Divided we fall

7 1 0
                                    

**at nagumpisa na ngang sumugod ang mga Jet fighter ng Imperyo, nakahanda naman ang pwersa ng Sanctum mula sa mga air assault dahil nadin sa banta ng air forces ng Celestium kaya agad na dinerektahan ni Ironclad ang lahat ng  Anti Air Turret na i gun-down ang mga Jet fighter ngunit nabigla sila ng tumupi ang ilan sa mga ito at bumagsak sa lupa bilang mechanized light armor tank tsaka isa isang pinasabog ang mga air defenses nila, nanlumo si Ironclad dahil ang matagal niyang iningatan na air defenses ng Sanctum ay pinasabog lang sa isang iglap ng isang bagong kalaban. Sa Maginot mountain side naman ay nagbagsakan ang mga drop pods mula sa spaceship, naka alerto ang mga pwersa ng Celestium, ng bumukas ang mga ito ay naglabasan ang mga robot na mukhang aso at isa isang dinambahan ang mga sundalo, saka sila binugahan ng apoy sa mukha na mula sa tube na parang dila sa bibig nito, yung iba namang mukhang robot na aso ay nakatalon sa mga tangke ng Celestium at kung inaakala ng mga sundalo sa luob nito na safe sila ay nagkakamali sila. Mula sa likod ng robot na aso naglabas ito ng mini gun na kayang bumuga ng laser para tunawin ang cover sa itaas ng tangke at ng matunaw ito saka naman pumasok ang mga robot na aso sa luob. Pumasok naman sa eksena ang mga Jet fighter ng Celestium pati attack helicopters nila pero maging ang mga ito ay walang binatbat sa Air Superiority ng Imperyo, parang ordinaryong ibon na nakikipag laban sa agila ang eksena sa himpapawid. Merong dalawang jet fighter ng Celestium na humahabol sa 01 mecha Jet ng Imperyo, sinusubukan nila itong barilin at pabagsakin ngunit sadyang napaka bilis ng mecha jet ng Imperyo kaya di nila ito matamaan nagulat sila ng nawala ang apoy sa propulsion nito sa likod at biglang nalipat sa exhaust sa harap, kaya nilang mag reverse jet engine habang lumilipad at dahil mabilis din ang lipad ng  02 Celestium Jet fighter ay di na nila maiwasan to, saktong naglabas ng dalawang malaking blade mula sa gilid ng pakpak ang Mecha jet at dahil dyan nahati ang dalawang Jet fighter ng Celestium. Napanganga si Viceroy Lancolm sa nasaksihan, nanlumo sya at nanlambot tila ba batang nawalan ng pag asa sa buhay. "Di ko akalaing ang mga taong dati nating itinutulak at itinataboy ay siya na ngayong magpapatakbo sa mundo, kailangan ko ng matawagan ang palasyo, kailangan ko ng masabihan ang Altark!" Binuksan na nya ang monitor sa communications room gamit ang manual override ngunit nabigla sya ng di pamilyar na mukha ang sumalubong sa kanya sa monitor.

Lancolm: Sino ka?!

John:  Ako si John, ipinadala ako dito para burahin sa mundo ang Altark ninyo.

Lancolm: Di ako naniniwala sayo, isa ka lang baliw! Nasaan ang security?!

John: Kung ayaw mong maniwala saken pwes tignan mo to

**at dinivert ni John ang Visuals ng monitor mula sa kanya patungo sa Torture Chamber kung saan niya pinaslang ang Altark, nilapit niya pa ang camera visuals para makita ng Viceroy ang karumal dumal na sinapit ng Altark ng Celestium, napaiyak si Lancolm sa nakita at napaluhod at sumigaw ng HINDEEEEEE!"

Lancolm: (humihikbi) Paano na ang Celestium nito?

Soldier: Viceroy! kailangan na natin mag retreat malapit na dito ang pwersa ng Imperyo! Viceroy? Viceroy?!

**nakatulala lang ang Viceroy ng Celestium, hinatak na sya ng mga sundalo niya at isinakay sa isang truck, given na mas delikado mag by air dahil sa banta ng mecha jets, mas pinili na lang nila na mag by land retreat**

*Sanctum Capital Building*
**bumukas ng malakas ang pinto sa main hall ng Capitolyo, nagmarcha na sa luob ang mga sundalo ng Imperyo hinahanap ang Holiest ng Sanctum. Upon sighting him they quickly subdued the old man and made him face the monitor and from their the Empress showed herself once again**

Empress Shaun: Ahhhh! Greetings my holiest, hindi ko akalaing magkikita tayo muli at ganito pa ang kalagayan mo. Tandang tanda ko pa ang itsura mo, ang mga tingin sa mata mo kung paano mo kami pandirihan nung ipinatapon mo kami sa kawalan! Alam mo di naman na natin kailangan pang pahirapin ito eh, all you have to do is abdicate the throne and handover to me complete authority over Sanctum! I promise! We will not harm any citizen of the state! Isipin mo napaka galante pa namin, despite all the pain you inflicted on my people we only wish to annex your kingdom and make your State prosper!

Holiest: and what? contaminate the minds of my people with your evildoings?! Never! I will not allow such blasphemous people like you to rule over our blessed land! Dapat pala sa inyo ay sinunog na nuon pa! I will keep the Ancient Teachings with me even until my death!

Empress: Shhhh Don't wish for your death yet my dear.(lumapit sa monitor at bumulong) I will not kill you, I still respect the elderly even if you fail to respect us. Bakit nga ba kita tinatanong pa eh in the first place you have no more choice.

**at mula sa labas ng Capital building ng Sanctum, ay itinapon na ang punit punit na bandila nito. Saka itinaas ang bandilang itim na may bakal na paro-paro sa gitna ang sagisag ng Empire of the Iron Butterfly**

*End of Chapter 14*

IMPERIUMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon