Chapter 22

7.5K 341 15
                                    

Chapter 22

HALOS malaglag ang panga ni Lucien nang makita nito ang mataas na gusali ng Herrera Empire. Ang kulay asul na fiber glass nito sa buong gusali ang siyang nagpatingkad sa halos tatlong dekada ng nakatayong gusali.

Hinila niya ang binata papasok sa loob ng malawak na entrata ng gusali. Sinalubong sila ng dalawang gwardya na may uniporme ng mismong kompanya nila.

Malawag ang lounge area ng kompanya at kumikinang sa sobrang linis ang bawat paligid. Sa iba't ibang sulok ng gusali ay may mga statwang nakatayo at mga paintings na nakasabit sa bawat pader.

Sa gitna ng mataas na ceiling ay kumikinang ang mahabang chandelier.

"Goodmorning, miss Roxanne." Bati sa kanya ng isa sa mga gwardya.

Sinamaan sila ng dalawa hanggang sa elevator. Ito na rin ang pumindot para sa kanila. Hindi na ito nagtanong pa kung saang floor sila tutungo, pinindot nito ang penthouse na siyang pinakamataas na floor sa buong gusali.

"Penthouse?"

"Office ng Lolo ko."

"Oh." Hindi niya ramdam ang alinlangan sa tinig ni Lucien. Animo'y nakahanda itong harapin ang Lolo niya.

"Seems like you are looking forward to meet my grandfather."

"I've met him already."

"Iba parin kapag nasa opisina siya."

"Talaga?"

Tumango siya. "He is the most ruthless old man I have ever met. Istrikto siya sa opisina. Ayaw na ayaw niyang nakakakita ng kalat at kung anu ano."

Huminto ang elevator sa 36th floor. Hindi pa roon ang floor na kanilang bababaan. Nang bumukas iyon ay bumungad sa kanya ang limang kababaihan na nagtatawanan sa kanyang harapan.

Nahinto ang mga ito nang makita siya.

"G-Goodmorning, miss."

Tumungo ang mga ito nang pumasok. Kita niya ang pag-aalangan sa galaw ng mga ito.

Napaatras sila ni Lucien upang bigyan ng espasyo ang mga babaeng pumasok.

"So, what's the gossip?" Kapagkuwa'y tanong niya sa babaeng nasa harap niya.

Aligaga itong humarap sa kanya. "M-Miss?"

"Hindi ba at oras ng trabaho? Bakit kayo nagti-tsismisan? Sumasahod rin ba kayo diyan?"

Nabalot ng kakaibang tensyon ang kabuuhan ng elevator. Kinuha ni Lucien ang kamay niya at siniklop iyon sa kamay nito.

Bumaling siya sa binata. "Leave them alone."

Muling bumukas ang pinto at sabay sabay na lumabas ang lima. Nagsara muli at umandar paakyat ang elevator.

Mahinang natawa si Lucien. "Pwede ka ng maging boss ng kompanyang ito."

"Yes, this company will be mine."

Namamanghang tumitig sa kanya ang binata. "What?"

"Yes, Lucien. Kung ano ang nakikita mo ay magiging pagmamay-ari ko. So, you better give me a child or else.." inalis niya ang kanyang kamay sa kamay ng binata. "I will loss my share."

Napalunok ang binata.

Nang bumukas ang elevator ay humakbang na siya palabas at sumunod naman sa kanya ang binata.

Hindi kalayuan sa elevator ang isang nakasara at kulay puting double door. Sa gilid niyon ay may gwardya nakabantay na siyang nagbukas ng pinto para sa kanila.

Herrera Series 7: Owning the TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon