A New Beginning

5 1 0
                                    

**patuloy ang bakbakang nagaganap sa palasyo, palitan ng putok mula kay John at ng mga Celestium Soldiers, nagpanic nadin ang mga tao. Mahahalata rin mismo sa mga Sundalo ng Celestium na nalilito na sila dahil wala na ang kanilang Altark kaya kung sino sino na lang ang nag uutos, wala ng kaayusan, nakikipag barilan si John patakbo sa corridor. Kailangan nyang mahanap ang communications room ng palasyo upang ipahatid ang magandang balita sa Sanctum at gayon nadin na ipakalat ang balita sa pwersang militar ng Celestium masira ang kanilang morale. Takbo dito, bukas ng pinto duon, napakaraming kwarto at ingkwentro pa ang nabuksan at hinarap ni John ng makita na niya ang kanyang hinahanap na Communications Room. Agad niyang nilock ang kwarto at nagpunta sa main computer, binuksan ang monitor, may nagraradio ng "Celestium HQ come in, Celestium HQ come in" iniisip niyang nagrereport ito ng progreso sa pananakop nila sa Sanctum Capital ngunit nagulat siya ng iba ang sabihin nito "Celestium HQ come in, this is Viceroy Lancolm, requesting permission to retreat we are under attack by". Saktong nabuksan na ni John ang monitor at di sya makapaniwala sa pinapakita nito....
*Sanctum Capital City*
*Radio Communication*
Ironclad: Mallari! What is the status in the front lines???!!!

Mallari: Sir we are receiving heavy fire from Celestium Forces! Requesting Air  Force Suppresion!

Ironclad: Negative! We are out of resources! Hold your position! Damn it! (naihagis nya ang radio) Ano na ba ang balita sa Commando mission, wala pa bang update? F*ck!

Soldier: General! You have to see this! Something weird is going on!

**at lumabas ng Command Center ang General, lahat sila nakatingin sa langit isang malaking tipak ng ulap ang naka ipon mula sa ibabaw ng bundok ng Maginot Mountains, ang tanging bundok na naghihiwalay sa pagitan ng Celestium Forces at Capital city ng Sanctum, dahan dahang lumabas mula sa pagkakakubli nito ang isang napakalaking Spaceship. Pahaba ang itsura nito, mukhang barko, kulay itim ang pintura, may mga mahabang pakpak sa likod, may haba itong 5 Kilometro, lapad at taas na kalahating kilometro , biglang tumunog ng malakas na parang barko, pansamantalang natigil ang bakbakan. "Ano yan? Superweapon ng Celestium?" Tanong ni Ironclad. "Mukhang negative sir" sagot ng sundalo. Kapansin pansin ang logo sa ilalim ng mala barkong lumulutang na bagay na ito ang isang paro-paro. Maya maya pa ay bumukas ang gilid nito, parang mga launching bay, at naglabasan mula dito ang mga jet fighter ng foreign forces na ito. Kasabay nito ay bumukas ang ilalim ng barko at naglabasan ang mga kanyon, nag umpisa ng umilaw ang mga ito at sumigaw si Viceroy Lancolm ng "TAKE COVER" saka sila pinaulanan ng bomba, bala at pasabog mula sa spaceship. Nagkagulo ang Celestium Forces pati nadin ang mga Sanctum Forces dahil di na nila alam kung ano ang gagawin. Maging si General Ironclad, ay natulala sa nakapangingilabot na lakas ng unknown forces na ito. Tumatakbo namang lumapit sa kanya ang isang sundalo at sinabing "Sir we are receiving broadcast from an unknown frequency". "Let's get inside and let them through" sagot ni Ironclad. Sabay na nanunuod  sa kani kanilang monitor sina Ironclad mula sa Command Center ng Sanctum, si John mula sa Celestium palace communications room at si Lancolm mula sa Maginot Mountains Offensive Bunker. Lumabas mula sa monitor ang isang babae ngunit mukhang kakaiba sya dahil mukha rin syang lalake na nakaupo sa Isang Upuan na mala trono at binati sila nito.

"Citizens of Celestium Regime and the State of Sanctum! A day of revenge to all of you! We are "The Empire of the Iron Butterfly" and I am Empress Shaun, the appointed leader of the Empire by the council of our founding Sisters. Nagtataka na ba kayo kung san kami galing? Pwes let me remind you, ALL OF YOU OF YOUR SINS AND CRIMES AGAINST US, kami ang mga tao nuon na itinaboy nyo dahil sa paniniwala ninyong di makatarungan. Sparking something in your history yet? Yes! Kami ang mga biktima ng the great persecution ng dahil sa mga relihiyon ninyo! Kami ang mga bakla, tomboy, trans, at lahat ng nabiktima ng mga baluktot ninyong paniniwala dahil sa relihiyon ninyo! All of you are full of hypocrisy! Fighting for peace and unity when you just really want to dominate one another! You have been blinded by your religious leaders into submission and do their bidding! In order to please your gods, you turned on us, because we don't fit in your society and in your standards! Kami ang mga niyurakan ninyo nuon, ginutom at ipinatapon sa pinaka babang bahagi ng mundo at pinabayaan! At dahil sa inggitan ninyo sa isa't isa di niyo na namalayan na dahan dahan na kaming bumangon mula sa pagkakatulak ninyo sa amin. Pero tignan niyo kung nasan kami ngayon, kami ang nasa itaas at nakatingin sa inyo sa baba! Tanggapin nyo ang ganti ng mga naaapi!"

*End of Chapter 13*

IMPERIUMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon