Doce: ...... The Storm

5 2 0
                                    

"Okay GoodMorning Class, alam ko excited kayo para i-enjoy ang trip na ito pero sana ay wag nyo din kakalimutan na parte ito ng inyong mga aralin." Bati samin ni Mr. Christopher Herrera, ang Math Teacher.

"That's true, but be careful sweethearts 'cause this place might be crawling with insects" Sabi naman ni Mrs. Bianca Lucia, ang aming Science Teacher.

"Andito tayo ng pitong araw at may iba iba tayong gagawin." Banggit naman ni Ms. Claudia Belle, Guro namin sa Araling Panlipunan

"At ang gagawin natin ngayong araw ay ang 'Introduce yourself' dahil alam naming hindi nyo kaclose ang ibang section. Kailangan nyong makilala ang mga taga ibang section dahil may mga gagawin tayo na kailangan nyo ng pakikisama sa kanila" Paliwanag naman ng aming P.E Teacher na si Mr. Reginald Portez.

"Now, let's begin." Ang huling nagsalita ay si Mr. Alvin Marquez

Isa isa kaming nag pakilala. Inuna nila kaming Section A hanggang napunta at natapos sa huling estudyante sa Section D.

"Okay, now that you know each other by their names, We will tell you what we decide to do here in our week long trip" banggit ni Mr. Marquez

"Ngayong araw ay kakaibigan nyo ang mga kasama nyo sa trip na ito, wag nyong limitahan ang mga sarili nyo sa Section nyo lang. Iproprovide ni Ms. Claudia ang mga gagawin natin" Paliwanag ni Mrs. Lucia

"Salamat Mrs. Bianca. Now Students, Here are the Activities printed for your convenience." Nakapila kami per section at nasa pinakaharap ang mga President ng bawat section at pag kaabot ni Ms. Lucia ng mga kopya ng Activities namin ay binasa ko ito.

Day 1 : Getting to know each other

Day 2: Let's talk about History

Day 3: What's that? Is that dangerous?

Day 4: The Weak and the Strong

Day 5: Good Morning Lovely Students

Day 6: One, Two, and Three

Day 7: and He Rested

"Panigurado ay mga mga idea na kayo kung ano ibig sabihin ng mga activities na iyan. Pero para sa mga hindi pa nahuhulaan, ang mga activities na yan ay patungkol sa mga itinuturo naming subjects. Araling Panlipunan, Science, P.E, English, and Math., yan ang pag kakasunod sunod ng mga gagawin natin. Panigurado ay mag eenjoy kayo sa mga gagawin natin at panigurado din ay may matututunan kayo" Mahabang paliwag ni Mr. Portez.

"Sir! Ano po ibig sabihin ng 'and He Rested'. I'm getting the vibe of Mr. Genesis, the Theology Teacher, but he is not here, or hahabol sya kaya nasa Day 7 sya?" Tanong ng isang babae sa section B. Anna ata ang pangalan.

"Well, Day 7 is for all of you to rest so you can enjoy the view and surroundings of this beautiful place, but if you want, we can contact Mr. Genesis to come here." Pabirong sabi ni Mr. Marquez.

Lahat naman kami ay sumigaw ng No. Tumawa nalang ang mga Teacher namin at sinabing ituloy na ang pakikipag kaibigan.

Nakakexcite ang mga mangyayari pwera nalang sa isang ayaw naming mangyari. Habang busy ang mga teacher namin at ang ibang estudyante ay linapitan ko ang mga kaibigan ko.

"Anyare sayo Yssa?" tanong ko kay isa ng makitang naka busangot ang kanyang pag mumukha.

"Paano kaya, yung isa kong kasama sa tent nakakainis, akala mo kung sinong maganda at matalino". Reklamo ni Yssa.

"Sino ba iyon?" Tanong ni Teban.

"Summer" Pag karinig ko ng pangalan ni Summer ay naalala ko ang pag bibintang nya kay Yssa ng nakikinig ako sa usapan nila. Sinabi din naman ni Yssa ang mga nangyari nung pinuntahan nya sina Angge sa Hideout nila.

After ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon