Chapter 34"GET LOST."
Para siyang nasabuyan ng malamig na tubig sa binitiwang salita ni Roxanne. Ang katiting na pag-asa na meron siya ay naglaho bigla sa kanya.
Akala niya ay bibigyan siya ni Roxanne ng pag-asa. Akala niya, sa sinabi nito ay mapapatawad na siya nito.
Pero mali siya. Kahit siguro pagmamahal ay hindi na kayang ibigay sa kanya ni Roxanne. Kahit siguro isang butil ng tiwala ay hindi narin nito maibibigay sa kanya.
Nalulumong napabuntong hininga siya at tumango. "Naiintindihan ko. It's your decision and I respect it. Masaya ako na pinagbigyan mo ako kahit na papaano. Ayokong mag-explain sa'yo dahil ayokong masira ang paghingi ko ng tawad. After all, kasalanan ko naman."
Kahit ano yata ang gawin niya ay hindi na siya nito mapapatawad pa. Gusto man niyang pakiusapan si Roxanne upang humingi ng ikalawang pagkakataon ay hindi na niya nagawa.
Wala siyang lakas ngayon dahil sa hindi niya maalis sa isip ang kalagayan ng kanyang ina.
Susulitin nalang niya ang oras na kasama niya at nakikita niya ang dalaga. Kahit ngayon lang.
"Buti alam mo." Malamig na sabi ni Roxanne.
Hindi siya sanay sa ganoong pakikitungo ni Roxanne sa kanya kaya naman hindi niya alam kung paano muling magsasalita. Naitikom nalang niya ang kanyang bibig at nag-iwas ng tingin.
Nawala lang ang katahimikan sa kanila nang umupo si Everest sa tabi ni Roxanne. Inilapag nito ang order na para sa kanya.
"Let's eat."
"S-Salamat."
"How's your Mom?" Bigla ay tanong nito sa kanya. "Sabi mo ay narito siya sa ospital."
"Salamat sa iyong Lolo."
Hindi siya humingi ng tulong rito. Ito mismo ang tumulong sa kanila. At kahit na gusto niyang tanggihan ito ay ito pa mismo ang nagpumilit. Nalaman nalang niya na nasa isang private hospital na pala ang ina niya nang muli niya itong bisitahin.
"Kamusta naman ang lagay niya?"
"Ayos naman." Sabi nalang niya. Kahit ang totoo ay isang buwan nalang ang natitirang araw ng kanyang ina.
Ayaw niyang gamitin iyon upang bigyan siya ng simpatya ni Roxanne. Isa pa, hindi naman niya alam kung magdadalamhati ba ito sa ina.
Tumango lang si Everest saka bigla ay sumeryoso. "Bakit hindi mo isama si Lucien sa pupuntahan mo, Roxanne?"
Bumaling siya kay Roxanne. Nagtatanong. Pero ang dalaga ay hindi siya tinapunan ng tingin. "Kaya ko mag-isa."
"Saan ka pupunta?"
"It's none of your business." Ingos ni Roxanne. Mukhang wala itong balak na isama siya sa usapan.
Ngunit mukhang hindi iyon ang nasa isip ni Everest. "Roxie here is going to Tondo, Manila."
"Taga Tondo sila?"
"Just her." Kibit balikat na sagot ni Everest.
"Alam mo?" Inis na bumaling si Roxanne sa kapatid. "And you never told me?" Inis itong sumulyap sa kanya. "Pareho lang kayo."
"Aba, huwag mo akong itulad sa kanya. I am just protecting you!"
"From what?"
"From her. Advice ko lang sa'yo, bilang kapatid mo. Walang patutunguhan ang paghahanap mo sa kanya." Seryoso nitong saad. "She isn't the type of woman who you can call a 'mother'."
BINABASA MO ANG
Herrera Series 7: Owning the Temptress
General FictionNang makulong ang boyfriend ni Roxanne na si Ellis dahil sa rape at frustrated murder. Ginawa niya ang lahat para makalaya ang kasintahan kahit pa gumawa siya ng pekeng ibidensya na maglalayo sa kaso ng kasintahan. But no matter what she do, her boy...