Chapter 11

233 11 1
                                        










I'm getting prepared for tonight. Balita ko ay pupunta din si Leonel kasama daw si Mateo. Pakiramdam ko ma didistract nanaman ako mamaya pero may parte sakin na excited ako.


I wear high waisted maong shorts and black off shoulder. Wedge white heels, hinayaan ko lang na ilugay ang buhok ko.


Sumakay na ako sa kotse ko at nag tungo sa hotel para sunduin ang mga kaibigan ko. Si Rasheed ay mag isa na lang daw pupunta doon dahil may inaasikaso pa siya.


" pupunta iyon diba? " tanong ni Pure habang todo ayos sa likod. He was talking about Leonel.


Malakas na talaga ang tama nito. Napailing na lang ako. Hindi mahirap gustuhin si Leonel o hangaan. Mabait at matalino, magaling pa makisama.


" oo nag text sakin. " sabi ko habang tuloy lanh sa pag mamaneho.


" his brother looks intimidating, hindi ko alam na close mo din pala iyon. " aniya.


Napakagat ako sa labi ko. Did she saw us in the pool awhile ago? Hindi din naman nag tagal ang hawak ni Mateo sa bewang ko ngunit tuwing naalala ko iyon ay ninenerbyos ako.


" yeah. Anak sila ng business partner ni papa. They are free to visit the hotel. " sabi ko na lang.


" inaya ko yung Leonel mag basketball. Sabi niya pumunta daw tayo sa kanila dahil may club house doon. Samahan mo kami, Seanel. " ani Gavin.


Napataas ang kilay ko. Everything is smooth between Leonel and my friends kaya bakit pa kailangan ng presensya ko don?


" titignan ko. "


" bisita mo kami at kaibigan mo yun kaya sasamahan mo kami. " dagdag pa nito.


Hindi na lang ako sumagot at nag pokus sa pag mamaneho. Patungo kami doon sa bar kung saan ako dinala ni Leonel kasama ang mga kaklase namin.


Isang oras mahigit ang byahe at nang makarating kami don ay tanaw na namin ang madaming nag papasukan na customer.


" i reserved a VIP room, andon na din si Leonel sa 3rd floor. " ani ko. Kita ko nanaman ang naglalarong ngiti sa labi ni Pure.


Nang makapasok ay nakipag siksikan pa kami patungo sa elevator. Malawak ang bar na ito kumpara sa pier 7 na may ikalawang palapag lang.


Dito ay aabot sa 6 at puro kwarto at KTV na ang taas. Sa last floor naman ay may swimming pool at disco din.


Nang makaakyat kami ay kita ko agad si Leonel na nag aabang. He was wearing a stripes polo na long sleeve at hindi hanggang kwelyo ang butones nito. Bagsak din ang itim niyang buhok.


Nasa likod ko si Pure ngayon na paulit ulit ang pamumuri kay Leonel.


" pare. " bati ni Jiro at Gavin kay Leonel at inanyayahan kami makapasok sa pina reserved ko.


It has a dance floor, KTV and it also has a bathroom. Malaki at malawak ang sofa na nakapaikot sa bawat sulok ng pader at malaking lamesa.


It was also a unli drinks and food. They are free to order everything.


" asan ang kapatid mo? " tanong ni Pure.


" nasa baba, nasa mga kaibigan niya siguro. " ani Leonel. Hindi siya sasama dito?


Oh. Parang bumagsak ang balikat ko sa narinig ko. Ano pa pala ang silbe ng todo ayos at pag papaganda ko?


The Last Chase (Leon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon