**gabi na at lahat ng paghahanda para sa Rocket launch ni John ay fina-finalize na**
Scientist: Madam Secretary, all preparations for the pod launch has been completed we await only your command.
Eva: Thank you, John ikaw nalang ang kailangan, pumwesto ka na sa luob ng pod, tandaan mo maaaring sa misyong ito hindi ka na makabalik. Gayon pa man, saludo ako sa katapangang ipinapakita mo para sa State of Sanctum.
John: Lahat pong ito ay para sa mga mahal ko sa buhay pati nadin sa kaibigan kong si Andrew.
Eva: Kung ganoon ay humanda ka na, we will launch kasabay ng pag ulan para ma conceal ka sa mga ulap at di ka madaling makita ng Celestium Air Force, don't worry (habang hinahaplos ang gilid ng rocket pod) ginawa ito specifically para sa misyong ito, sa ngayon ay ito ang pinaka mabilis na mode of transportation sa buong mundo kaya kampante akong makakarating ka ng ligtas duon. Ang hindi ko lang alam ay kung ano ang dadatnan mo.
John: Huwag po kayo mag alala tinanggap ko na sa sarili ko na baka nga di na ko makabalik mula sa misyong ito, masaya po akong nakilala kayo ng personal Sec. Eva, napakaganda nyo po alam mo bang gustong gusto ka ng kaibigan kong si Andrew?
Eva: haha! (nagblush) Hanggang sa huli yan ang iniisip mo! Masaya din akong nakilala kita ng personal, siya nga pala sobrang bilis ng magiging lipad mo at napaka taas kaya maari kang mahilo or mag hallucinate pero pansamantala lang yun. Mag iingat ka, ipinagdadasal ko ang tagumpay mo at ng makabalik ka ng buhay!
John: Salamat din po Ma'am
**at tuluyan na ngang bumaba mula sa gilid ng pod launcher si Sec. Eva, kasabay naman nito ay ang pagsara ng glass cover ng pod. Dahan dahan umaangat ang pod ni John habang nakatingin sya sa napakagandang babae na nakangiti sa kanya sa baba. Umuusok ang ilalim ng rocket tanda na nakaready na tong lumipad anytime. Ilang sandali pa ay tuluyan ng bumuhos ang ulan, dahan dahan ng bumukas ang bubong ng dome, at lumayo na ang lahat ng tao sa launch area, kasabay ng pag ilaw ng mga indicators sa launch pad ay nag bilang na sila 10...9...8...7...6...5...4... naisip ni John bakit kailangan maging komplikado ng buhay, wala naman sigurong may gusto ng gulo, paano nga ba magkakaroon ng kaayusan sa mundo na iba iba ang paniniwala ng tao? 3...2...1... lift off lift off. Umapoy ng malakas ang ilalim ng pod kasabay ng matinding panginginig ng buong sasakyan ni John, ramdam niyang dahan dahan siyang hinahatak ng lakas ng rocket. Unti unti ng umangat ito mula sa lupa, sa malayo ay matatanaw ang lakas ng apoy na binubuga ng Rocket mula sa dome, pakiramdam ni John ay sinisikmuraan sya sa tindi ng hatak ng Rocket at biglang bumilis pa ito ng matindi, dahan dahang lumiit lahat ng bagay mula sa lupa ngunit mas bumibilis pa ang rocket "wala na bang tigil sa pagbilis to parang sobra na" aniya sa sarili. Sobrang bilis na at taas ng lipad ng pod ni John at kahit na nahihilo at nasusuka sya ay naging alerto padin sya. Pakiramdam pa nga nya ay nakakakita na sya ng Alien dahil parang may anino ng malaking spaceship na nakakubli sa mga ulap, ngunit nawala ang attention nya duon ng mag radio na si Sec. Eva**
Eva: John? John? Kamusta ka? kinakaya mo pa ang biyahe?
John: O-opo Maammmmm (manginig nginig na sabi niya habang lumilipad sa tindi ng hatak ng rocket)
Eva: Good! I will only be able to communicate with you until you make the drop, after that you will be on your own, so I need you to listen. In 1 minute you will be flying over the Celestium Capital, ofcourse with the speed and height of your flight I highly doubt nadetect ka nila sa radar nila given we' ve put stealth technology sa pod mo. Now, when I say jump, you have to pull the lever beside you to eject yourself from the pod. Given your current velocity, it will be very painful but since you have been augmented it should not be a big issue for you. From there, kailangan mo mag glide past their defenses and land on the Palace's rooftop. Am I clear?
John: Ye-ye-yes Ma-a-am
Eva: Alright! Prepare to eject in 3...2...1...
** at hinatak na ni John ang lever sa gilid ng pod niya, na eject sya mula dito at saglit na sumakit ang katawan niya, nagdeploy naman ang glide at na maneuver nya ito para magland sa target nyang bubong ng palasyo, kung tutuusin napakaganda sana ng Celestium ngunit ito ay pinapatakbo ng isang monarkiyang diktadurya kung kaya't lahat ng ganda ng Kingdom na ito ay panlabas lamang dahil alam niya sa sarili niyang walang sino man ang gusto mapasailalim sa ganitong uri ng pamamalakad napaka barbaric. Nag iisip isip si John habang nag-ga glide ng may biglang spotlight na umilaw at saktong papunta sa direksyon nya ito mabuti na lamang at naitagilid niya ang para glide nya kaya di rin sya nakita "shit muntik nako dun ha" aniya sa sarili. Saktong lumapag na sya sa bubong ng Palasyo, ibinaba ang gamit at naghanda para sa misyon.
*End of Chapter 11*
BINABASA MO ANG
IMPERIUM
General FictionAng kwentong ito ay tungkol sa hinaharap natin 100 taon ang lumipas kung saan ang mundo ay pinapatakbo na ng dalawang sekular na administrasyon. Ang mundo ay nahati na base sa paniniwala, tag gutom at pag hihirap ang namamayapag sa karamihang lugar...