eeh anong nangyari, ughhh!  napakasakit ng ulo ko!

Lancolm: Oh relax ka lang masyado mo namang iniistress ang sarili mo. Wala na ayos na. Tapos na ang gyera.

John: Haaa!!?? Paanong natapos anong nangyare?!

Lancolm: After ka namin i-rescue, naoverwhelm na ng pwersa natin ang mga Imperial forces, tuluyan na nilang di nagamit ang mga technological advancements nila at dahil na din sa limited numbers nila, napilitan na silang tanggapin ang terms of surrender na inalok natin sa kanila.

John: ahhh ganon ba...

Lancolm: Huwag kang mag alala, sinisiguro naman naming this time wala ng maapi matatanggap na natin sila sa lipunan, wala ng discrimination and all. Si Eva nga pala, ang totoong pangalan niya ay Ivan Johanson, nakita sya ng pwersa nating nagtatago sa isa sa mga kwarto dun sa Arkship, hinuli na sya and she was charged for war crimes sa ngayon nakakulong na sya sa Capital Jail. Ang Holiest nyo naman pumanaw na dahil na din sa edad.

John: Nakakalungkot naman, Kamusta nga pala ang Sanctum??? Ang Cresentium???

Lancolm: Unfortunately wala ng Sanctum...

John: tuluyan na bang nabura sa mapa ang Sanctum? (tanong nya na may halong lungkot sa boses)

Lancolm: Well... di pa ako tapos... wala nading Cresentium at wala na ding Imperyo.

John: What do you mean?

Lancolm: All 3 are finally reunited! We are now under one leadership. Oh wag mo isiping kami ang namuno ha! Well Mr. Espinosa, all the citizens of the world were allowed to vote! For the first time in a century the people were allowed to select their leader! We are now a democracy!

John: and don't tell me the new world leader is...

Lancolm: Hold your horses! Mali ka ng iniisip, hindi ako Ha Ha Ha!

John: but why? and who was elected then?

Lancolm: Let's just say that I am more of a frontline type of guy and our new world leader is none other than the War Planner himself! I think its good kasi he is a great tactician, someone we definitely need in order to rebuild our world. Alam mo ba, he just recently separated religion and state giving people more freedom in terms of living and loving.

John: What do you mean???

Lancolm: He gave people the freedom to practice whatever they want as long as its not harmful for the others, also this meant that the government can pass new laws that are flexible to the needs of the citizens.

John: Paano naman si Psion?

Lancolm: Well about him, given his telekenetic or psionic abilities to move objects and people with his mind, they continued to freeze him and created a special prison in an isolated island just for him. By the way I forgot to mention, your friend Mallari? He is the head of the Armed forces now.

John: Talaga?! Masaya akong malaman na buhay pa yung kumag na yun! Tsaka wow big time na sya ha.

Lancolm:  Ha Ha! Yeah well you still have a lot of catching up because I can assure you there are so many changes taking place these days. Have a rest.

**Lumipas ang 06 na buwan**

Lancolm: Oh, bihis na bihis ka ah!

John: Invited kasi tayo sa kasalang bayan ng mga kaibigan nating sundalo, syempre dapat pogi ako

Lancolm: Lagi ka namang pogi para sakin eh...

John: (ngumite) halika na nga ha ha ha

**nagpunta ang dalawa sa kasalang bayan at nakisaya para sa mga bagong ikinasal, samantala may lumapit naman kay Lancolm at iniabot ang isang USB sa kanya, "Sir ito na po yung result nung forensic analysis dun sa pagkamatay ng Empress" sabi ng lalaki. "Okay thank you". After ng kasal hinatid na ni Lancolm si John sa bahay nila. Pagkaalis ni Lancolm sinaksak na nya ang USB at plinay ang video file sa monitor ng dashboard nya. Makikitang nag uusap ang Empress at si Psion, mukhang di maganda ang pag uusap nila, maya maya pa ay may kutsilyong napunta sa kamay ng Empress, at dahan dahang umaangat ang kamay nya papunta sa dibdib. Halatang pinipigilan ng Empress na saksakin ang sarili, ngunit bakit ginagawa ito ni Psion, pagkatapos masaksak ng Empress ang sarili bumalik si Psion sa pod at sya mismo ang nagsara ng pod nya. "Ibig sabihin sinadya nya lahat ng ito? Pero bakit? Pinalabas nya lang ang lahat ng ito??!!" nagtatakang tanong sa sarili ni Lancolm. Samantala katatapos lang maligo muli ni John ng buksan niya ang TV para sa paboritong palabas ngunit nainterrupt ito ng balita. "Pansamantala po naming inaantala ang inyong palabas, kapapasok lamang po ng balita, ang Commando ng dating Empire of the Iron Butterfly na si Psion ay nakatakas mula sa secret island facility, kinukumpirma pa ng aming team sa military kung ilan ba ang nasawi, lumalabas sa paunang imbestigasyon na wala syang katulong sa pag takas mula sa nasabing facility...". Nagulat si John sa narinig, ano kaya ang susunod na mangyayari? Isa na naman ba itong gulo na yayanig sa mundo?

*End of Season 01*





IMPERIUMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon