Chapter 32
"MAGLALASING ka lang ba buong maghapon?" Inis na kinuha ni Kol sa kanya ang bote na hindi niya alam kung pang-ilan na niya.
Nagkalat ang mga naubos niya sa sala niya at ang ilan naman ay basag na dahil inihagis niya sa sobrang prustrasyon na nararamdaman.
Ngunit kahit ilang bote na ang naubos niya ay hindi pa siya nawawalan ng kamalayan na kanina pa niya gustong makuha. Ngunit dahil sa nararamdaman niya ay hindi niya magawa.
"Balak mo bang patayin ang sarili mo sa alak?" Tanong ni Kol habang pinupulot ang mga bote na nasa sahig. "May magagawa ba 'yan para makausap mo si ma'am Roxanne? Kahit siguro nasa kabaong kana, hindi ka niya kakausapin. Kahit naman ako hindi kita kakausapin dahil hindi ka naman magsasalita."
Mahina siyang natawa. Hindi niya akalaing may sense of humor rin pala si Kol na nakakainis.
"E ano naman ang magagawa ko? Hindi ko alam ang address niya. Ang office niya! Ang bahay at apartment nga niya na tanging daan para makausap ko siya ay ibinibenta na niya." Saad niya saka napabuntong hininga. "Tanda lang na ayaw na niya akong makausap."
"Di'ba kamo ay nakausap mo ang pinsan niya?"
Walang buhay na tumango siya. "Pero ayaw rin nila ibigay sa akin ang address kung nasaan siya. I feel hopeless! Damn it!" Inis siyang napasabunot sa kanyang buhok. Gusto niyang iumpog ang ulo sa maliit na mesang kaharap niya.
Nasasaktan na siya sa parusang ibinibigay sa kanya ng dalaga. Pinapahirapan siya nito at tanggap naman niya iyon. Ngunit dahil sa mahal na mahal niya ang dalaga at takot siyang mawala ito, hindi niya kaya.
Alam niyang dapat ay bigyan niya ng distansya muna ang dalaga upang makapag-isip, pero siya ay hindi mapakali.
Ang isip niya ay naglalakbay sa mga posibilidad na maaring mangyari kapag hindi niya makausap ang dalaga.
Mababaliw siya kung sakali mang hindi na siya mahalin ng dalaga. Mas masahol pa sa kamatayan kung sakali mang hindi na siya nito mahal.
"Magpahinga ka na muna, boss." Suhestiyon ni Kol. "Bukas ay kakausapin ka ng boss natin at baka ibalik ka na sa trabaho. Nakita kasi niya kung gaano ka nahihirapan ngayon at sinabi ko rin ang dahilan. Naisip niya na baka malibang ka kung sakaling may trabaho ka."
"She just gave me a present before."
"Boss?"
"That art room."
"Si ma'am, boss?"
Tumango siya. "Niregaluhan niya ako. Tapos.." Bigla ay bumuhos ang luha niya. Para siyang bata na humihikbi, animo'y pinagalitan ng husto sa sobrang sama ng loob.
"I made her happy.. yet I become her greatest sadness. I hurt her in every worst possible." Hindi niya alam kung paano niya nabibigkas ang mga salita dahil humahagulhol na siya. Pero iyon ang masakit sa parte niya. "I become her greatest disappointment. I don't know what to do anymore."
Hindi niya magawang suklian ang kabutihan ni Roxanne. Hindi niya nagawang maging tapat dahil lamang sa takot siyang saktan ito. Naging makasarili siya dahil ayaw niyang mawala ang dalaga sa kanya.
Pero sa huli, kung kailan napagtanto niya ang lahat ay wala na ang dalaga. Hindi niya alam kung paano niya ito makakausap o paano niya makukuha muli ang pagmamahal at tiwala nito.
"Roxanne!" Napasigaw siya. Isinigaw niya ang pangalan nito. Nagbabakasakaling matangay niyon ang sakit sa dibdib niya. Habang hawak ang dibdib at madiing pinipisil ay sinasambit niya ang pangalan ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Herrera Series 7: Owning the Temptress
General FictionNang makulong ang boyfriend ni Roxanne na si Ellis dahil sa rape at frustrated murder. Ginawa niya ang lahat para makalaya ang kasintahan kahit pa gumawa siya ng pekeng ibidensya na maglalayo sa kaso ng kasintahan. But no matter what she do, her boy...