Chapter 1

1.3K 25 2
                                    








Takbo, hindi ko na ininda ang sakit ng mga hita at paa ko pati ang habol ko sa pag hinga. Panay ang mga talon ko sa mga pader na nakaharang sa iskinita.


Umakyat ako sa bubong at tumalon sa bubuong na katabi ng pinanggalingan ko, i even cursed ng mutikan ako magkamali ng tapak.


Tuloy tuloy lang ang ginawa ko hanggang sa walang katabing bubong ang pagtatalunan ko kaya no choice ako kung hindi bumaba.



Hindi nag kasya sang sasakyan ng polisya sa mga maliliit na iskinita at mga dikit dikit na bahay.



Napangisi ako ng walang naka bantay sa pinag lusutan ko, panay pa rin ang sunod sakin ng tatlong pulis. Hinihingal at napapagod na ako!



Nang makarating ako sa katabing iskinita ay nasilayan ko ang bike na hindi naka lock kaya agad kong sinakyan yun at nag pedal ng mabilis.



Kung sino man ang may ari neto ay papalitan ko na lang!



Kahit papaano ay naginhawaan ako sa nasasalubong kong simoy ng hangin, hinayaan ko ang maitim kong buhok na nakalugay.



Hindi pala masama ang mag pahabol sa pulis.. madalas.



Sinubukan ko silang lingunin saglit napangisi ako ng hindi na sila nakasunod. Mabuti! Asan ba ang kotse nila?



Dumaan ako sa tulay na nag sisilbing gitna ng dalawang lugar, pinagmasdan ko ang nakalagay sa itaas na 'welcome Leon'



Pag tingin ko sa kanan ko banda ay ang malawag na karagatan, madilim na at tanging mga puting ilaw na lang ang nag bibigay liwanag.



Bigla kong naalala na hinahabol pala ako ng pulis kaya mas lalo ko pang binilisan ang pag padyak ko.



Hindi ako dapat makampante dahil anytime ay susunod ang mga iyon, bigla akong na touch ng maisio ko yon.



Ni hindi man lang ako mahuli ng mga asungot.



Pero syempre i won't get caught! Yari ako sa tatay kong tumatakbong mayor sa lugar namin pag nag kataon!



Muli kong iniliko ang bike sa mabatong daanan. Puro bahay na ang dinadanan ko dito at ang mga bahay diti ay ilang metro ang layo sa isa't isa.


" shit! " mura ko ng biglang may pumutok sa gulong kaya no choice ako kundi bumaba at tumakbo muli.


Sa kamamadali ko ay hindi ko inalala ang mga matutulis na bato sa daanan kaya pumutok ang gulong, hayaan na at papalitan ko naman.


Nang makasiguro akong walang nakasunod na pulis ay kumalma ako at naupo saglit sa gilid. Hinubad ko ang itim na leather jacket at tanging white sando na lang ang natitira sakin.


I'm freakin thirsty!


Pinakikot ikot ko ang jacket para paypayan ang sarili ko. Ghad! Bakit ba kasi dito ko naisipan iliko ang bike?


Nang mapahinga ko ang mga tuhod at hita ko ay nagsimula na akong mag lakad, pero dahil kampante akong wala ng nakasunod ay mabagal lang ang lakad ko.


Iniisip ko na ngayon kung paano ako makakuwi, i only have 20 pesos left.



May nadaanan akong malaking bahay, namangha ako sa itsura at pagkakapinta dito. It's seems like its rare to see a mansion like this, oo mansion!


The Last Chase (Leon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon