Chapter 10
NAKATANGGAP si Lucien ng text mula sa isang unknown number. Binuksan niya iyon upang basahin. Ang laman ng text ay address ng isang bahay sa isang village at pinapamadali siya ng sender nito.
Napabuntong hininga siya. Hindi man nakasulat ang pangalan ng sender ay naririnig niya mula sa sulat ang boses nito.
Mula iyon kay Roxanne.
'I'll be there.' tugon niya sa text. Ibinulsa ang cellphone at bumaling sa kanyang boss. "Aalis muna ako boss. Ibawas niyo nalang ang sahod sa oras na nawala ako."
"Saan ka pupunta? Malapit ng mag-hapon at kailangan kita rito."
"Si Roxanne ho kasi.." iyon palang ang kanyang sinabi ay tinawag na nito si Kol.
"Si Kol na bahala sa pwesto mo."
"S-Sige ho." Tinanggal niya ang suot niyang apron at kaagad na nagtungo sa staff room upang magpalit.
Nang matapos ay kaagad na umalis at bumyahe patungo sa village. Hindi kalayuan ang village sa bar nila kaya mabilis lang siyang nakarating.
Sa entrance ng village ay may dalawang security guard na nagbabantay at ang isa ay sumalubong sa kanya. "Sir, saan ho ang punta niyo?"
Ibinigay niya ang address ng bahay.
"May I.D ho ba kayo?"
Ibinigay niya ang kanyang I.D at tiningnan naman ng security guard. Inilagay nito iyon sa loob ng guard house at mulang bumalik sa kanya.
"Sir, pasok na ho. Sa kaliwa hong daan tapos kakanan ho kayo sa pangalawang kanto. Hanapin niyo nalang ho ang
"Salamat ho." Aniya at naglakad papasok.
Habang naglalakad ay hindi niya maiwasang tapunan ng tingin ang mga bahay. Simple lang naman ang mga ito ngunit magaganda ang disenyo. Hindi mayabang ang dating ngunit sakto ang ganda at hindi masakit sa mata.
Lumiko siya sa ikalawang kanto sa kanan saka hinanap ang numero ng bahay. Ika-lima ang bahay na tinukoy sa address at gano'n nalang ang pag-awang ng kanyang labi nang makita kung gaano iyon kaganda.
Malawak, malaki at mayabang. Iyon ang kanyang masasabi sa bahay na nakikita ng kanyang mga mata. Dapat ay hindi na siya nagulat pa dahil si Roxanne Herrera iyon. Ngunit ang babaeng iyon ay hindi nabibigong pamanghain siya sa kahit na anong bagay.
"What you lookin for?"
Napakurap siya at napabalik sa kanyang huwisyo. Nasa harap ng gate ng kabilang bahay ang nakangising si Roxanne. "That is not my house."
"Bakit ito ang nakasulat na address?"
Nagkibit balikat ang dalaga. "Namali ko ang numero."
Sumama ang mukha niya. "Mabuti nalang pala at hindi ko pa napipindot ang doorbell. Baka napahiya pa ako kapag hinanap ko ang taong wala naman pala sa loob."
Mahinang natawa si Roxanne. "My bad."
Naglakad siya palapit rito. Iniwan ang napakagandang bahay na kanina'y kaharap niya.
Nag-angat siya ng tingin sa bahay na kaharap niya ngayon.
Simple. Iyon ang kanyang napansin sa bahay. Pero hindi iyon ang inaasahan niya kay Roxanne.
"This house belong to me."
"It's.."
"Small? One story house? Bungalow?"
"Yeah. I supposed you could say that."
"Mukha ba akong mahilig sa matataas na bahay? Ako lang namang mag-isa so bakit pa ako mag-aabalang magpagawa ng malaking bahay." Niluwangan nito ang pinto. "Get in."
BINABASA MO ANG
Herrera Series 7: Owning the Temptress
Fiksi UmumNang makulong ang boyfriend ni Roxanne na si Ellis dahil sa rape at frustrated murder. Ginawa niya ang lahat para makalaya ang kasintahan kahit pa gumawa siya ng pekeng ibidensya na maglalayo sa kaso ng kasintahan. But no matter what she do, her boy...