*Southern Wall Command*
Mallari: Gentlemen! Attention! Today is the day we will cross the wall, it is time we bring the battle to our neighbor's backyard, we are honored to have State Secretary Eva in the frontlines with us to personally brief the sequence of the assault, all hands salute!Soldiers: Sir! Yes! Sir!
Eva: greetings gentlemen, today we will bring the punishment of God to the Assailants, we will crush them and ensure total victory, this will be our Divine plan. The Air forces will clear a path to the wall, upon eliminating the enemy forces, light armored vehicles will rush in to the other side and face the brunt of their resitance, I need the Vanguard to secure the entrance of the wall for the Heavy Armor division to come in and also eliminate anti tank infantries, your next briefing will follow after.
Mallari: You heard the plan! Any questions?!
Soldiers: Sir! None! Sir!
Andrew: This is it!
*at nagumpisa na ang counter offensive ng Sanctum, lumipad na ang mga jet fighter ng Sanctum at pinaulanan ng missiles ang mga taga Cresentium na malapit sa pader, saka pumasok ang mga Helicopter para i-clear ang lugar ng mga kalaban, pagkatapos nito ng maverify na malinis na ang lugar, naghanda na ang light armored vehicles para sa rush insertion sa butas ng pader"
Mallari: Light Armored Vehicles, Rush the enemies inside!
**at napuno ng usok ang lugar, at ingay ng mga truck ang namayagpag papasok sa Pader, sinundan ito ng mga troop carrier sakay na dito sina Andrew at John, ang pader ay nakapalibot sa mundo at may kapal ito na 2 kilometro, maya maya pa ay natatanaw na nila ang kabilang dulo ng pader paglabas nila dito ay sinalubong sila ng bakbakan, kabilaang putok ng baril, mga pagsabog, ngunit mabilis namang nakailag ang sinasakyan nilang troop carrier mula sa mga bombang inihahagis ng mga Kalaban at ng bombang pinapaulan ng Cresentium Air Force, marami mang nawala sa mga light armor vehicles ng Sanctum ay tagumpay namang nilang na secure ang mga keypoints sa lugar para makapag troop landing, lumabas nadin sina John at Andrew upang i secure ang lugar mula sa resistance ng Cresentium, lumipas ang ilang oras ay nakatawid na din ang Heavy Armor Division ng Sanctum at nag eestablish na sila ng base of operations sa Cresentium side ng pader, umaatras na ang pwersa ng mga Cresentium at patuloy ang pag usad ng Sanctum Armed Forces, ilang syudad na din ang naneutralize nila at saktong tumawid na ang air forces ng Sanctum mula sa pader ngunit ang pag usad nila ay natigil ng sumabog ang mga ito, nagtaka ang Sanctum High Command kung anong nangyayare**
*Cresentium War Council*
Altark: I like the Idea of our War planners although sinakripisyo natin ang ilang siyudad but it will be worth it.Lancolm: Ofcourse Altark, although I was never expecting Sanctum will make it easy for us this time, they must have been thinking madali lang tayo matalo
*Southern wall Sanctum Side*
Eva: General its a trap! All of these is a decoy, they've been plotting for us to insert most of our ground units deep in their land and plan to encircle us once we are in!Ironclad: Call in a full retreat! Sacrifice the Armor division, make them provide cover for our retreating troops!
*upon receiving new objectives from high command thru radio*
Mallari: troops we need a full retreat! All of you retreat!
Andrew: Full retreat daw John halika na! Maooverwhelm tayo ng kalaban dito!
John: Tara! Boys! Retreat na!
**at umatras na nga ang pwersang militar ng Sanctum, palabas na mula sa gusali sina John at Andrew, habang nakikipag barilan sa mga kalaban, makakalabas na sana sila ng makita ni Andrew ang isang kalabang sundalo na buhay pa at akmang babarilin si John, sumigaw sya ng "JOHN!" at iniharang ang sarili niya dito, saka pumutok ang baril. Sa gulat ni John ay napadapa sya, kinuha ang baril at saka pinaputukan ang kalaban na parang wala ng bukas, sumisigaw at binalikan ang kaibigan nya, tinamaan sa gilid si Andrew at di nasalag ang bala ng Vest nila. Akmang bubuhatin nya ito pero pinigilan sya ni Andrew, ngumiti ito si Andrew kay John umuubo na ng dugo, hinawakan ang pisngi ni John at sinabing**
Andrew: Oh pano ba yan bawi nako sayo John (habang nakangiti)
John: (humihikbi) Ano ka ba! Kung ano ano ang pinagsasabi mo! Dadalhin na kita sa Medic!
Andrew: (Naghihingalo) Huwag na...Pakiramdam ko hindi na ako aabot, tsaka magiging pabigat lang ako sayo, tanda mo ba yung sinabi ni Mallari once your ally is as good as dead don't be a casualty yourself. Tsaka alam mo nung panahong pumunta ka samen para ayain ako maglaro sobrang saya ko nun kasi gustong gusto kita maging kaibigan...
John: Oo! Pero iba naman kasi yun! Huwag mo kong iwan Andrew! Diba sabi mo mag best man pa ako sa kasal mo?! Andrew?! Andrew?! Aaannnnndrewwww!!!!
**at ngumiti lang si Andrew habang dahan dahang bumibitaw ang hawak sa pisngi ni John, umiiyak si John na inilapag si Andrew sa sahig. Saglit nyang ipinikit ang mata at hinawakan si Andrew sa dibidib kinuha ang dog tag nito, dinampot ang baril nya at saka umalis, tumatakbo palabas si John na umiiyak, tila ba namanhid sya sa panganib na dulot ng paligid, binabaril ng walang atubili lahat ng makasalubong na kalaban, may poot at galit sa bawat kalabit ng baril, kasabay nito ay ang pag agos ng kanyang ala ala nung mga panahong bata pa sila ni Andrew, yung unang paglalaro nila sa bahay nila,nung kumakaen sila pag lunch break, yung panahon na nangangarap pa sila after graduation lahat yun naalala nya habang tumatakbo sa labas sa gitna ng bakbakan, nang biglang may sumabog. Tumalsik at parang nabingi si John, dala ng pagkahilo ay unti unting nagdilim ang paningin nya at natumba, ang sumunod na nakita nya ng saglit na mabuksan ang mata ay mga sundalo ng Sanctum na dinadampot na sya pagkatapos ay tuluyang nagdilim ang paningin nya.
-End of Chapter 08-
BINABASA MO ANG
IMPERIUM
General FictionAng kwentong ito ay tungkol sa hinaharap natin 100 taon ang lumipas kung saan ang mundo ay pinapatakbo na ng dalawang sekular na administrasyon. Ang mundo ay nahati na base sa paniniwala, tag gutom at pag hihirap ang namamayapag sa karamihang lugar...