Chapter 6

7.3K 316 40
                                    

Chapter 6

GUSTONG sigawan ni Lucien ang babaeng kahit lasing na at hindi na kaya ang uminom ay umoorder parin ng inumin ngunit hindi niya magawa. Nababasa niya rito ang lungkot sa dalaga.

Sa hitsura nito, mukhang may nangyaring hindi kaaya-aya na naging dahilan kung bakit ito napunta sa kanilang bar. Iyon ang napansin niyang pag-uugali ng dalaga simula pa noong una niya itong makita.

Ang huli naman nilang pagkikita ay hindi naging maganda.

Ngunit hindi niya alam kung dahil ba roon o dahil hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi rito kanina.

"Iuwi mo na kaya 'yan, Lucien." Singit naman ng kanilang boss. "Tanghali na at kailangan naman nating magbreak."

"Hindi ko naman alam kung saan ito nakatira, boss." Pagsisinungaling niya. "Kayo nalang muna ang magbreak. Babantayan ko siya."

"Sigurado ka ba?"

Tumango siya at hindi na inalis pa ang tingin sa dalaga.

Dinig niya ang pagtawag ng boss niya sa iba pa niyang katrabaho. Nagpaalam pa si Kol sa kanya at nangakong daldalhan siya ng pagkain bago ito tuluyang umalis.

Sila nalang ng dalaga ang naiwan. Ang ulo nito ay nahiga na sa counter ng bar. Sa pag-aakalang mahihimbing na ito ay kanyang tinalikuran.

Ngunit naiwan sa lupa ang kanyang paa na dapat sana ay ihahakbang niya nang bigla niyang marinig ang mahina nitong paghikbi.

"Why does it always have to be me?" Anito dahilan para harapan niya ang dalaga. Ang baba nito ang siyang tumutukod sa ulong nakapatong sa counter at nag-angat ng tingin sa kanya. Pumupungay na ang mga mata nito at namumula na ang mukha. "Ginawa ko naman ang lahat. Naging mabuti akong apo. Masunurin. Kumpara kay Sera na nabuntis lang naman." Saad nito habang sumisinok.

"Sera? Your cousin?"

Natatamad na tumango ito. "She got pregnant by the father of her patient. Pero hindi nadismaya si Lolo? Instead, he welcomed them with open arms. Bakit ako hindi? My boyfriend—ex, hindi nila matanggap."

"Bakit hindi mo nalang sila kausapin?"

"Believe me, I've tried.." muli itong suminok. "But they won't listen."

Hindi siya makapaniwala na kahit na lasing na ito ay matino parin itong kausap. Walang sablay ang mga salita.

"Siguro dahil ayaw lang nila na magkaroon ka ng kasintahang kriminal." Nagbaba siya ng tingin. Hindi niya kayang harapin ang mapungay nitong tingin.

"Ellis wasn't that bad." Anito. "Pareho nga kami ng ugali e. He understand we pretty well. He know me and accept me for who I am."

Wala siyang binigkas na salita. Bagkus ay pinakatitigan lang niya ang dalaga.

Ngayon ay naintindihan na niya kung ano ang kailangan nito. At dahil doon kaya ito napapariwara. Animo'y walang direksyon sa buhay.

Naging malalim ang pagbuga nito ng hininga. "At ngayon naman, gusto na akong pag-asawahin ng Lolo ko. It doesn't matter who, as long as I can give him a great grand children."

"Bakit ayaw mo bang magkaroon ng anak?"

Mahina itong umismid. "It's not like I can put a fetus on my womb and carry it for nine months." Sarkastiko nitong ani.

"Do you want my help?" Aniya.

"What could you possibly do to help me?"

Nagkibit balikat siya. "If you want a child. I can give you."

Herrera Series 7: Owning the TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon