Solace of the Hated

3 0 0
                                    

** di pa din makakilos si John mula sa pagkaka kontrol ni Psion sa kanya, nagpupumiglas sya ngunit lahat ng effort nya ay parang wala lang. Samantalang si Psion ay ni hindi man lang pinagpapawisan,nakatingin lang sa kanya at naghihintay ng sagot sa tanong nya. Tinitigan nya ang mukha ni Psion at parang nakita na nya ito somewhere, napaka pamilyar ng mga titig nito na may halong lungkot. Napansin nya na asul ang kaliwang mata ni Psion, maya maya pa ay nagsawa na si Psion at binaba na sya nito. Napahawak si John sa lupa habang nakatayo sa harap niya si Psion. Kahit na nanghihina ay pinipilit niyang bumangon ngunit naubos na ang lakas niya. Nagsalita si Psion at sinabing "Wala naman akong intension na manakit pero lahat sila gusto nila akong masaktan" may halong lungkot sa boses ni Psion. Napatingin si John kay Psion at kita naman niya ang sinceridad dito. Pero naalala ni John na madami ang nasawi sa kamay lamang ni Psion at dahil dito ay muling napuno ng galit ang puso ni John, dinakot niya ang lupa mula sa kinaluluhuran niya at tsaka tinapon bigla sa mata ni Psion. Napa sigaw ng "ARAY!!!" si Psion at tinakpan ang mata nito. Pagkakataon na ni John para makaganti, bumangon siya at kinalembang ang ulo ni Psion, sinuntok nya ito ng napakalakas at naalog ang utak ni Psion dahil dito. Tumalsik si Psion sa pader at nahimatay, nagulat ang mga taga Imperyo at dagliang tumayo, binaril nila ng Sedative si John at dinagdagan pa nila ito dahil mukhang di basta basta mapapatulog ang lalaki, tuloy tuloy lang ang baril nila ng sedative hanggang tinamaan ng antok si John at ang huling nakita na lamang nya ay tinatangay na siya ng mga taga Imperyo. Lumipas ang ilang oras at nagising na si John, nasa luob na sya ng isang kulungan. Ang pinagkaiba lamang ay imbes na bakal, laser ang kulungan na ito. Sinubukan nyang idikit ang daliri niya sa laser pero napaso nya kaya naupo na lamang siya. Maya maya pa ay may parang bumubulong sa kanya. "John? John? Naririnig mo ba ako?". "Si-sino ka? Nasaan ka?" Tanong niya. "Shhhhh, wag kang maingay ako to si Lancolm, kanina habang nasa stretcher ka naikabit ng isa sa mga doctor sayo itong tracking communications device sa may likod ng tenga mo" sagot ni Lancolm. "Hayst akala ko nababaliw nako, asan ako, nasaan kayo?" tanong ni John. "Dinala ka ng Empirial Forces, huli ka naming nakita isinakay ka nila sa isang helicopter na lumipad papunta dun sa malaking spaceship nila" sagot ni Lancolm. "Kamusta kayo dyan? Kamusta ang Cresentium?" tanong muli ni John. "Ayos naman kami, nagkaron ng stalemate, di umusad ang pwersa ng Imperyo dahil nadin madami ang nabawas sa bilang ng mga tao nila, di rin nila magamit ang technological superiority nila dahil sa EMP nating naka standby, makinig ka, kailangan makalabas ka dyan at isabotahe ang spaceship nila mula sa loob. Pakiramdam ko nandyan din ang Empress nila dahil sobrang dami ng Mecha Jets nilang umiikot sa paligid ng spaceship nila. Kailangan makalabas ka at patayin mo sila! sabi ni Lancolm. Nag isip ng paraan si John paano nga ba sya makakalabas sa laser na kulungan. Maya maya biglang parang may namatay na makina, unti unting nag blink ang laser saka ito nawala, "pagkakataon na ito!" aniya ni John sa sarili. Tumakbo sya at dinamba ang pinto, sumigaw ang mga sundalo ng "Nakawala sya hulihin nyo!". Biglang naging pula ang mga ilaw sa paligid, nasa isang mahabang pasilyo sya, maririnig mula sa speaker ang pag aannounce ng "Warning! Containtment Facility Breached! All personnel please proceed to the gathering area, ship lockdown will be initiated". Tumakbo ng mabilis si John at dinamba ang Empirial soldier pinagsusuntok nya ito at inagaw ang baril, umalis na sya at naghanap ng daan papunta sa Deck kung saan maaring nandun ang Empress. Pumasok sya sa isa mga pinto pero mukhang ito yung Hangar kung saan nila launch yung mga mecha jet, kitang kita nya kung gaano kabilis gumawa ng isang mecha jet, no wonder mabilis silang maooverwhelm kung wala lang yung tulong ng EMP defenses nila. Dumiretso pa sya sa may hagdan at nabuksan nya ang isang pinto, mukhang ito yung command bridge kung saan pinapatakbo yung Spaceship. Sinalubong sya ng mga baril mula sa Imperial soldiers sinuklian nya rin naman ito ng bala. Matinding palitan ng putok ang naganap sa luob ng command bridge, natamaan pa ang isa sa mga computer dahilan para dahan dahang tumagilid ang Arkship. "Warning autopilot disengaged, ship destabilizing" sabi sa speaker. Agad na nagpanic ang mga nag ooperate ng Arkship, ang daming tinatype para mapigilan ang tuluyang pagtaob ng Arkship, hinablot naman ni John ang isa sa mga operator at sinabing "Nasaan ang lugar ng Empress ninyo?!". "Hindi ko sasabihin kahit na patayin mo pa ako!" sabi ng operator, inuuntog na lang nya ito ng malakas sa computer tsaka umalis. Patuloy padin nyang binaybay ang mga mahahabang pasilyo at iba ibang kwarto, mukhang wala ng katapusan ang mga ito ng sa wakas ay makita na nya ang hinahanap nya. Isang pinto na may gintong disenyo na paro paro, pakiramdam niya ay nandito na ang taong hinahanap, walang pag aatubiling binuksan nya na ang pinto**

*End of Chapter 22*

IMPERIUMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon