Operation Palm Sunday

8 1 0
                                    

*2129Z Time*
Mallari: Alright Men! Set your watches, we will execute operation Palm Sunday, remember your objective. Plano nilang sakupin tayo at dalhin ang relihiyon at administrasyon nila pwes sasalubungin natin sila ng pasabog. Gentlemen take your positions!

Soldiers: Sir! Yes! Sir!

John: Mahaba habang gabi to pre

Andrew: Kaya nga eh, sana matapos na din lahat ng to

**at nag umpisa ng kumilos ang mga Vanguard,sa dilim ng gabi sila nakakubli, bawat kilos ay maingat na ginagawa, dahan dahan nilang ginapang ang posisyon ng mga kalaban**

*Radio Communication*

John: Sir, enemy spotted patrolling the area, requesting permission to engage

Mallari: Account enemy numbers, can you verify

John: Sir, enemy accounted for one only in visual

Mallari: Proceed with caution

John: Roger that, Andrew naalala mo ba yung sa balloon training natin?

Andrew: Oo

John: Alam mo na gagawin

**medyo nilakasan ni Andrew ang boses nya na tama lang para marinig ng nagpapatrolyang sundalo ng kalaban, tagumpay niyang nakuha ang attention nito dahilan para lumapit ang sundalo**

Andrew: Tulong tulongan niyo ako

Soldier: Sino yan?! arrrghhh! (at nadapa ang sundalo mula sa pagkakasaksak sa likod)

Andrew: Kami nga pala ang Vanguard ng Sanctum at kami ang tatapos sayo tss

John: Napaka panget mong umarte

Andrew: Ayos lang yun! Pang famas nga acting skills ko eh! ikamamatay mo ang pag arte ko Ha Ha Ha!

John: Kung ano ano pa ang pinagsasabi mo, tara na baka magtaka pa yung kalaban at nawawala ang isa sa kanila

**patuloy padin ang operasyon, nag tatanim ng mga bomba ang mga Vanguard sa bawat keypoints ng lugar kung saan maaaring dumaan ang mga tangke ng Cresentium**

*Meanwhile*

Viceroy Lancolm: Altark,  nakahanda na ang Heavy Armor division nating pasukin ang Sanctum side ng pader

Altark: Kamusta ang Aerial invasion fleet natin?

Lancolm: Sa ngayon ay di natin sila mapapasok ng Air force natin, may nadedetect kaming spread out Anti Air Defense nila sa pader

Altark: Di ba kakayaning i long range artillery yung mga depensa nila?

Lancolm: Ayon sa mga war planners natin, mahirap bastang paulanan ng artillery shells ang kabilang side ng pader dahil nakakubli ang mga anti air defense nila, masasayang lang ang mga bala natin, sa ngayon ayon sa abiso ng mga War planners, mas maigeng lituhin natin sila sa labanan.

Altark: Kung ganon ay sige, patawirin na ang heavy armor division sa pader

Lancolm:  Masusunod

**at pumasok ang heavy armor division ng Cresentium sa pader ngunit isa isa itong sumasabog dahilan para mag retreat ang mga tangke pabalik**

**after a few hours**

Lancolm: Our heavy armor division has been ambushed, mukhang napaghandaan ng Sanctum ang pagpasok ng mga tangke natin!

Altark: mukhang may sinabi naman pala ang mga Sanctum sa labanan ang buong akala ko eh puro salita lang sila, ano ang mapapayo ng War Planners?

**at nag usap ang dalawa hinggil sa strategy at tactics na gagamitin nila laban sa Sanctum**

*sa Monastery of War*

Ironclad: mukhang di titigil ang mga Cresentium, sa ngayon ay magagamit natin ang mga anti air defense natin para di nila magamit ang buong pwersa nila. But, we cannot rely on this for long makakahanap sila ng paraan. Sec. Eva, ano ang balita sa S.E.E.P?

Eva: Malapit ng matapos ang S.E.E.P sir, gives us a few more days

Ironclad: You better make sure this works secretary. This might come in handy in dire straights.

*Frontlines, Southern Wall Command*

Mallari: Excellent job soldiers! Pansamantalang matitigil ang pagpasok ng mga tangke nila, ngayon mas pag iisipan na nila ang bawat kilos nila, lamang man sila sa dami mas lamang naman tayo sa talino!

Soldiers:  Hoo Raa!

Mallari: Alright men! For our next mission we will launch a counter offensive in the wall, this time we will show them why its not good to play on our turf! Do you copy?!

Soldiers: Sir! Yes! Sir!

Andrew: Makikita na natin ang kabilang parte ng pader!

John: Mangarap ka! Yun eh kung makakatawid nga tayo sa kabilang bahagi ng pader!

*Cresentium Palace*

Lancolm: Altark, intelligence reports a large concentration of Sanctum troops gathering in the Southern Wall mukhang tayo naman ang gusto nilang pasukin

Altark: Very well then, we shall prepare a welcoming party for them. Gather the War Planners! I will personally see to it the fall of the Sanctum forces.

Lancolm: Yes Altark

*Southern Wall Command*

Mallari: Boys I know you are all tired but this will all end soon, in 02 days time Command will launch the invasion forces on the other side of the wall, our job as Vanguard is to secure the landing zones for our troops, do you copy?

Soldiers: Sir! Yes! Sir!

**habang nakaupo malapit sa bonfire**

John: Oh miss mo na ba nanay mo? (tinutukoy si Andrew na nakatingin sa pictureng Nanay nya)

Andrew: Oo, iniisip ko kasi kung kamusta na sila, kung ayos lang ba sila, alam ko nag aalala sila saken, pag katapos ng lahat ng to, siguro magpapahinga muna ako, mahirap din pala maging sundalo, oo lumalaban tayo para sa bansa, pero minsan naiisip ko ano nga ba talaga ang pinaglalaban natin? Ideolohiya? Paniniwala? Relihiyon? Bakit kailangan magpatayan? Hindi ba pwedeng pareho nalang tayo makipamuhay sa isa't isa? Yung mga sundalo ng Cresentium, pag iisipin ng maige sa paningin nila tama sila, ganon din naman tayo sa sarili natin. In the end, sino nga ba ang tama? Bakit kailangan maglabanan ng mga administration ng mga interes nila pero ang nagsasakripisyo eh mga gaya nating mamamayan?

John: Tama ka dyan, ako din yan ang iniisip ko, sa ngayon ang importante magkasama tayo, pinagtatanggol natin ang Sanctum, dahil sigurado akong pag nanaig ang Cresentium buburahin nila ang kultura natin at papalitan yun ng sa kanila and we cannot allow that..

*End of Chapter 06*

IMPERIUMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon