Chapter 39"I AM sorry, mr Ramos. We can't do anything to save her."
Parang nanghina si Lucien nang marinig ang tinuran ng doktor sa kanyang ama. Ang ilan sa mga doktor at nurse ay abala sa pagtatanggal ng mga tubo na nakasaksak sa kanyang ina.
Nasa trabaho siya nang tumawag ang kanyang ama upang ipaalam sa kanya ang kalagayan ng kanyang ina. Kararating pa lamang niya nang makita niya ang pagpasok nang ilan sa mga doktor na ginawa ang lahat para tulungan ang kanyang ina.
Umaalingawngaw sa kanyang pandinig ang tunog ng monitor na walang hinto sa pagtuloy tuloy.
Dinig niya ang paghagulhol ng kanyang mga kapatid at pagtawag ng kanyang ama sa pangalan ng ina.
Siya naman ay tulala lang. Walang boses na mailabas sa kanyang bibig ngunit nagluluksa na ang kanyang puso. Animo'y may kung ano na pumipisil sa kanyang puso.
"Pearl!"
Muli ay tawag ng kanyang ama. Nang makalabas na ang mga doktor sa ICU ay mabilis na pumasok ang ama at mga kapatid niya. Umaasa ang mga ito na babalik pa ang ina.
Ngunit siya.. hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Masakit para sa kanya ang mawalan ng ina, pero magiging makasarili siya kung ipipilit pa niyang pahirapan ang sitwasyon nito kung alam niyang hindi na nito kaya.
Tinanggap nalang niya. Ngunit naroon ang pagsisisi. Ang daming taon, araw at oras na sinayang niya sa pagkakataong makausap at makasama ang ina. Ngunit mas pinili niyang pakinggan ang galit sa puso niya.
Kung meron man siyang gustong ibalik ay ang mga panahong, naging makasarili siya.
Napaupo nalang siya sa bench at yumuko. Tahimik na iniyak ang pagkawala ng ina. Sa puntong iyon ay iyon nalang ang kaya niyang gawin.
Ang mawalan ng mahal sa buhay ang pinakamasakit na mangyayari sa buhay ng isang tao. Lalo na kung ang taong iyon ay sobrang importante sa kanya.
Kahit pa gaano kahanda ang isang tao sa posibilidad, hindi mawawala ang sakit niyon.
Nag-angat siya nang tingin nang lumabas ang kuya Limuel niya. Kaagad siyang tumayo at ito naman ay yumakap sa kanya. Ramdam niya ang sakit sa paghagulhol nito.
"Wala na si Mama."
Hindi siya kumibo.
"Lucien, hindi manlang niya makikita ang apo niya sa'yo."
"Pareho kami."
"Hindi ko manlang nasabi sa kanya kung gaano ako nagpapasalamat na siya ang naging nanay ko. Na mahal na mahal ko siya."
"Me too." Doon ay tumulo ang kanyang luha. Sana ay nasabi manlang niya sa kanyang ina kung gaano niya ito kamahal. Pero huli na ang lahat.
Marahil ay parusa na naman iyon sa kanya ng Diyos. Sa pagiging makasarili niya. Hindi niya iniisip kung ano ang magiging epekto niyon sa ibang tao, ang mahalaga ay naayon sa kanya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na ang kukuha sa kanyang ina. Ang ama niya ay hindi kayang bitawan ang kamay ng ina at kinailangan pa itong hilahin palayo sa nakatakip ng mukha ng ina.
Napaupo nalang ang ama niya sa bench habang hinahagod ng isa sa kanyang mga kapatid ang likuran nito.
"Iki-crimate ang katawan ni Mama." Suhestiyon ng nakatatanda niyang kapatid. "As much as we want to be with her for long, I couldn't bare to see him like that." Baling nito.
"Iyon rin ba ang gusto ni Papa?" Tanong niya.
"It's for the best. Bankrupt tayo at ayaw ko na magkaroon ng utang na loob sa pamilya ng girlfriend mo."
BINABASA MO ANG
Herrera Series 7: Owning the Temptress
General FictionNang makulong ang boyfriend ni Roxanne na si Ellis dahil sa rape at frustrated murder. Ginawa niya ang lahat para makalaya ang kasintahan kahit pa gumawa siya ng pekeng ibidensya na maglalayo sa kaso ng kasintahan. But no matter what she do, her boy...