Chapter 24

7.3K 347 24
                                    

Chapter 24

NAGULAT si Roxanne nang bigla ay may yumakap sa kanya. Halos mapaigtad siya ngunit nang makilala niya ang pamilyar nitong amoy ay hindi na siya nagpumiglas pa.

Kunot noo siyang nag-angat ng tingin sa binata. "What?!" Kunwari ay nagtatampo niyang tanong. "Tapos na ba ang date niyo?"

"Hindi."

"E bakit ka nandito?"

"Because of you."

May kung ano sa puso niya ang nahaplos sa sinabing iyon ng binata. Bahagya siyang napangiti ngunit hindi niya iyon pinahalata sa binata. "Pasalamat ka, pagod ka."

"I am not tired anymore."

"O, e ano naman ngayon?" Taray-tarayan niya.

Nagtataka siya sa inaasta niya. Hindi naman siya ang tipo ng tao na namemeke ng nararamdaman. Kapag alam niyang nagtataray siya ay nagtataray talaga siya, pero ngayon, parang hindi niya ramdam ang pagtataray.

Nagsalubong ang kilay niya nang hindi sumagot ang binata. "Why?"

"Come on."

"Huwag mo akong araw arawin!" Singhal  niya. "Akala mo hindi masakit!"

"Para makabuo ka kaagad."

Natigilan siya. Oo nga pala, iyon ang gusto niyang mangyari. Pero bakit iba ang nararamdaman niya. Sa mga oras na iyon, pakiramdam niya ay naglalaban na ang puso at isip niya.

Hindi na siya ang dating Roxanne na hindi nag-aalangan na madigtahan. Basta alam niya sa isip niya na tama ang gagawin niya.

Ngunit ngayon, sumisigaw ang puso niya.

Nag-iwas siya ng tingin. "Pwede bang saka na muna. Masakit pa kasi e."

"Gano'n ba? That's fine."

"How is that girl?"

"She wet me."

Inis niya itong tinulak saka siya tumayo sa kinauupuan at matalim ang tingin na humarap sa binata. "Nakipag-sex ka?!"

"No. What I mean is.. this." Ipinakita niya ang basang damit. "I told her to stay away from me from now on."

"A, e. Ok. 'di maganda. Nagkakaintindihan tayo." Tumikhim siya. "Kumain kana?"

"Hindi pa."

"Hindi pa ako kumain. Hati nalang tayo."

Matamis na ngumiti ang binata. "Sure."

Kumuha siya ng plato sa hanging cabinet saka iyon hinugasan. Pagkatapos ay ibinigay niya sa binata.

Sabay nilang pinagsaluhan ang kakarampot na take out niya.

Gayunpaman, kakaibang saya ang kanyang naramdaman. Ni minsan sa buhay niya ay hindi siya nakaramdam ng gano'ng saya.

Simple lang naman iyon. Silang dalawa lang naman ni Lucien pero labis na kasiyahan iyon sa puso niya.

"She's a b*tch." Bigla ay sabi ni Lucien.

Mahina siyang natawa. "Buti naman at alam mo? Ano ba ang sinabi mo at binuhusan ka ng tubig?"

"Na may mahal akong iba." Sagot ni Lucien habang abala sa pagnguya ng pagkain.

Natigilan siya. Ang kaninang saya sa puso niya ay naglaho. Animo'y kinurot ng husto ang kanyang puso sa sinabi nito.

"Oh.." nagpanggap siyang hindi apektado, kunwari ay natawa siya. "You are a heart breaker."

"I know." Tugon lang nito.

Herrera Series 7: Owning the TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon