Chapter 14PLANO sanang ayain ni Roxanne si Lucien sa wedding party ng kanyang pinsan kaya naman maaga niyang tinapos ang lahat ng kanyang gawain upang puntahan ito sa bar dahil tiyak na may trabaho ito.
Ngunit pagbaba niya sa kanyang kotse ay tanging 'close' ang sumalubong sa kanya ngunit bukas naman ang pinto.
Kunot noo siyang pumasok at bumungad sa kanya ang mga empliyadong nagkumpulan sa isang lugar. Kanya iyong sinuri at halos lamunin siya ng inis nang makita roon si Lucien.
Tanging brief lang ang suot habang yakap ang isang babae.
Bigla ay umusok ang kanyang ilong. Matalim na tinitigan ang binata. Kusang lumakbay ang kanyang mga mata nang makita ang pagpwesto ng babae malapit sa hita nito, ang isa naman ay nakasandal ang ulo sa dibdib.
Mukhang nag-eenjoy ang lalaki.
"That brute!" Mahinang singhal niya. Mukhang nakalimutan na nito ang kanilang kontrata.
Mga lalaki talaga, kapag babae ang kasama ay nakakalimot talaga. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw niyang mag-asawa. Masasaktan lang siya.
"Ang swerte ni Lucien 'no?" Bulong ng isang empliyado sa kapwa nito. Hindi alintana ang prisensya niya. "Sana may ganyan rin akong katawan."
"Ano ba kayo," suway ni Kol. "Si boss Lucien kasi maalaga sa katawan kaya hindi lumalaki ang tiyan. Kayo kasi kapag may pera, inom ng inom."
"Nagsalita ang hindi umiinom."
Napangiwi siya nang makitang itinaas ni Kol ang damit upang ipakita ang tiyan. Wala siyang nakita na kahit na anong abs rito. "Atleast walang tabs."
Napailing siya saka bumaling sa mga nagpo-photoshoot. Hindi na niya kailangan pang magtanong. Kagagawan iyon ng pinsan niyang si Celeste.
Marahil ay tingin nito na makaka-attract ng customer ang hubad na katawan ng babae at ni Lucien at iyon ang naisip nitong taktika.
"Seriously."
Nakita niya ang paglibot ng mga mata ni Lucien sa paligid hanggang sa dumako iyon sa kanya. Nakita niya kung gaano ito nabigla na makita siya.
"Pam, idikit mo pa ang katawan mo kay Lucien!" Utos ng photographer.
"Like this?" Lumapit ang babae. Ang dibdib nito ay halos ipagduldulan na sa dibdib ng binata.
Bigla ay namutla si Lucien. Nawala sa kanya ang atensyon nito.
Nagtagis ang bagang niya. Sa mga oras na iyon ay nakakapang-usok na ang eksenang iyon at hindi niya alam kung paano niya makukuha ang binata.
Wala sa sariling inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Dumako iyon sa stylist na pinapanood ang photoshoot.
Naglakad siya palapit sa babae. "Excuse me?"
"Yes, ma'am?" Kurap nitong tanong. Hindi alam kung ano ang pakay niya.
"I am also a model."
"Oh, talaga?" Naglandas ang tingin nito sa kabuohan niya. "Ano po ang name—"
"Bibihisan mo ako o tatadyakan kita palabas ng bar na ito?!" Banta niya dahilan para matakot ang babae. "I am not joking."
"S-Sige po, ma'am." Iginaya siya nito sa isang upuan. Tinawag ang hairdresser at makeup artist upang ayusan siya.
Tinanggal niya ang eyeglasses niyang suot. "No need to do my hair, I don't like heavy make up. Pakibilisan."
Aligagang kumilos ang mga ito. Limang minutong natapos ang makeup niya at sinuklayan lang siya ng hairdresser. Pagkatapos ay ibinigay sa kanya ng stylist ang pares ng bikini na kanyang isusuot.
BINABASA MO ANG
Herrera Series 7: Owning the Temptress
Fiksi UmumNang makulong ang boyfriend ni Roxanne na si Ellis dahil sa rape at frustrated murder. Ginawa niya ang lahat para makalaya ang kasintahan kahit pa gumawa siya ng pekeng ibidensya na maglalayo sa kaso ng kasintahan. But no matter what she do, her boy...