Chapter 31
HINDI na nadismaya si Lucien nang pagpunta niya sa bahay ni Roxanne ay wala ito. Ngunit ang tanging ikinadismaya niya ay ang makita ang karatulang nasa harap ng malaking bahay na ilang buwan palang nilang tinirhan.
Malamang ay ang Don ang nagplano niyon. Ang ibenta ang bahay ni Roxanne upang itago ito sa kanya. Iyon ang ginawa ng mga ito nang makalaya si Ellis. At ginawa na naman ng mga ito upang itago sa kanya.
Bagsak ang balikat na napabuntong hininga siya. Isang linggo narin ang nakalipas nang huli niyang makita ang dalaga. Isang linggo na siyang nagpapabalik-balik, nagbabakasakaling makita niya ito at makausap.
Maging ang cellphone number nito ay hindi niya matawagan. Malamang ay nagpalit ito ng numero upang iwasan siya.
Isang araw pa nga lang ay hindi na niya kaya. Palagi niyang naiisip ang dalaga at hindi siya mapakali dahil sa pangamba na kanyang nadarama.
Mabigat ang dibdib niya dahil wala siyang kaalam alam sa kung ano ang nangyayari sa dalaga. Hindi niya alam kung kamusta na ito, kung iniisip rin ba siya nito o kung hindi na.
Pakiramdam niya ay naging impyerno ang buhay niya sa loob ng isang linggo na hindi niya ito nakita.
Kaya naman nagbakasali siya. Hindi niya iisipin kung paano siya nito pakitunguhan. Ang mahalaga ay makausap niya ito.
Ngunit sa isang linggong iyon ay paulit-ulit lang siyang nabibigo. Kung alam lang niya ang opisina nito, baka doon ay makita niya ang dalaga. Pero kahit siguro katiting na swerte ay hindi lalapit sa kanya.
"Kahit masilayan lang kita, Roxanne. Kahit iyon lang sapat na sa akin." Aniya sa sarili.
Naglalakad siya sa gilid ng mall at wala siyang planong igala ang mga mata niya nang marinig ang pamilyar na boses.
Hindi pa iyon klaro sa kanya pero kaagad niya itong hinanap.
Si Celeste kasama ang asawa at dalawa nitong anak. Kalalabas lang ng mga ito sa mall.
Kusang humakbang ang kanyang mga paa nang makakita siya ng pag-asa ng mga oras na iyon. Walang alinlangan siyang lumapit sa mga ito at sinikap ang distansya upang hindi mabigla ang mga ito.
"L-Lu..cien?" Halos ayaw nang sambitin ni Celeste ang kanyang pangalan. Ngunit hindi niya nakakitaan ng pagkadisgusto o galit ang mukha nito. Bagkus ay nag-aalala ito.
Kung anuman ay wala siyang pakialam. Ang mahalaga ay malaman niya mula rito kung nasaan ang dalaga.
"Nasaan si Roxanne? Can I see her, please? Can I talk to her?" Pagmamakaawa niya.
Bumaling si Celeste sa asawa nito. "Mauna na kayo sa kotse. Susunod ako."
Tumango si Aspen bago bumaling sa kanya. Hindi na ito nagsalita pa at binuhat nalang ang dalawang anak saka naglakad patungo sa kung saan.
Napangiwi si Celeste pero ang ngiwing iyon ay nagpapakita ng awa sa kanya. "What happen to you? You looked awful."
Wala siyang pakialam sa hitsura niya. Kung hindi pa siya nakapag-shave o kung maitim na ang gilid ng kanyang mga mata dahil sa gabi gabing hindi siya makatulog. O kung sa pagbawas ng timbang niya dahil sa hindi siya makakakakain ng tama.
Ang tanging nasa isip lang niya ay kung paano mapapatawad ni Roxanne.
"You have to give her time, Lucien. Hindi madali para sa kanya ang mga nalaman." Nanlulumong anito. "I mean, if I were her, I would've confronted you instead. I would just lash on you and smack you in the face. But I am not Roxanne." Napabuntong hininga si Celeste. "You don't know what she have been through. Kapatid niya ang pinag-uusapan natin dito. And the fact that you hide it from her, is even worst."
BINABASA MO ANG
Herrera Series 7: Owning the Temptress
General FictionNang makulong ang boyfriend ni Roxanne na si Ellis dahil sa rape at frustrated murder. Ginawa niya ang lahat para makalaya ang kasintahan kahit pa gumawa siya ng pekeng ibidensya na maglalayo sa kaso ng kasintahan. But no matter what she do, her boy...