Chapter 20

7.8K 313 19
                                    

Chapter 20

"I AM not virgin anymore." Paulit ulit na sambit niya  habang nakatitig siya sa malaking salamin. Pinapasadahan niya ng tingin ang kabuuhan niya.

Bawat parte niyon ay nahagip ng binata. Mula sa kanyang dibdib, hanggang sa ibaba.

Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig nang maalala kung ano ang pinag-gagagawa niya. Hindi naman siya lasing pero nagpaubaya siya sa binata.

Iyon pa lamang ang kauna-unahang beses na nagawa niya iyon, ngunit animo'y eksperto na siya sa pakikipagtalik.

"Sa kotse." Usal niya.

Kung titingnan, hindi kaaya aya sa isang katulad niya na makipag-sex sa loob ng isang sasakyan. Sinong matinong babae ang gugustuhing makuha ang pagkabirhen sa sasakyan?

Paano nalang kung may ibang tao roon at kinukunan sila ng palihim? Paano kung kumalat at makita ng mga kakilala niyang abogado? O di kaya ay ng Daddy niya?

Napasabunot siya sa kanyang buhok. Gusto niyang kutusan ang sarili. "Ugh! Stupid, Roxanne. So stupid."

Kapag-kuwa'y nakagat niya ang kanyang labi nang muli ay maalala ang nangyari sa kanila ni Lucien.

Hindi niya akalaing gano'n pala ang pakiramdam kapag matikman ang sex. Parang pinagbabawal na gamot na hahanap hanapin ng sinumang makatikim nito.

Sa umpisa ay hindi maipaliwanag na sakit, ngunit naroon ang sarap. Kakaibang langit ang naranasan niya. Dinala siya ni Lucien sa isang paraiso na gusto niya muling balikan.

Tumikhim siya nang mapagtanto kung ano ang iniisip niya. Marahas siyang umiling upang alisin ang maduming iniisip.

Hindi siya dapat magpaapekto. Hindi niya dapat hanap hanapin ang binata. Hindi dapat siya masanay sa kung ano ang naibigay nito sa kanya dahil alam niyang pansamantala lang iyon.

Matatapos rin kapag may nabuo na sa sinapupunan niya. Bago dumating ang araw na iyon, kailangan niyang itatak sa isip niya na si Lucien ay nandiyan lamang para bigyan siya ng anak.

Wala ng iba.

Akala ni Roxanne ay mawawaglit na sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Lucien kagabi. Ngunit pati rin sa trabaho niya ay bumabagabag parin ang binata. Iginugol na niya ang sarili sa trabaho at kung anu ano pa na pwede niyang pagka-abalahan.

Ngunit ang gabing iyon na kanilang pinagsaluhan ay malinaw na lumalabas sa kanyang isip.

Dahil doon ay ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang katawan. Pagkibot ng pagkababae niya kapag lumalabas sa imahe niya ang ginawa ni Lucien sa kanya.

"Shit!"

Inis na napatayo si Roxanne sa kanyang swivel chair at lumabas. Walang mangyayari sa kanya kung gano'n ang takbo ng isip niya. Hindi siya makakapag-concentrate sa trabaho.

Tumayo ang kanyang sekretarya nang makita siya. "Attorney?"

"I am going out." Anunsyo niya.  "Isend mo nalang sa email ko kung meron mga bagong kaso na darating. Kung wala naman ay maari ka ng umuwi."

"Sige ho. Ingat ho."

Tango lang ang itinugon niya bago tuluyang lumabas.

Sa totoo lang ay wala naman siyang naisip na lugar na pwedeng puntahan. Hindi niya makausap si Celeste dahil alam niyang masama ang loob nito sa kanya. Hindi naman siya pwedeng magkwento sa kuya niya dahil lalaki ito.

Kung sa ina naman niya, magiging awkward lang sila. Masyadong sensitive ang pag-uusapan nila para sa kanya.

Bumuga siya ng marahas na hininga nang mapagtanto kung nasaan siya. Sa lahat ba naman ng lugar at taong gusto niyang makausap ay bakit ang pinsan pa niyang si Sera ang naisip niya na makakausap niya ng matino.

Herrera Series 7: Owning the TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon