Chapter 4

260 16 1
                                    








Pasukan na ngayon sa LU, maaga ako nagising at nagtungo sa University para malaman ang schedule ko. First day palang naman ngayon kaya lahat ng shift ng pang umaga, pang gabi, at pang hapon ay sabay sabay.


Si Rasheed ang kasabay ko patungo doon, since i'm still unfamiliar with the place ay sinamahan niya ako.


Kinakausap at binabati niya ang sinumang makakasalubong namin na kakilala niya. Nakasunod lang ako sa likod niya at panay ngiti.


" girlfriend? " he's male friend ask.


" a friend. " ngisi ni Rasheed.


Nang malagpasan na namin silang lahat ay sinamahan niya na ako para hanapin ang first class ko and it was really tiring.


L.U Is a big school that has three buildings, malawak din ang field nito kaya ilang hakbang pa ang gagawin mo para makatapak sa building nila.


Panay ang tingin ko lang sa mga numero ng pintuan at binabalikan ang schedule ko.


" sasabihin ko sayo pag nandito na tayo sa class mo, wag ka magpakahirap jan. " ngiti ni Rasheed sakin.


Tumango ako na parang nahihiya pa dahil sinamahan niya pa ako ngayon imbis na dumiretso siya sa klase niya.


Nang makarating kami ay hinarap ko na siya. " you can go now Rasheed.. i'm okay here. " ngiting ani ko.


Tumango ito. " sabay tayong umuwi, ihahatid kita sa inyo. "


Nag paalam na ito kaya pumasok na ako. Pag kapasok ko ay tahimik ang lahat at may iilan lang magkakakilala. Napakapit ako sa strap ng shoulder bag ko. Where should i sit?


Natanaw ko ang upuan sa dulo katabi ng malawak na bintana. Dito nalang siguro ako uupo para tanaw ko ang labas.


Sunod sunod na din ang pasok ng mga estudyante hanggang sa mag simula na ang class. Hindi naman kailangan mag introduce yourself pa kaya kaunting reminders lang ang nangyari.


It was also required to join a club, doon ako bigla na excite dahil gustong gusto ko sumali sa English club, at maging journalist roon.


First day palang ay kailangan na mag pair up into two para sa groupings sa sususnod na araw. Pinagmasdan ko ang lalaking katabi ko, he looks bright and fun to be with.


" hi? May partner ka na ba? " i shyly approached him.


Bumilog ang bibig nito parang hindi makapaniwala na nagsalita ako. Tinaas ko ang dalawang kilay ko because i'm waiting him to response.


" s-sure wala naman problema. " ngiti niya sakin kaya napangiti ako.


We went along sa buong oras. Nang mag break time na ay tsaka ko lang naalala na hindi ko natanong ang pangalan nito.


Pag labas ko ng room ay nagulat ako ng makita ko kung sino ang mag aabang. I saw Mateo wearing a L.U uniform, nakabagsak ang hanggang balikat nitong wavy na buhok.


Nag palinga linga ako sa paligid dahil baka hindi naman ako ang inaantay niya. He may know someone from this class.


Lalagpasan ko na sana nang hawakn niya ang siko ko, ramdam ko ang mga titig ng mga tao samin dalawa. Hindi pala sakin, sa kanya.


" bakit? " kunot noong tanong ko.


" sasabay ka sakin umuwi mamaya, we will have a dinner. "


The Last Chase (Leon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon