Chapter 2RAMDAM ni Roxanne ang sakit ng kanyang ulo pagbangon niya sa kama kinaumagahan. Nakangiwing tumayo siya at lumabas sa kwarto. Ngunit mas lalo lang sumakit ang ulo niya nang nanuot sa kanyang pang-amoy ang lakas ng amoy pinturang paligid.
"The heck!" Asik niya at bumaling sa paligid.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat dahil sa hindi pamilyar na paligid. Punong puno ng dyaryong papel at plastic ang sahig. Walang kagamit-gamit, maliban sa isang plato, baso, pares ng kutsara at tinidor na nasa mesang nakabalot ng plastic.
Pamilyar sa kanya ang paligid. Gano'n na gano'n ang istilo ng apartment niya pero puno ng gamit at hindi amoy pintura.
"Where am I?" Luminga siya sa paligid. Halos magtayuan ang kanyang mga balahibo nang mapagtantong nasa ibang apartment siya. "Oh, God.."
"You're awake."
Hinarap niya ang nagsalita at taong nasa likuran niya. Ngunit kaagad niyang inalis ang kanyang tingin nang makitang maliban sa tuwalyang nakatapis sa ibaba ay wala na itong saplot.
"Nasaan ako?!"
"Sa apartment ko."
"At bakit ako nandito?"
"Dapat ay ako ang magtanong sa'yo niyan. Bakit ka nandito?"
Hindi niya alam. Sigurado siyang nakauwi siya kagabi. "Nakauwi ako—"
"Pero sa ibang unit ka pumasok."
"Then why didn't you lock your door?"
"Because it's my unit."
Bigla siyang napayakap sa kanyang katawan. "Did you do something to me when I am drunk?"
Nanuya ito. "Malalaman mo kapag hinawakan kita. I don't do sex with drunk women, trust me, it's no fun." Biro nito sa kanya.
Muli niya itong binalingan. "How am I supposed to trust you? You are stranger!"
"E bakit ka pumasok sa unit ko kung alam mo naman palang estranghero ako?"
May punto ito. Pero abogado siya at hahanapan niya ito ng butas mapaamin lang na mali ito at hindi siya. "E bakit mo ako pinatuloy?"
Namamanghang napakurap ito sa kanya. Naghahanap ng isasagot sa kanya. I win! Lihim siyang natuwa.
Natatalong napabuntong hininga ang lalaki. "Fine, leave my unit!" Itinuro nito ang pintuan.
Napangisi siya. "I am a lawyer, you know. Hindi ka mananalo sa akin." Pero ang kanyang tingin ay bumaba sa mala-adonis nitong katawan.
Meron rin namang abs si Ellis pero hindi siya natakam, sapagkat hindi iyon naalagan masyado.
Pero ang lalaking nasa harap niya ay kasiya-siyang pagmasdan. Hindi siya dapat matukso pero hinahatak nito ang atensyon niya.
Those biceps and muscles.
"Talaga?" Napabalik siya sa kanyang kaisipan. "Should I sue you for entering my house, then?" Ito naman ang ngumisi nang matinag siya sa sinabi nito. "Should we settle this in court miss attorney?" Nakamaywang na anito.
"Fine! I let this one slide." Inirapan niya ang lalaki at nagmamartsang tumungo sa pinto at lumabas ng unit nito.
Tiningnan niya ang numero ng bahay nito at hindi iyon ang numero ng bahay niya. Katabi ng unit niya ang unit nito kaya naman hindi talaga kataka-takang mapagkamalan niya ang unit na kanya lalo na at lasing siya.
Tinipa niya ang code niya sa lock system ng kanyang apartment at pumasok roon. Imbes na magtungo sa banyo upang maligo ay tumungo siya sa kusina. Kinuha niya ang bawas na bose ng wine at sinalin ang buong laman niyon sa baso.
BINABASA MO ANG
Herrera Series 7: Owning the Temptress
General FictionNang makulong ang boyfriend ni Roxanne na si Ellis dahil sa rape at frustrated murder. Ginawa niya ang lahat para makalaya ang kasintahan kahit pa gumawa siya ng pekeng ibidensya na maglalayo sa kaso ng kasintahan. But no matter what she do, her boy...