A/N: Goodmorning/Goodevening!Chapter 40
NAGKAROON ng katahimikan sa pagitan ng pamilya ni Lucien at ni Roxanne, hindi dahil sa lungkot at pagdarasal sa namayapang ina ni Lucien kundi dahil sa tensyon na namutawi sa pagitan nila ng pamilya ng binata. Lalo na sa ama ni Lucien na ilag ang mga mata sa kanya.
Ang iba naman sa pamilya ni Lucien ay abala sa pag-aayos sa mesa kung saan ipinatong ang larawan at ang marble urn ng abo ng ina ni Lucien. Sa gilid niyon ay mga iba't ibang uri ng bulaklak.
Gusto niyang sumbatan ito ama ni Lucien. Nararamdaman niya ang galit na lumulukob sa kaibuturan ng kanyang puso, pero mas pinili niyang manahimik.
Wala siya sa lugar para mag-iskandalo at hindi iyon ang tamang oras para roon.
Nawalan rin ang mga ito at kailangan ng mga ito ng pribadong katahimikan. Kaya naman tumayo siya saka bumaling kay Lucien. "Uuwi na ako."
"Are you sure?"
Tumango siya. "Yes." Saglit niyang binalingan ang pamilya ni Lucien. "I am sorry for your loss."
"S-Salamat sa pagpunta." Nautal na ani ng ama ni Lucien.
Tumayo si Lucien upang ihatid siya sa labas. "Gusto mo bang ihatid kita sa inyo?"
"No." Tanggi niya. "Kailangan ka ng pamilya mo. Mas maiintindihan ko kung mananatili ka muna rito. I really need to go because.."
"I can feel it."
"I hope you understand."
Tumango ang binata. "Ofcourse. I am sorry."
"Bakit?"
"Kailangan mo pang mapunta sa sitwasyon na hindi ka komportable."
"It's fine. I am used to it." Hinaplos niya ang pisngi ng binata. "I am here for you."
"Narito ka pa rin ba sa tabi ko sa mga susunod na araw?" Natigilan siya sa sagot ng binata. "I mean, pagkatapos namin na isaboy ang abo ni Mama, mananatili ka parin ba sa tabi ko?"
"Lucien.."
"I don't want to beg or to force you to be with me. But.. I just can't bare losing you." Nakaramdam siya ng awa. Alam niyang hirap na hirap na ito sa sitwasyon nilang dalawa. Gano'n rin naman siya. Higit kanino man, alam niya ang hirap na hindi kasama sa tabi niya ang binata.
Lalo na ngayon na nagdadalang tao siya.
"Can we start over again? I promise! No lies, no secret! I will tell you everything.. just please, Roxanne. Be with me again." Pagmamakaawa ni Lucien. "Give me another chance. Please."
Akma itong luluhod nang agad niyang kinuha ang magkabilang braso nito upang pigilan ito.
"Lucien! Don't do that! Huwag kang lumuhod sa akin." Hindi niya naiwasang mainis sa kanyang sarili. Hindi niya akalaing makikita niya si Lucien sa ganoong sitwasyon.
Muli na namang humikbi ang binata. Magkakahalong emosyon ang nakita niya sa mga mata nito. "I don't know what to do anymore. Nauubusan na ako ng solusyon. Hindi ko alam kung paano ko pa makukuha ang tiwala mo. Natatakot ang mawala ka. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay kung wala ka, kung hindi kayo ng anak ko ang makakasama ko sa habang buhay."
"Still. You don't have to kneel!"
"I have to. Kung iyon lang ang paraan para mapatawad mo ako, gagawin ko."
"Napatawad na kita, Lucien. It's just that—"
"Please, Roxanne. I beg of you. Handa akong maghintay, sabihin mo lang sa akin na mahal mo parin ako—na ako parin ang mahal mo."
BINABASA MO ANG
Herrera Series 7: Owning the Temptress
Ficción GeneralNang makulong ang boyfriend ni Roxanne na si Ellis dahil sa rape at frustrated murder. Ginawa niya ang lahat para makalaya ang kasintahan kahit pa gumawa siya ng pekeng ibidensya na maglalayo sa kaso ng kasintahan. But no matter what she do, her boy...