Uno: The Vanished

46 4 0
                                    

1...2...3... Say Cheese!!

Ako si Johan Vedo, 16 years old, nag aaral sa isang pampublikong paaralan. Sabado ngayon at walang pasok kaya ang ginagawa ko ay naglilinis ng bahay. Di naman kasi ako tulad ng ibang estudyante na tuwing walang pasok ay gumagala at nag paparty. Ngunit isang araw habang nag lilinis ako sa bakuran namin ay may nakita akong isang maliit na kahon, tinignan ko kung may pangalan ba ngunit wala ito kaya ang ginawa ko nalang ay binuksan ko at nag babasakaling ang laman nito ang magtuturo kung kanino ba talaga ang malit na kahon, ngunit pag bukas ko ay isang kamera ang nakita ko at in-on ko kaso mukhang walang baterya. Pangarap kong mag karoon ng sariling kamera kaya kahit ayaw ko man at alam kong mali tinago ko ito at inangkin, wala naman pangalan kung kanino ito at baka hulog na ito ng langit sakin.

Lunes na at nagising ako sa sigaw ng aking nanay, naligo at nagbihis na ako para makapag handa sa eskwelahan. Dinala ko ang kamera upang makabili ng charger at upang makapag picture sa mga kaibigan ko at sa mga lugar na madadaanan kong makakapukaw ng aking atensyon.

Dumating ako sa eskwelahan at dumiretso sa room 103 dahil yun ang room namin. At pag pasok ko ay agad kong linapitan si Esteban para kausapin sya. Ako nalang pala ang kulang sa grupo naming mag kakaibigan.

"Teban! Pagkatapos ng klase samahan mo ako sa mall para bumili ng charger ng kamera ko" aniya ko kay Esteban Gomez, matalik na kaibigan at kababata.

"Mall?! Sama ako!! Miss ko na mag shopping at may bibilhin din ako sa Watsons" masayang sabi ni Khryssa Diaz, isa din sa mga kaibigan ko.

"Shopping nanaman Yssa? Alam namin mayaman ka pero tipid tipid din pag may time" Ani naman ni Mark Nasay, kaibigan ko at may lihim na pag tingin kay Yssa, ako lang ang nakakaalam na may gusto sya dito.

Natapos ang klase at dumiretso agad sa mall para makabili. Napakadaming tao dito sa Mall kahit na lunes palang. Tinuro ni Teban yung isang stall na nag bebenta ng iba't ibang klaseng gadgets habang sina Yssa at Mark ay pumunta sa Watsons

"Ate, meron po ba kayo charger nito?" ipinakita ko kay ate yung kamera ko upang masuri nya kung anong klaseng charger ang nababagay sa kamera ko.

"Napaka swerte mo pogi at nag iisa nalang ito, P200 pesos lang"

Agad akong nag bayad at umalis na kami sa stall at pinuntahan sina Mark. Saktong kadating namin sa Watsons ay tapos na mamili sina Mark at kitang kita sa mukha ni Yssa ang kagalakan samantalang taliwas naman ito sa itsura ni Mark ngunit nag bago din ang itsura ni Mark noong sinabi ni Yssa na manlilibre sya ng makakain para narin makabawi sa matagal na paghihintay ni Mark.

Alas siete na ng gabi ng nakauwi kami ng kanya kanya naming bahay. Kadating ko sa bahay ay agad akong nag mano sa aking nanay at sinabing di na ako kakain dahil naglibre si Yssa, naiwan sa hapag kainan ang aking kapatid na si Nathan, 9 years old, kasama ang aking nanay na si Anna, Wala na ang aming ama, walong taon na ang nakakalipas.

Kadating ko ng kwarto ay chinarge ko na agad yung kamera at ginawa ang aking assignments at nag aral ng lessons.

Alas nuebe ko na natapos ang aking ginagawa dahil ang dami nito. Pag katago ko ng mga gamit ko ay kinuha ko na yung kamera at sinubukan ko kumuha ng ilang litrato sa kwarto ko at isa lang masasabi ko. NAPAKAGANDA ng pagkakakuha. Sa galak ko ay tinago ko na ito sa bag ko para di ko makalimutan at magamit naming magkakaibigan bukas.

Umaga nanaman at nagising na naman ako sa sigaw ng nanay ko. Ginawa ko ang usual na ginagawa ko at dumiretso na sa eskwelahan. Pag dating ko sa klasroom ay saktong dumating si Mr. Marquez, ang aming English teacher.

"Pass your Essay, Please"

Pag kapasa namin ng mga essay namin ay isa isa ng binasa ito ni Mr. Marquez, ganito ang ginagawa nya tuwing nag papa assignment sya ng Essay, pwede kami mag daldalan basta dapat English ang gagamiting lenggwahe.

"Okay Class, I'll return your essay tomorrow and some essay are crappy, so you need to do better on your next assignment and some are astounding and congrats to them." Saktong natapos ni Mr. Marquez ang kanyang sinabi ng nag ring ang bell, hudyat na tapos na ang klase namin sakanya.

Sumunod ang Math Class at nag quiz lang kami dito. At dahil quiz namin sa Math, ang rule ng paaralan ay pag quiz/test, yun lang ang gagawin at walang ng iba kaya pwede na umalis ng klasroom ang tapos na mag quiz. Unang natapos si Mark, tapos si Yssa, tapos Ako, at huli si Teban. Dumiretso nakami sa Cafeteria. Nakakita kami ng pwesto at dun na umupo. Habang kumakain kami ay pinag uusapan namin ang naging quiz namin at naipasok ko din sa usapan ang kamera ko.

"Teban, tabihan mo si Yssa at kukuhanan ko kayo ng litrato" pag kalipat ni Teban ay sinimulan ko na ang pagkuha ng litrato.

"Patingin naman ng mga litrato! maganda ba ako?" tanong ni Yssa, tinignan ko ang mga litraro at laking gulat ko ng nakita kong wala si Mark sa litrato. Tinignan ko sila ulit at andun silang tatlo magkakatabi kaya kinuhanan ko ulit sila ng litrato kahit di sila naka ayos at nagulat nanaman ako dahil wala na nga si mark si litrato ay pati ang posisyon at facial expression nina Yssa at Teban ay kapareho ng nauna, walang nagbago kahit alam kong nag iba ng anggulo ang dalawa.

Tanong ko nalang sa sarili ko, Ano ibig sabihin nito? Multo ba si Mark? Bampira? At bakit wala nagbago sa anggulo ng dalawa?

After ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon