Chapter 23
KAAGAD na tumayo si Roxanne sa kanyang kinauupuan nang marinig ang paghinto ng sasakyan sa tapat ng kanyang bahay.
Patakbo siyang lumabas sa pinto upang salubungin ang binata. "Hey." Umaasa siyang magkukwento ito. "You didn't call me."
"Sabi mo ay tawagan kita kapag may nangyari."
"Yeah. Wala bang nangyari?"
"Your grandfather is a ruthless boss." Kumunot ang noo ng binata. Takot ang pagsisisi ang nabasa niyang emosyon sa mga mata nito. "I will never work for him again."
Sinamaan niya ito ng tingin. "E bakit hindi ka tumawag sa akin? I told you to call me if anything happen!" Galit niyang saad ngunit kalauna'y lumambot rin siya. Naaawa siya sa sinapit ng binata. "What did he do to you?"
Ngumuso ito. Halatang natrauma ito sa kanyang Lolo. "Just this and that."
Siya naman ay inalalayan ang binata na pumasok sa loob. Pagod ito malamang dahil sa pagpapahirap ng Lolo niya. Kung alam lang niya na gano'n ang gagawin ng matanda sa binata ay hindi na sana siya umalis pa. "Come, I'll cook for you."
"You will?"
Tumango siya. "Yes." Iginaya niya ang binata patungo sa sala saka siya nagmadali na nagtungo sa kusina upang kuhanan ito ng malamig na tubig.
Pagod ito kaya kailangan niya itong pagsilbihan. Iyon lang ang magagawa niya sa ginawa ng Lolo niya.
"Here." Iniabot niya ang baso sa pagod na pagod na binata. "You stay here, ok."
Tumango ito at ipinikit ang mga mata. Napansin niya ang kakaibang pag-ngiti nito pero hindi na niya iyon pinuna pa. Mabilis siyang bumalik sa kusina upang ipagluto ito.
Aligaga siyang nagsaing ng kanin at naghiwa ng sibuyas at bawang. Sa pagkataranta niya ay hindi niya alam kung ano ang kanyang lulutuin.
Binuhay niya ang stove at inilagay ang medium size na kawali. Gano'n nalang ang pagmura niya nang mapagtanto na nasa freezer pa pala ang mga karne at hindi pa hiwa ang mga gulay.
Napasapo siya ng noo. "Stupid, Roxie." Kausap niya sa sarili. Pinatay niya ang stove at hinayaan nalang ang rice cooker.
Napapahiya siyang lumabas ng kusina at kagat labing hinarap si Lucien. "Hey."
"Luto na?" Kukurap kurap na tanong ng binata.
Umiling siya. "The thing is.. I forgot to take the meat out of the freezer." Ngiting aso ang kanyang isinunod pagkasabi niyon.
"Oh, that's fine. We can eat outside." Tumayo ito at lumapit sa kanya.
Natigilan siya nang kunin nito ang kanyang kamay saka siya hinila palabas.
"Hindi pa ako nakapagbihis." Aniya saka nagbaba ng tingin sa pambahay lang niyang suot. Kahit pa mukhang hindi naman iyon pambahay.
Hindi siya pinansin ng binata. Binuksan nito ang pinto ng passengerseat saka siya pinasakay. Pagkatapos ay umikot ito sa kabila saka sumakay.
"Pagod ka diba?"
"Oo."
"Ako nalang ang mag-drive. Baka mas lalo kang mapagod." Akmang bubuksan niya ang pinto nang pausadin ni Lucien ang sasakyan.
"Seatbelt."
"Saan tayo pupunta?"
"Restaurant."
"Baka karendirya na naman." Wala namang kaso sa kanya. Sa totoo lang ay nasarapan naman siya sa ulam nila noon, pero wala siyang plano makipagsiksikan sa masikip na lugar.
BINABASA MO ANG
Herrera Series 7: Owning the Temptress
General FictionNang makulong ang boyfriend ni Roxanne na si Ellis dahil sa rape at frustrated murder. Ginawa niya ang lahat para makalaya ang kasintahan kahit pa gumawa siya ng pekeng ibidensya na maglalayo sa kaso ng kasintahan. But no matter what she do, her boy...