Confused

5 0 0
                                    

**kasalukuyang nakatayo si Lancolm at tinutukan na sya ng baril ng Imperial soldier, pinagpapawisan na at nabubura na ang make up nya, di na niya alam ang gagawin. Tatakbo ba sya o manlalaban? Kaya lang nakatutok na ang baril sa kanya wala rin naman syang magagawa ng biglang may umakbay sa kanya. "Oh babe what are you doing here? Kanina pa kita hinahanap". Si John ito na lumapit na para tulungan si Lancolm, ngunit di padin kumbinsido ang Imperial Soldier dahil nadedetect padin nito na mataas ang heart pulse ni Lancolm. Nag react ang robot ng "Heart pulse irregular, state your true intention or you will be executed on sight." Wala ng magawa si John kundi ang tulungan si Lancolm na kumalma, nagulat si Lancolm sa sumunod na nangyari. Hinalikan siya ni John, nanlaki ang mata ni Lancolm gusto nyang kumawala pero mahigpit ang pagkakahawak ni John sa bewang at pisngi niya, nuong una ay parang sasabog sya sa inis pero dahil nawala ang attention nya sa baril na nakatutok sa kanila at galing humalik ni John dahan dahan nadala si Lancolm, napaka lambot ng labi ni John at malikot pa ang dila nito, nakakatangay ng pagkalalake nya. Dahil dyan ay unti unti ng nagnormal ang pulse rate nya dahilan para mag clear nadin ang readings ng robot. "You are cleared, please turn back, the city is located 1 kilometer from here, we can arrange a transport should you request one"sabi ng Imperial Soldier. " ay hindi na po mas preferred po namin ng long walks nitong babe ko" sagot ni John. Tumalikod na ang dalawa at naglakad, ganun na din ang soldier pero ang totoo nagtago lang sila Lancolm sa may bush sa gilid.

Lancolm: Bakit mo ginawa yun?!

John: Di ka kasi nag iingat!

Lancolm: Di mo na ako kailangan tulungan dun! Kaya ko ang sarili ko!

John: Anong kaya?! Eh nanginginig ka na nga sa takot duon sa Robot!

Lancolm: wag na natin pag usapan ito ulit ha!

**lumingon si Lancolm sa likod nya at nakatingin lang sa kanila yung 03 sundalo na kasama nila, mahahalatang nagpipigil lang ng tawa itong mga ito. "anong tinitingin tingin nyo dyan?! di ba dapat nagbabantay kayo ng kalaban?! bakit di nyo napansin yun?!" sabi ni Lancolm. "O-opo sir pasensya na po" sagot ng mga sundalo. "Hindi to makakarating kahit na kanino ha" sabi ni Lancolm. "Sir yes sir" sagot ng mga sundalo. At bumalik ang atensyon nya kay John na ngayon naman ay sumisilip mula sa bush kung cleared na ba ang area, di niya maiwasang titigan ang mga mata nito, napaka ganda ng mata ni John malalim, matangos ang ilong, clean trimmed na bigote at magandang physique. Parang may kakaiba syang naramdaman nung mga panahong yun, pero binale wala niya yun, iniisip nya baka dala lang ng intensity ng mission at kaba dahil sa ingkwentro. Bigla namang nagreact ang isa sa mga sundalo ng "Sir may nakita kaming man hole dito, pwede tayong pumasok mula sa sewer papunta sa luob ng fortress". "Good job boys lets go!" sabi ni John. "Lets go? akala ko ba eh ako lang mag iinfiltrate ng base kaya nga ako naka costume and all?" tanong ni Lancolm. "Change of plans, mas maige na magkakasama tayo para magtulungan", sagot ni John. Bumaba na sila sa manhole, medyo madilim dito at talaga namang nakasusulasok ang amoy masuka suka sila sa tindi ng baho ng sewer area. Buti nalang at mukhang tapos na ang paglalakad nila, "nasa ilalim na tayo ng fortress umakyat na tayo mula dito" mauuna na ako sabi ni John. Umakyat na nga ang lalaki at dahan dahang iniangat ang takip ng manhole, mukhang nasa parking lot sila,tumingin sya sa paligid at mukha namang clear ang area mula sa kalaban, tuluyan naman nyang inaangat ang takip at umakyat na sya, mula duon ay sinenyasan na nya ang mga kasama na sumunod na. Pag ka akyat ng huling kasamahan nila ay nagtungo na sila sa isa sa mga pinto papasok sa mga opisina, iilan lamang ang mga rumurondang robot soldier, kapansin pansin din na dahil robot ito, hindi ito nag rarandom check kaya routine lang yung nilalakaran nitong area. Kaya gumapang sila para di makita ng mga ito. Dahan dahan nilang binuksan ang pinto ng emergency exit at mula dito ay umakyat sila papunta sa 3rd floor. Pag ka bukas nila ng pinto, nakita na nila ang hinahanap nilang Research Laboratory, pinasok nila yun at swerteng walang bantay. Nagkukumahog silang, hanapin ang blueprint para sa EMP construction materials at ng makita ni Lancolm ito agad niyang sinenyasan ang mga kasama. Kumuha nadin ng ilang sample ng EMP bullets sina John at ang mga sundalo ngunit, sa pagmamadali aksidenteng natabig ng isa sa mga kasamahan nila ang isang microscope dahilan para mahulog ito at mabasag. Nagmamadali silang lumabas ngunit napansin nilang mabablock ang daan nila dahil makakasalubong nila ang nagtatakbuhang robot soldier papunta sa lugar nila, bigla ding bumukas ang pinto mula sa Observatory...

*End of Chapter 17*

IMPERIUMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon