Chapter 30
NANIGAS si Lucien sa kinatatayuan nang makita ang mga tingin ng mga Herrera sa kanya. Para siyang hinahatulan sa uri ng mga tingin nito sa kanya.
Gusto niyang yakapin si Roxanne at gusto niyang siya ang magbuhat rito. Gusto niya na makausap ito at magpaliwanag. Wala siyang pakialam kung magalit ito sa kanya.
Ngunit ang mga tingin ng naiwang Herrera roon ang siyang nagpahinto sa kanya.
Ang ina ni Roxanne ay nawalan rin ng malay. Si Eros at Celeste kasama ni Everest ang siyang umalalay kay Roxanne palabas ng hall.
"S-Sir." Sambit niya sa matandang Herrera na siyang hindi tumapon ng tingin sa kanya. Bagama't nagpapasalamat siya roon ay hindi naman niya maiwasang mag-alala. Alam niyang nadidisgusto ito sa prisensya niya.
"It's you." Malamig man ay ramdam niya ang galit. "Because of you, I lost my grandson."
"Sir—"
"At alam mo kung ano ang ginagawa ng pamilya mo. Kaharap mo na kami pero hindi ka nagsalita? Ginawa mo kaming tanga!"
"That's not true, sir." Depensa niya. "Sasabihin ko naman—"
"Kailan mo sasabihin?! Kung kailan malamit na akong mamatay?! O kung kailan mahal ka na ng apo ko?!" Nang-gagalaiti itong tumingin sa kanya. Ang mga mata ay nag-aapoy at kulang nalang ay sunugin siya. "I trusted you, Lucien! How long are you going to make us believe with your lies?!"
Ang lahat ng naroon ay hindi nagsalita. Animo'y ang matanda lang ang may karapatang humatol sa kanya.
Napatungo siya sa labis na takot. Ang matandang Herrera ay kakaiba kung magalit. Iyon ang napagtanto niya ng mga oras na iyon. Mas grabe pa sa korte kung saan siya nahatulan. "Wala ho akong intensyong ilihim 'yon."
"To think that I owe you for saving my grand-daughter for years ago!" Mapakla itong natawa. "To think that I thought you can make her happy!"
Hindi siya nakapagsalita. Wala siyang maisagot sa matanda. Sa mga oras na iyon, hindi na niya alam kung kaya pa ba niyang pasayahin si Roxanne. Pagkatapos nitong ibigay sa kanya ang lahat lahat, ay nagawa pa niya itong saktan.
Dahil lang sa hindi niya nasabi ang nangyari noon. Ang tanga niya.
"And now, hindi lang si Roxanne ang nahihirapan! Pati narin ang ina at ama niya! You brought that trauma they'd been wanting to forget!"
"I am sorry, sir.."
"Your sorry can't change the way how we feel." Si Sera ang nagsalita. "We graved for our loss, we cry and we never get the justice he deserve. After all these years, you knew exactly who we are, yet you stayed silent? Paano mo nasisikmura na tingnan kami isa isa gayong alam mo sa sarili mo na may atraso ka sa amin?"
Wala siyang masabi. Ang mga tingin ni Sera ay malamig at nagbabadya.
"Huwag ka ng magpakita pa sa apo ko!" Hindi iyon utos. Isa iyong pagbabanta sa kanya. "Dahil nasisiguro kong hindi mo magugustuhan ang susunod kong gagawin. Umalis ka na sa harapan ko at kunin mo na ang mga gamit mo! Huwag ka ng magpapakita sa amin, naiintindihan mo ba?!"
"No, sir." Matapang niyang sagot.
"What's that?"
"Malaki ang atraso ko sa inyo, pero hindi ho ako ang tipo ng tao na susuko sa pangako kay Roxanne." Aniya. "I know that sorry doesn't erase what my parents did in the past. At hindi na maibabalik pa si Sebastian, pero.. alam ko na mahal ako ni Roxanne at makikinig siya sa paliwanag ko."
"What the hell are you talking about, boy?! You broke my grand-daughter's heart! Wala kang karapatang sabihin 'yan dahil sinira mo ang tiwala niya! Do you think she can forgive you? No! Kasusuklaman ka lang niya!"
BINABASA MO ANG
Herrera Series 7: Owning the Temptress
Ficção GeralNang makulong ang boyfriend ni Roxanne na si Ellis dahil sa rape at frustrated murder. Ginawa niya ang lahat para makalaya ang kasintahan kahit pa gumawa siya ng pekeng ibidensya na maglalayo sa kaso ng kasintahan. But no matter what she do, her boy...