Chapter 41NAPANGITI at nakahinga ng maluwag si Lucien nang mabasa ang text ni Roxanne.
'Meet me tomorrow. ILY.' na may kasamang heart emoticons
Doon palang alam na niya na magiging maayos na sila. Na bibigyan na siya ni Roxanne ng pagkakataon at makakapagsimula na silang muli kasama ng magiging anak nila.
Sisiguraduhin niya na sa pagkakataong iyon, magiging mabuting asawa at ama siya sa kanyang mag-ina. Gagawin niya ang lahat upang huwag lang ang mga ito masaktan. Lahat ay ibibigay niya kay Roxanne mapasaya lang ito habambuhay.
Nawala ang lahat ng bigat na nararamdaman niya. Kahit papaano ay naibsan ang lungkot at sakit na nararamdaman niya sa mga oras na iyon.
Hindi niya alam kung ano ang meron sa Lolo ni Roxanne at alam na alam nito ang likaw ng bituka ng dalaga. Para bang nanahi lang ito sa panahian na gamit lang ang sariling mga kamay.
"Don't worry, my granddaughter will not gonna leave you."
Noong una ay may aalinlangan pa siya dahil kilala naman niya si Roxanne. Matapang ito at gagawin kung ano ang sinabi.
Ngunit mas kilala ng matanda ang dalaga. Mas alam nito kung ano ang tumatakbo sa isip at puso nito.
'How do you know for sure?'
'Because I am used to them.'
Napukaw ang kanyang atensyon nang tapikin siya ng kanyang kuya Limuel.
"Light a candle for Mom." Anito saka iniabot sa kanya ang kandila at lighter.
Bumaling siya sa larawan ng kanyang ina. May magandang ngiti sa labi, animo'y walang sakit na iniinda.
"And leave a few words too. Bago ka umalis."
Tumango siya saka tumayo. Tinungo niya ang mesa kung nasaan ang larawan at urn ng kanyang ina. May ilan sa bulaklak ang nahulog na sa mga tangkay nito kaya naman kanya iyong pinulot at inilapag sa harap ng larawan ng kanyang ina.
"Too bad you aren't gonna see your grandchild." Mapait siyang napangiti. "Ayokong magkaroon ka ng masamang imahe sa mga anak ko kaya naman iku-kwento ko lang sa kanila kung gaano ka kabuting ina. I am sorry, if I failed you as a son. I know there is a lot of things that I did in the past that you don't really like, but, I know you loved you. Walang ina na hindi kayang patawarin ang kanilang anak kahit gaano pa ako naging pasaway.
"I know you thought of yourself as a failure for failing to raise me as a good person. I know you did everything to put me in the right path but yet, I still failed you. Mom, you didn't. I am a failure for choosing that, but I don't regret it. Because if I didn't choose what I am today, hindi ko makikilala ang babaeng nagpatibok ng puso ko.."
Bumugso ang kanyang damdamin. Ang tapang niya bilang lalaki ay napalitan ng kahinaan. Para siyang bata na humihikbi sa harap ng kanyang ina. Nagsusumbong.
"I miss you already. We haven't had any conversation since we met. Hindi ka na kasi makausap. I couldn't say something because I know I might cry. Baka tuksuhin mo naman ako. How such a crybaby I am when it comes to you.." napaluhod siya at yumuko sa mesa.
Ang kuya Limuel niya ay lumapit at hinahagod ang kanyang likuran.
"I know you are in a better now. Siguro makakahinga ka na ng maluwag kasi hindi mo na ako mapagsasabihan. But I still have a selfish request. Please, Mom, still guide me. Watch over me and my child. Watch me become a good parent. Be proud of me once again! I love you.."
BINABASA MO ANG
Herrera Series 7: Owning the Temptress
General FictionNang makulong ang boyfriend ni Roxanne na si Ellis dahil sa rape at frustrated murder. Ginawa niya ang lahat para makalaya ang kasintahan kahit pa gumawa siya ng pekeng ibidensya na maglalayo sa kaso ng kasintahan. But no matter what she do, her boy...